"Training(part 2)"
Shiina's pov.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sobrang lamig , 5:30 palang kasi ng umaga eh
"grabe ang lamig"sabi ko sa sarili ko habang yakap yakap parin yung sarili ko
Mga ilang minuto nakarating narin ako sa training room , pagbukas ko ng pinto may nakita akong isang tao na inaatake yung mga dummy's ,hindi nya pa napapansin na nandito ako dahil busy sya sa pagatake sa mga dummy's
'Grabe ang galing nya halatang sanay na sanay na syang gamitin yung rune nya , kahit na fire sword palang yung ginagamit nya', namamanghang sabi ko sa isip ko
Pumunta na lang ako sa isang tabi para umupo, pero uupo palang sana ako ng bigla syang nagsalita
"your late "sabi nya habang nakatuon parin sa mga dummy's yung paningin nya
"huh???, late na ba ako sa tingin mo ,eh 5:40 palang ng madaling araw "sabi ko sakanya
"tsk , whatever"sabi nya tska umirap , bakla ba to
Nagulat ako ng biglang may papuntang fire ball sa dereksyon ko,agad naman akong umiwas , tumingin ako sa kanya ng masama at tinaasan lang ako nito ng kilay
'grabe totostahin ba ako ng baklang to '
"isa pang sabi mo saakin ng bakla hindi lang yan mapapala mo"sabi nya saakin
'hmmmmp sungit talaga , denedenay pa eh totoo naman ' sabi ko sa isip ko
Nagulat na naman ako ng maraming fire ball ang papaunta sa dereksyon ko agad naman akong umiwas
'may balak yata talaga akong patayin ng lalaking to '
"tumigil ka kasi sa kakasabi sa akin ng bakla kung gusto mo pang mabuhay 'sabi nya saakin na may halong pagkairita sa boses nya
"oo na , oo na , tumigil ka rin kasi sa kakabasa ng isip ko, di mo ba alam yung salitang privacy"sabi ko kanya habang nakataas yung isa kung kilay
"tsk, isarado mo kasi yung utak mo kung ayaw mong mabasa ko",sabi nya sa akin
'hmmmmmmp sungit 'sabi ko , sinarado ko nalang yung isip ko , baka matosta na talaga ako ni sungit
"tsk"sabi na lang nya habang kinakalaban parin yung mga dummy's
'gaano ba yan kadami , at bakit kanina pa yata sya atake ng atake dyan',tanong ko sa sarili ko
Tumayo ako para tignan yung screen kung ilan ba yung dummy's nilagay ni sungit
Nagulat ako ng makita 5,000 dummy's yung nilagay ni sungit
'grabe , may balak pa naman syang mabuhay diba'sabi ko sa sarili ko
Pumunta na lang ako kung saan ako nakaupo kanina at naghintay na matapos sya
Mga ilang minuto natapos na rin sya, pumunta muna sya sa isang tabi para kunin yung tubig nya ,pinagmasdan ko na lang syang uminom
'grabe ang hot nyang uminom 'sabi ko sa isip ko
Napaiwas ako ng tingin ng bigla syang tumingin sa akin habang nakangisi , binaling ko na lang sa iba yung paningingin ko
'kahiya nakita nya ako nakatingin sa kanya'sabi ko sa isip ko habng pulang pula na yung mukha ko ,yumuko na lang ako para hindi nya mapansin na pulang pula na ako
Nagulat ako ng biglang may malamig na bagay ang dumapi sa pisingi ko ,pagkaangat ko ng tingin nakatingin pala sya sa akin , ilang pulgada na lang yung lang ko sa mukha ko sa kanya ,unting maling galaw lang mahahalikan ko na sya
"b-b-bakit "nauutal na sabi ko kanya , siguro pulang pula na yung mukha ko
Nagulat ako ng bigla syang tumawa , grabe parang syang anghel ,ilang minuto ako nakatingin habang tumatawa sa kanya
"hahahha, ang cute mo pala kapag namumula ka , hahaha"sabi nya habang tumatawa parin
Nakatingin lang ako sa kanya, habang tumatawa parin sya napangiti na lang ako,mga ilang minuto tumigil na sya , bumilik na sya pagkapokerface nya
'bipolar lang'sabi ko sa isip ko tska umirap
"tumayo ka na dyan magtratraining na tayo"sabi nya sa akin habang gamit gamit nakapokerface
Pumunta na sya sa gitna , sumunod na lang ako
"umupo ka dyan sa gitna "ginawa ko na lang yung sinabi nya tsaka nag-indian seat sa gitna
"mag-concentrate ka at hanapin mo yung rune ng fire power mo "tumago na lang ako pinikit ko yung mata ko at tsaka nagconcentrate , ng mahanap ko na yung rune ng fire power ko ,bigla na lang naging mainit yung pakiramdam ko ,parang nasa impyerno ako sa sobrang init ng pakiramdam ko
"good , tumayo ka at ,iopen mo yung mata mo at iimagine mo na may fire ball sa kamay mo"sabi nya
Ginawa ko na lang yung sinabi nya nagimagine ako na may fire ball sa kamay ko , sa una hindi ko magawa pero habang tumatagal nagagawa ko na
May iba pang pinapagawa saakin si sungit katolad ng fire sword, fire storm , at iba-iba pa
Mga hapon na kami natapos ni sungit sa pagtratraining ,agad akong napahiga ng matapos na kaming magtraining sa sahig sa sobrang pagot , piling ko nawala lahat ng lakas
"pumunta ka na agad sa dorm mo , para makapagpahinga ka na agad"sabi nya atsaka lumabas na agad dala dala yung mga gamit nya
Mga ilang minuto pa akong nagpahinga ng maramdaman ko na medyo okey na ako , agad akong tumayo para pumunta sa dorm. lumabas na ako at naglakad papunta sa dorm
**Dorm**
Ng nasa tapat na ako ng dorm agad kong binuksan yung pinto at nakito ko sa pinto si bessy na nanonood habng kumakain ng popcorn, ng maramdaman nya presensya ko agad syang tumigin sa akin
"o hi bessy , kamusta training mo"tanong nya saakin habang papunta sa dereksyon nya
"okey lang naman kaso nga lang muntik na akong matosta ni sungit "sabi ko sa kanya habang uupo sa tabi ni bessy saka pinikit yung mga mata ko
"okey , kain ka na bessy pinagluto kita ng favorito mong adobo"sabi nya saakin , agad naman akong napamulat at saka tinanong sakanya kung nasaan yung favorito kung ulam
"hahah, basta talaga faborito mong ulam no , asa ibabaw ng lamesa"sabi nya agad naman akong pumunta sa dining room
May nakita ako doong plato habang may takip , binuksan ko ito at halos maglaway na ako sa bango ng adobo na niluto ni bessy ,agad naman akong kumaha ng plato at kutsyara at tinidor at kanin , at agad na nilantakan yung favorito kung ulam
Ng matapos ako nilagay ko na agad sa lababo yung pinagkain ko at agad na hinugasan ito
Ng matapos ako nagpunas muna ako ng kamay saka lumabas ,para magpahinga sa kwarto ko
"tulog muna ako bessy "tumango na lang si bessy habng nanonood parin
Ng makaakyat ako agad akong kumuha ng damit pangpalit ko at agad na nagtungo sa kwarto ko
Mga ilang minuto natapos na agad ako , nagbihis narin akong at agad na humiga sa kama ko,naala ko na naman yung tawa kanina ni sungit , umiling iling ako ,para matanggal sa isip ko yung nang yari kanina
Mga ilang minuto nakaramdam na ako ng antok at nailamon na ako ng dilim
BINABASA MO ANG
DIVINE ACADEMY : THE GODDESS OF ALL
FantasyMinsan sa buhay kailagan mong masanay na mag-isa.Paano kung nasanay ka na kasama mo sya,tapos iiwan ka nya.Naiwan kang nag-iisa,tapos lumuluha ng walang karamay habang sya ay may kapiling ng iba.Hindi lahat ng love story nauuwi sa happy ending. I'm...