MATA NG DIYOS

950 14 9
                                    

....

SA LUPA:

TAO: Si Senator Bait? Ang kapitapitagang senador ng bayan?

Ano?! 'Di mo siya kilala?! Aba'y tama ba itong aking naririnig?

Si Senator Bait na may asawang dating beauty queen ( take note, yung uri ng beauty queen na maganda, matalino at may dating ha) Si Senator Bait na may mga anak na doctor, attorney at congressman? Si Senator Bait na siyang pinarangalan bilang senador ng masa? Siya na tagapagtanggol ng mahihirap at api?

Abe! Aba! Aba! Mahiya ka at di mo kilala itong senador na dati'y ipinagpalit ang isang pagtitipon sa Malacanang upang makarating sa isang salu-salo ng mga magsasaka, Isa kang kawawang nilalang kung di mo nakita ang senador na magbigay ng tulong sa mga nawala ng kani-kanilang bahay at kagamitan sa isang pag-demolition ng squatters' area. ' Yan si Senador Bait .

Sa Mata ng sangkatauhan, ang senador ay marangal at dapat mo lang kunin para sa libro mo ng mga bayani ..

TAONG MANUNULAT : Sabi mo eh .

SA LANGIT :

DIYOS: Si Senador Bait? Ang pinipitagang senador ng bayan sa maling akala?

ANO?! Di mo siya kilala? Aba'y tama ba itong aking naririnig?

Si Senador Bait na may asawang linoloko siya (take note, linoloko kasama ang kanyang matalik na kaibigan ha?) Si Senador Bait na sinusundan ng kanyang mga anak sa panloloko sa kapwa nila tao? Si Senador Bait na ang unang iniisip ay ang sariling kapakanan at di ang kapakanan ng masa? Siya na niloloko ang mga mahihirap at api, Kunwari pinaglalabn sila, pero ang totoo'y hinuhuthutan sila?

Aba! Aba! Aba! Mahiya ka at di mo kilala ang senador na ito na siyang nagpapatay sa pamilya ng pinuno ng samahan ng mga magsasaka. Isa kang kawawang nilalang kung di mo alam na matalik niyang kaibigan ang nagpatupad sa isang demolition ng isang squatter's area at di man lang niya ito pinigilan? Yan si Senador Bait ...

Sa mata ko, ang senador ay sinungaling at dapat mo lang kunin

SATANAS; Sabi mo , eh ....

MATA NG DIYOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon