Chapter#20

0 0 0
                                    


Laxine's POV

Hanggang ngayon ay nasa loob parin kami ng hospital dahil naka confine pa dito si jay , mag aapat na araw na ngayon mula ng isinugod sya dito nila jean

Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag nabaliw ako , di ko kase kaya pag may nangyareng hindi maganda sa kanya

Kilala ko na kase sya masyado e.. wala kaming problema sa isat isa o sa kahit ano pero wag lang sana na tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkaroon ng lamat ang relasyon namin

Mahal ko sya e , handa akong gawin lahat para lang sa kanya . Alam ko naman mahal nya din ako pero wala kaming magagawa kung panahon mismo ang bumabago saaming dalawa. Wag lang sana na mag dilang anghel ako

"Laxine ? Are you okey?" Nawala sa pagkaka tulog ang diwa ko ng marinig ko si jean

"A-Ahh. Oo . Okey lang ako don't worry. May iniisip lang ako sa trabaho" pag dadahilan ko sa kanya

"Ahh. Ganon ba? Wag mo muna isipin yun. Mai-istress ka lang kung yun pa ang iisipin mo sa ngayon.. si Jay muna ang isipin mo" ngiting sabi nya

"Hmm. Oo, tama ka nga." Sabi ko nalang saka nginitian sya at bumalik ulit sa pagkaka tulala

Hindi ko kase lubos maisip kung bakit parang ayaw maniwala ng puso,isip at diwa ko sa mga pinag sasabi ng doctor

~FLASHBACK~

"Doc ? Kamusta na po ang lagay nya ? Ano po ang nangyare sa kanya ? Bakit po sya bigla nalang natumba kanina?" Sunod sunod na tanong ko sa doctor nya dahil sa sobeang pag aalala

"Lax ? Calm down , okey? Calm down. Wala namang masamang nangyare kay Jay eh. Kumalma ka muna okey?" Sabi ni lean habang naka hawak pa sa balikat ko kaya naman medyo kumalma ako

"Doc ? Ano na po ang nangyare kay jay ?okey na po ba sya ? Ano po ba ang nangyare sa kanya ?" Sunod sunod pero malumanay na tanong ni lean sa doctor

"He's stable now . Inaapoy sya ng lagnat nung isinugod sya dito. At mukhang stress din sa trabaho kaya ganyan ang nangyare sa kanya" sabi nung doctor

"Eh doc. Sa ngayon po ba ay ok na sya ?" Kabadong tanong ko

"Hmm. Oo, okey okey na ang lagay nya ngayon. Bumaba na ang lagnar nya.." ngiting sabi ng doctor kaya naka hinga ako ng maluwag kahit papano

"Ganon po ba doc ? Salamat po"

"You're welcome . Excuse lang . May psasyente pa kase ako e"

"Ahh. Go ahead doc. Salamat po" ngiting sabi ko pa at tsaka umalis ang doctor

~END OF FLASHBACK~

Aaminin ko na hindi ako masyadong naniwala sa doctor na yun , hindi ko alam kumg bakit pero kase ayaw talaga maniwala ng sistema ko, wala akong mapag kukunan ng ebidensya para wag maniwala pero kase habang tumatagal ay nag iiba ng nag iiba ang pakiramdam ko.. every time na nakikita ko sya sa naka higa sa kama na yan.. nanghihina ako pero alam kong dapat sa ganitong panahon ay ako ang malakas dahil walang mangyayare kung ako ang mahina.. ako lang ang pagkukunan nya ng lakas pero kung ako mismo ang mahina ay walang mangyayare saaming dalawa ..

'Haysss. Okey lang yan Laxine , okey naman na si Jay e. Nag papahinga nalang sya ohh. Maniwala ka sa sinabi sayo ng doctor yun ang totoo e. Wag mong lokohin ang sarili mo.!'

Problems Between UsWhere stories live. Discover now