Sa bawat pagiibigang magaganap, di makakatakas ang sino man sa sakit na hinaharap.
Sa bawat tagumpay na makakamtan, may mga nasasadlak sa kalugmukan.
Sa bawat ngiting ipapakita, may luhang lalandas.
Sa bawat kasaganahan, may mahihirapan
Sa bawat hinaing, pagbabago ang maidudulot sa sino man.
Sa bawat sarap, may hapding mararamdaman.
Sa bawat pagdating , kasabay ay ang pagalis .
Sa bawat paghadlang, may lalaban.
Sa bawat pagtanggi, may tatanggap.
Sa bawat pagkainis, may pagmamahalang magaganap.
Sa bawat paglaya, may makukulong.
Sa bawat paggising, may magpipikit ng mata.
Sa bawat kadiliman na sumusuplong sa kahinaan, may liwanag na magdadala sa kaginhawaan.
SA LAHAT NG LUPA MAY LANGIT.
BINABASA MO ANG
Langit at lupa
Teen FictionLangit at lupa Lalaban ka? O aatras? Pagmamahal o kalungkutan?