Chapter 3: foam

107 9 6
                                    

At dahil saturday ngayon syempre walang pasok! Yey! Napagdesisyunan namin ng bestfriend kong si Kayne na pumunta ng mall at dahil mabait si manong juan, kahit na day-off niya hinatid niya parin ako.

Pagdating ko sa mall nakita ko agad si Kayne na may kausap na lalaki. Kaya nilapitan ko sila. Syempre naman magpapakilala din ako no.

"HOY LALAKI! IBALIK MO SAKIN YAN!" Aww hindi pala sila naguusap kundi nagsisigawan.

"Hahahahahahah"

"Ugh. MADAPA KA SANA! Tayo na bes"

Sabay walk-out nang dakila kong bestfriend pataas sa escalator. At nang tiganan ko yung kasigawan niya si kuya tumulong sakin sa cr pala yun! Magha-hi sana ako pero concentrated masyado kay bes eh kaya umalis nalang din ako dun at sinundan si Kayne.

At dahil nga KARMA IS A BITCH!

Saktong nung nasa taas na si bestfriend may nakasalubong siyang dalwang batang nagtatakbuhan kaya syempre umiwas siya, pero nung umiwas siya nabangga naman siya nung cart na ginagamit pang grocery na tinutulak ng isang lalaking nagtatrabaho dun.

Kaya in the end siya po ang nadapa -.-

Hays.

"Hahahahahahahahhahahaha" napatingin ako sa tumatawa si kuya cr pala!

Tawa lang ng tawa si kuya cr habang naglalakad at nakatingin kay Kayne samantalang si Kayne nakayuko na sobrang pagka pahiya.

Dahil sa sobrang saya ni kuya cr hindi niya napansing may makakabangga na pala siya.

Yan na in 5..4..3..2..1

*boogsh*

Nakabangga siya ng matandang babaeng may hawak na coke? Or pepsi? Basta yun. Kaya nadulas siya at naisama niya si lola sakanya.

INUULIT ko dahil nga KARMA IS A BITCH!

AT KUNG GUMANTI ANG KARMA TRIPLE BALIK SAYOOO!

NUNG NADAPA SILANG DALAWA NI LOLA NAGKISS PO SILA! SA LIIIIIPSSSSS!

Opo tama kayo ng basa nagkiss sila, naghalikan, nagsmoochie-smoochie, nagchupa, nagdikit lips nila, uh ano pa ba ibang synonym non?

Weeeell, okay lang naman siya ata? Kasi mukhang bagets si lola. Nakashort shorts at sleeveless kasi siya tas 3inches na heels at nakaearring ng malaki! Oh dibey, bongga!

At dahil dakilang tsismosa ang iyong lingkod na si Athena...

"Eww lang sis ha, naniniwala naman ako sa age doesn't matter pero wag naman sanang ganyan!"

"Bakla, swerte ni lola ang pogi nung boy oh kung matanda din naman pala mga gusto ng mga lalaki edi sana hindi na ako nagpapaBelo!"

"AqUoH bH3 hInDi kita ip46p4p4Lit kHas3 ikH4w lHunGs s4p4t n4" (ako bhe hindi kita ipagpapalit kasi ikaw lang sapat na)

"Bakla tignan mo itey nagchupa si mommy at kuya pogi. Gosh swerte niya bakla. Ano kayang gayuma gamit niya?"

At marami pang iba may mga nagvideo pa nga nung incident na yun eh.

So ngayon naglalakad kami ni bes at hindi matanggal-tanggal yung ngisi niya. Ewan ko nga kung anong nangyari sakanya eh parang nakadrugs lang eh -.-

O.O

DRUUUUGSSSSS??!!?!!???!!???!!

Nagdrudrugs si Kayne? Waaaaa. Kaya niya siguro ako pinapunta dito, pinakain sa masarap na restaurant, ibinili ng damit at kaya siya nagagalit sa lalaki kanina kasi kinuha nung lalaki yung drugs niya!

"Bes, masama yan itigil mo na to!"

"Alam ko naman bes eh pero hindi ko talaga kaya" ooooh. So confirmed

"Bes masama yan sa kalusugan mo!"

"Oo bes alam ko ang sakit nga dito eh *turo sa heart*"

"Huhuhu. Beess. Tutulungan kita wag ka mag-alala ayokong maging drug addict ka hindi ko kayaa"

"Huhu. Oo ng-- ha? Drug addict? Sino?"

"Ikaw! Diba nagdrudrugs ka?"

*after 2 hours*

Nandito kami sa labas ng mall naghihintay ng masasakyan pauwi.

*beeeeeeeeeeep*

"Athena! Lika na!"

Kaya pumasok ako agad sa jeep para makauwi na kami late na rin kasi baka mapagalitan pa ako ni mommy.

So yun habang nasa jeep soundtrip sountrip muna ako. Yung about sa kanina well, Brokenhearted pala ang bespren ko at nagpapakamartir siya si kuyang cr naman nakita ang heartbreaking break-up nila ng ex-jowa niya kaya vinideo niya yun. Nga pala nalaman kong hindi pala talaga nagdrudrugs si Kayne. Nagpacheck-up pa nga kami para sure nagpakahirap akong hilain siya sa clinic tapos pagdating namin dun sa clinic nung kinwento ko sa doctor yung nangyari tinawanan lang niya ako :3 tapos sinabihan pa ako na dapat ako daw yung nagpapacheck-up. Ang healthy ko kaya!

Nagbrubrush naman ako, natutulog, umiinom ng tubig, naliligo rin naman ako,nagshashampoo at conditioner pa nga ako eh nagfafacial wash din naman ako, nagpph care din naman ako para laging fresh and clean sabi nga sa TV.

After ilang minutes. Malapit na kami sa bahay kaya kinalabit ko agad si Kayne nakatulog siya eh.

"Kayne, gising"

"Hmm, saan na tayo?"

"Malapit na tayo sa bahay"

Tumango lang siya sakin at kinuha na wallet niya para magbayad ng pamasahe siyempre ako rin kinuha ko wallet ko at naghanap ng pambayad. Pero instead na pera makita ko bubblegum na judge nakita ko kaya sinubo ko muna yun habang naghahanap ng barya.

"Bes may barya ka ba?"

"wala"

"SABI KO MAY BARYA KA BA?"

"MAKASHIGAW KA AH! *munch* WALA NGA SHABI AKONG BRA EH!" Sahil nga nakabubblegum ako ang nasabi ko ay bra imbes na barya -.-

Kaya nagtinginan lahat ng tao sa jeep sakin pati yung driver. Hindi pala sila sakin nakatingin kundi sa ano ko.

Okay awkward.

"Barya po yun BARYA! May bra po ako oh, tignan niyo *pakita strap* may foam pa nga eh! *sabay dudot sa foam ng bra*"

Kaya nagtawanan silang lahat hanggang makarating kami sa bahay eh nakangisi silang lahat sa akin.

~

Sorry pacorny ako ng pacorny hahahahaha. Well two updates po kasi matagal pa bagoak o magupdate uli kasi exam na so yan na. At sorry kasi walang kuya black and Athena moment. Err. Kay kuya black parin hanggang ngayon at hindi ko pa nirereveal pangalan kasi wala akong maisip na pangalan -.-" enebenemenyen. Suggest plith?

Thanks sa gumawa ng cover ❤️👏

Nga pala deic po sakanya kasi ang ganda ng stories niya lalo na yung MBG hahaha. Tsaka way of thanking her narin sa pagread at pagcomment sa story ko :* 

My coma loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon