Giavannie POV's
Naglalakad akong mag isa ngayon papuntang Seven Eleven para bumili ng snacks.Papunta pa sana ako ng may tumawag pag tingin ko
“Love calling”Ay si Mark pala ang tumatawag Boyfriend ko kaya sinagot ko na.
Hello love?
(Hi baby kamusta ka?)
Okay lang ako love anong sadya mo?
(Grabe ka naman baby wala man lang i miss you dyan)parang nag tatampong sabi nya kaya napatawa nalang ako
Cge na nga I miss you love
(I miss you too baby ko.May klase ka pa ba?)
Ahmmmm actually kakadissmiss lang namin,bakit love?
(Punta ka naman dito sa park nandito ako wala kasi akong kasama kanina pa ang dissmissal namin na iinip na ako dito baby)
Cgecge bili lang ako ng maka kain ntin dyan hah dyan ka lang wag kang aalis!I'll hang up na love!Bye love I love you💞
(Bye baby ingat ka papunta dito!I love you too baby💓)
Cge na byee!
Pagkatapos naming mag usap pumasok na ako sa seven eleven at bumili ng pagkain at drinks para sa amin.
Papunta na ako ngayon ng park ng patawid ako may nakita akong pusa sa daanan kukunin ko na sana kaso hindi ko namalayan na may sasakyan pala kaya pumikit ako akala ko mamamatay na ako mabuti at naka break yung driver kinakabahan ako eh pagkatapos nun parang may mangyayaring hindi maganda pero inalis ko nalang ito sa aking isip at hinanap na si mark sa park!
Ngunit nagulat ako sa aking nakita si Mark may kahalikang babae napa atras ako at nasagi ko ang trashcan na nagsanhi ng ingay at dahilan para lumingon si Mark sa akin.Nag uunahan na ang aking luhang tumulo tatakbo na sana ako ng may humila sa aking braso at paglingon ko si Mark kaya tinabig ko ang kaniyang kamaybat umalis!
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag karating ko sa bahay dirediretso akong pumasok sa aking kwarto,may tumawag sa akin at alam kong si mommy yun wala namang pake sa akin yun eh binibigay nga nila lahat ng gusto ko pero oras nila di nila kayang ibigay sa akin spoiled nga ako eh si kuya Gio nalang ang natitirang kakampi ko eh,Spoiled ako sa kanila.Kaya pinabayaan lang nila ako sa lahat ng ginagawa ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay tinapon ko nalang kong saan ang bag ko at pumasok na sa banyo nagbabad muna ako sa bathtub tulala lang ako sa banyo sariwa pa rin ang nakita ko kanina.Sa sobrang depressed ko ay nawalan ako ng malay ang huli kong nakita ay buhatbuhat na ako ni kuya at bigla nalang dumilim ang paningin ko.