LANGIT

17 3 0
                                    

HAVEN's POV

"langit lupa impyerno, saksak puso tulo ang dugo, patay, buhay, umalis ka na sa pwesto mong mabaho" sabay sabay tumakbo ang mga kalaro ko nang sa katawan ni faye huminto ang kanta kaya nasimula narin akong tumakbo.Naglalaro kasi kami ngayon ng mga kapitbahay namin sa may bakuran habang ang mga nanay namin ay nagsasampay sa isang bahagi ng bakuran. Sa totoo lang hindi naman tlaga dapat nagsasampay ang nanay ko pero nakaugalian nya kasi iyon at tumatakas lamang kay daddy upang makihalubilo sa mga kapitbahay namin pero panigurado namang may magsasabi pa rin kay daddy at parehas ulit kami mapapagalitan ni nanay.

Ako nga pala si Haven Angelica Morgan, 10 years old palang ako ngayon at magiging onse anyos na dalaga sa ikalabing tatlo ng abril ngayong taon.Nakatira kami ng aking pamilya sa isang napakalaking mansyon ng aking daddy dito sa la salida del sol na isang probinsya na pinamamahalaan dati ng aking lolo kaya hinawig nya ito sa pangalan ni lola solidad na kanyang asawa.Kasalukuyang isang mayor ang aking ama na kilala sa buong bansa dahil sa sinasabi nilang husay nito sa pamamahala. Samantalang ang aking nanay naman ay isang housewife sapagkat hindi siya pinahintulutan ni daddy na magtrabaho.At ang aking pitong taong gulang na kapatid na si nathan angelo morgan.

"Anak pakikuha naman nitong timba natin at pakipasok na sa loob, hapon na pala at pauwi na ang iyong ama." dali dali ko namang inabot ang timba at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay, at gaya ng nakasanayan sinalubong ulit kami ni manang ester na humahangos

"ginang! munting binibini! nakila gustin na raw ho si ginoong henry! kayo'y magmadali at pareparehas po tayong malilintikan!" saad ni manang ester na kinibit balikat nalang namin ni inay ngunit kalaunay nagpaunahan rin sa kanya kanya naming kwarto at parehas nag banlaw ng katawan.

"At-Ate! tawag ka daddy! " ang munting tinig ni nathan ang sumalubong sa akin paglabas ko ng banyo ng nakaroba lamang, nagkautal utal pa ang aking kapatid sa pagsasalita ng tagalog dahil sa ibang bansa kami nanirahan simula ng maisilang sya at nitong taon lang kami umuwi muli rito. Kahit na may kutob na ako kung bakit ako pinapatawag ni daddy tinanong ko pa din ang aking kapatid.

"bakit daw?" sabi ko ng nakakunot ang noong pinapatuyo ang aking buhok at saglit na sumilip sa kapatid kong nakatitig sa ipad nyang dala dala.

"dad told me that he wants to talk to you about something important and dont ask me what is it about because i dont know ate" wika ng kapatid ko nang nakatitig parin sa dala nnyang ipad.

"okay labas ka muna bunso tell daddy that i'll just fix myself before going down" agad namang tumango ang kapatid ko at tumalima na sa paglabas.

Di ko alam kung bakit sa dinami rami ng pagkakataong napagalitan ako ni daddy ay ngayon lang ako nakaramdam ng kabang ganito kagrabe. Para bang ayoko na bumaba at dito nalang ako hanggang mamaya, pero hindi naman maaari dahil lalo akong papagalitan ni daddy.

Kaya labag man sa sinasabi ng utak ko bumaba na ko at naabutan ang ama kong nagbabasa ng dyaryo sa sala ng aming bahay. "Hi Dad, what is it po ba? sorry for the delay dad i took a shower po kasi"sabi ko at patay malisyang umupo sa tabi nya

"i know what happened a while ago haven, hindi pa ba kayo nadadala ng mommy mo?how many times do i have to tell you that if you or your mom got bored you can call our relatives to keep you accompanied right?" daddy spoke calmly but deep inside i know that he has lost his patience.

"Sorry da-"

"Yan sorry nanaman. Nakakailang sorry ba kayo ng mommy mo kada buwan? you two are so hardheaded." sabi ni daddy ng may kasamang pagtatampo.

"Daaaaad" pinalambing ko pa lalo ang boses ko at yumakap kay daddy."why do we need to seperate ourselves from our neighbors dad? i just cant understand it po" i said it with my clingy voice and i hugged him tighter.. i know that he cant endure me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Langit at lupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon