nasa bahay nila sya at nakahilata sa kanilang sofa sa sala habang sya ay nanonood ng tv.hmm anong oras kaya silang darating? 10:52 na for God's sake!
umalis kase ang kanyang magulang. Sinabi sa kanya na makikipag deal daw sila sa isa sa pinaka sikat na kumpanya sa U.S.
ang sabi nila eh mag mi meet lang sila sa isang restaurant. Bakit ang tagal naman ata?
halatang boring na boring ang dalaga at wala syang magawa dahil gabi na. Alangan namang gumala sya no!
*clack!*
napalingon sya sa kanilang pinto ng marinig nya ang pag bukas non.
pero nadismaya sya ng makita nya ang kanilang driver imbes na ang kanyang mga magulang.
"uhm kuya nasaan po si mommy?" tanong ng dalaga
"ma'am sabi po ng mommy nyo eh mag bihis daw po kayo at hihahatid ko po kaya kung nasaan sila ma'am. At sabi po pala ni ma'am yung suutin nyo daw pong damit eh yung binili nya sainyo nung isang araw."
"ah copied. maghintay nalang po kayo jaan sa sala mag aayos lang po ako"
umakyat ang dalaga sa taas ng kanyang kwarto at isinuot ang kulay pulang backless fitted dress na lampas tuhod ang haba, at tinernohan nya ito ng red heels.
bumaba sya at inaya nya ng umalis ang kanilang driver.
habang sila ay nag ba byahe inipitan nya ang sarili nya ng messy bun at nag lagay sya ng pulang lipstick.
kulay red lahat ang suot ko. di ba ako mag mukhang ewan dito?
"kuya manong, di po ba panget itong suot ko? puro pula po kasi eh"
"hindi po ma'am. Bagay nga po sa inyo eh"
"ah heheh salamat po"
..
Nang makarating sila sa restaurant kung nasan ang kanyang magulang eh tinuro ng driver kung saan sila naka pwesto.nang makita nya na ang pwesto ng kanyang magulang eh naka kita sya ng lalakeng pamilyar at mukhang mga 3 taon ang tanda sakanya.
"mom" naka ngiting saad ng dalaga at umupo sa isang vacant seat
"oh anak nandito kana pala. Ito nga pala yung ka deal namin ng dad mo si mr. Martinez"
huh? sya ba yon? hindi ba masyado pa syang bata para mag handle ng isang kompanya?
"Aria Felicity Hernandez"
naka ngiting saad ng dalaga at sya ay nakipag kamay. tinanggap naman ng binata ang kanyang kamay
"Lucas, Lucas Martinez"
nakangiting tugon ng binata.sa pag ngiti nito hindi mo ikaka ilang na gwapo sya.
ang init ng palad nya..
hinarap ng dalaga ang kanyang mommy at nag tanong.
"So mom. Anong kinalaman ng pag punta ko rito?"
natawa naman ang dad nya.
"Tell her hon" saad ng dad nya
"eh alam mo naman ng malapit nakong manganak anak diba? kaya magiging busy na kami ng dad mo. So.. napag usapan na namin ng dad mo na ikaw muna ang mag ha handle ng company"
napa nganga ang dalaga at napatitig sa kanyang ina.
"but mom! hindi ako marunong! tsaka ang bata bata ko pa oh!"
"we know you can do it anak. look at mr. Martinez he's only 22 yet he already handle 6 company's"
wuut?! 6?!
"oo nga naman anak. 19 kana naman eh. you can handle it. tsaka napaki usapan na namin tong si mr. Martinez na sya ang mag tuturo sayo"
kung ganito ka gwapo ang mag tuturo sakanya bakit hindi diba? sayang ang opportunity HAHAHA
"bahala kayo jan. basta pag bumagsak ang company natin walang sisihan!"
natawa naman sila sa sinabi ng dalaga.
"oh come on dear. alam naman namin ng mommy mo na hindi mo yon magagawa" natatawang saad ng dad nya.
"ah basta"
humikab naman ang dalaga at halatang halata na sya ay nakaka tulog na.
"mom im sleepy" saad nya at ipinatong ang ulo sa balikat ng kanyang nanay.
"its settled then. So mr Martinez we shall start tomorrow. Were heading now"
tumango naman ang binata at sinulyapan ang dalaga.
nag tama naman ang kanilang mata at tila nalunod ang dalaga sa pag titig sakanya ng binata.
"good bye mr. Martinez"
saad ng tatay ng dalaga"good bye mr. Hernandez. Take care"
naka ngiting saad ng binata....
nang maka uwi sila, agad nahiga ang dalaga sa kanyang kama at napa isipkung nasaan kaman luke sana masaya ka.
sa gitna ng pag dra drama nya bigla nalang lumitaw ang itsura ni Lucas sa isip nya.
may girlfriend na kaya sya?
napa iling naman sya.
ano ba itong iniisip ko?
sumagi naman sa utak nya ang pag tititigan nilang dalawa ni Lucas kanina.
di nya mapigilang ngumiti ng matamis.
ano kayang mang yayare bukas?
