"Isabelle, ano kaba naman anak ilang taon na ang nakalipas mag mula ng mag hiwalay kayo ni nicolo, wala ka pa bang balak mag boyfriend?" tanong ni mommy habang tinutulungan ko siyang mag luto.
Ellicia Gonzales, she is my mom. Cool mom instead. Para nga lang kaming mag kapatid dahil sa turingan namin.
"Ano ba mommy, ayaw ko lang masaktan ulit and besides nakaka trauma. Nakakatrauma maiwan ng taong minahal mo naman." sabi ko at tumingin sa kaniya.
Napailing na lang si mommy. 2 years and 8 months ang tinagal namin ni nicolo akala ko nga ay siya na dahil sobrang saya ko pag kasama ko siya. Kahit kailan ay hindi ko lubos maisip na hahantung kami sa hiwalayan. First love ko siya kaya ang sakit para sakin ng break up namin.
By the way, I am Isabelle Gonzalez 19 years old. Tapos na ako sa 4 years course ko sa culinary. Maaga akong natapos ng pag aaral. Mayaman ang family ni mommy at daddy. Ngunit kahit nanggaling na sila sa mayaman na pamilya ay nag sikap pa din sila sa pag aaral high school sweet heart sila at inggit na inggit ako sa kanilang dalawa dahil napaka tibay ng relasyon nila at mas tumibay ng ikasal sila at mag bunga ng pag mamahalan nila at ako ang naging bunga nun..
"Uuwi ng maaga ang daddy mo galing sa trabaho, this coming weekend ay mag outing tayo para masulit ng dad mo ang day off niya." sabi ni mommy.
"Omg!!! Gusto ko yan mom hahaha! So saan ang outing?" tanong ko.
"Sa Tagaytay anak." sabi ni mom sa akin. Habang hinihintay naluto 'iyong niluluto niya.
“Really!?” di makapaniwalang tanong ko. Nakangiting tumango si mommy.
Maya maya lang ay bumukas na ang pinto ng bahay namin at panigurado akong si dad iyon.
"Dad!" salubong ko agad sa kaniya. Kinuha ko ang dala niya mga paper bag.
"Hey sweety, where's your mom?" tanong ni dad habang nakaupo sa sofa.
"Nasa kusina dad." sabi ko.
"Honey, buti maaga kang nakauwi. " sabi ni mom kay dad na ngayon ay kasalukuyang tinatanggal ang aipron.
"Miss ka daw niya agad mom." natatawang sabi ko.
Namula naman si mommy at bumaling ng tingin kay dad na ngayon ay nakangisi.
Goerge Gonzales, pangalan pa lang ni dad gwapo na diba? Well gwapo si daddy manang mana siya kay lolo. Closed ako sa kanilang dalawa ni mommy. Sweet si dad lalo na sa aming dalawa ni mommy. Mabait din yan at sobrang supportive.
"Nako isabelle ha. O s'ya mag bihis kana hon, mag p-prepair na kami ng dinner." sabi ni mommy kay daddy.
"Sige hon, Nga pala buksan niyo na yung paper bag binili ko para sa inyong dalawa yan." sabi ni dad. Na ngayon ay paakyat na ng kwarto nila ni mommy.
Kinuha ni mommy ang anim na paper bag na dala ni dad kanina.
"Ano laman mom?" usisa ko.
Napangiti si mom ng makita ang laman ng isang paper bag. Family shirt siya tatlo iyon i think para sa akin, kay mom at kay dad.
Binuksan pa ni mom ang isa pang paper bag.
Box siya na may note pa sa ibabaw ng box.
Binasa namin ni mom iyon.
Wait for me honey, ako mag susuot sa'yo niyan.
-G.
'Di binuksan ni mom.
Kasalukuyan naman pababa si dad dahil narinig ko ang yapak niya sa hagdan.
Lumapit siya kay mom at nakita niyang nabuksan na ni mom ang paper bag na may laman na box.
YOU ARE READING
When I'm Not YOURS
Teen FictionSiya si Isabelle Gonzales, nanggaling sa isang marangyang pamilya, mayaman at kilalang pamilya sa siyudad. Nag iisang anak siya kaya naman halos lahat ng luho niya ay naibibigay sa kaniya. NBSB ( NO BOYFRIEND SINCE BREAK ) Yeah, hindi na siya nag...