Christmas Eve
Noche Buena na naman pala, kay bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay bagong taon pa, tapos ngayon... Hay.
I was walking down the messy street when I saw a big happy family in front of me. Ang sarap titigan ng kanilang mga ngiti na abot tenga at ng kanilang mga mata na nagkikislapan. Marahil dahil sa repleksyon ng iba't ibang ilaw sa paligid ngunit kung pagmamasdang mabuti, ito'y dahil sa kasiyahang nadarama nila na walang makakapantay kahit sino.
Ang mga bata ay may tinuturo na mga laruang gusto nila at ang kanilang mga magulang naman ay mukhang kinakausap sila ng masinsinan.
Some people are taking photos of their selves with Santa Claus. Some are using DSLR for an aesthetic photography.
Ipinasok ko ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon at humalukipkip. Inilibot ko ang paningin at hinintay na bumalik ang nakababatang kapatid.
Out of nowhere, I feel longing for something or should I say... someone.
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy na ang paglalakad.
Mahihimigan sa paligid ang iba't ibang kanta na pangpasko. May nangangaroling rin na mga bata sa mga bahay, may nagtitinda ng mga pagkain na tuwing pasko mo lamang malalasap. Sa hindi inaasahan ay naramdaman ko na lang ang aking labi na nagporma ng isang maliit na ngiti.
Ilang hakbang pa ang ginawa ko at narating ko na ang park... kung saan kami unang nagkita at nagkakilala.
Mapakla akong natawa nang matagpuan ang sariling tinititigan ang puno na nagtagpo sa amin noon. Kung dati ay ang bata pa ng punong iyon at kay ganda pa pagmasdan dahil puno pa ito ng mga bulaklak. Ngunit ngayon ay kay tanda na nito.
Ibinuga ko ang hanging inipon ko sa aking dibdib at nagdesisyong lapitan ang puno na ngayon ay pinalilibutan ng mga batang naglalaro.
Nang makalapit ay dahan-dahan akong napalunok. Inilapat ko ang aking palad sa nakaukit rito kahit ramdam ko na ang panginginig nito.
Trex♡ Enade forever
“How are you now, Enade? I'm still waiting for you to come back and will never ever get tired waiting for you...” mahinang bulong ko.
Nanatili akong nakatayo rito habang pinapanood ang mga bata.
We are just like them when we're still kids, Nade. And I hope I can go back to the time when we are still happy. When we are still... together.
Ilang minuto pa ang lumipas at may naramdaman akong dumadampi sa balat ko na bagay at galing ito sa itaas.
Iniangat ko ang aking paningin at nasilayan ang kanina ko pa hinihintay. These fake snow flakes reminds me of her.
Sa isang iglap, bumuhos ang alaala sa aking isip noong kasama ko pa siya
Flashback
Noche buena na at tumatakbo ako upang tumago dahil naglalaro kami ng aking mga kababata ng hide and seek. Namalayan ko nalang na dinala na pala ako ng aking mga paa sa isang puno na mayabong sa dahon at bulaklak.
Umupo ako sa likod nito upang magtago. Pinigilan ko ang aking pagbungisngis nang maramdamang may presenya sa likod ng puno na pinagtataguan ko. Ngunit tumagal ng ilang minuto at hindi ako nito hinuli kaya nagdecide akong silipin ito.
Ganoon ang gulat ko nang makakita ako ng isang batang babae na sa palagay ko ay mas bata ng isang taon sa akin.
Sh*t! She's so gorgeous as hell! I couldn't make any movement because of amusement!

BINABASA MO ANG
Christmas Eve
Historia Corta"Ilang pasko man ang lumipas, mananatili pa rin ang pagmamahal ko sayo hanggang wakas." Cover photo by: ate Erin at Anghel. :>