The Wedding (Special Chapter)

396 32 16
                                    

This is a story of how a girl desperately loved a boy everyday until the day he married. The story of how he became the memory I would never want to forget.

I saw him standing there, in the altar. That view made me happy and sad at the same time. I never imagined to see him like this. Naka-Americana at naghihintay sa altar. Yung tingin niya, yung sulyap niya, yung ngiti niya, yung lahat sa kanya. Everything was so perfect and so was he.

THIS IS THE DAY I WAITED FOR. Yan na lang nasabi ko sa sarili ko. This is really this day. Pero bakit ganun? I don't want to finish walking down this aisle. I stopped on my tracks. And looked at him once again. Hindi ba dapat natutuwa ako? Kase finally, this day is happening. But the more I walk and the closer I get to him, kasabay nito ang pagkadurog ng puso ko. Ang bawat hakbang ko ay katumbas ng bawat kirot ng puso ko.

Giean. Isang hakbang.

apat na taon ang ipinaghintay ko. Ikalawang hakbang.

At sa apat na taon na yun, ikaw lang ang minahal ko. Ikatlong hakbang.

Pero hindi natapos dun yung paghihintay ko sayo. Ikaapat.

Ang apat na taon ay naging walo. Ikalima.

Hanggang ang walo ay naging labindalawa. Ikaanim.

At ang labindalawa? dito na magtatapos ang aking paghihintay.

ang araw na pinakapinananabikan ko.

Ang makita ka sa harap ng altar habang ako?

naglalakad papunta sayo. Ikapito.

Tatlong hakbang na lang. Sasaya ka na at matatapos na ang paghihirap ko. Makikita na kitang nakangiti gaya ng nasa bawat panaginip ko. Ikawalo.

Mamimiss ko makita yang ngiti mong yan sakin.

Kung sa paanong tinititigan mo ako gamit ang kayumanggi mong mga mata.

Pero hindi na bale, at least masaya ka. Matutupad na ang gusto mo, mapapakasalan mo na ang babaeng pinakamamahal mo. Ikasiyam.

THIS IS THE DAY YOU WAITED FOR.

You can finally be with her. Tumigil ako sa paghakbang.

Giean sabihan mo lang ako, kaya kong ipaglaban ka sa pinakahuling pagkakataon.

Kaya kong itakas ka dito, iparamdam sayong mahal kita sa kahuli-hulihang pagkakataon.

dahil sa oras na humakbang ako sa ikasampung beses, tapos na.

Ikasampu.

Pasensya ka na, pero mukhang masaya ka na sa kaniya at alam mo naming ayokong nasisira ko ang kasiyahan mo.

"You may now kiss the bride"

1461 Synapses Between UsWhere stories live. Discover now