Yakap ( One Shot Story )

345 30 13
                                    

Pano na kaya di sinasadya

Di kayang magtapat ng puso ko

Bakit sa dinami rami ng kaibigan ko

Ikaw pa

Pano na kaya di sinasadya

Ba't nahihiya ang puso ko?

Hirap ng umibig sa isang kaibigan

Di masabi ang nararamdaman

Pano na kaya?

Napahinto ako sa pagkanta at pagsa strum sa gitara ko. Eto na naman. Nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Mamaya-maya nito..iiyak na naman ako panigurado. 

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit anong gawin ko, kahit anong saksak ko rito sa lintek na isipan ko na hindi nga pwedeng maging kami at kalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya..wala pa rin. Iniisip at iniisip ko pa rin sya. Bumabalik at bumabalik pa rin sya sa isipan ko. Tumitibok pa rin ng malakas ang puso ko sa tuwing makikita ko sya. Minsan nga naiisip ko....ano kaya kung iuntog ko nalang ang ulo ko sa pader ng ubod lakas? Baka sakali kasing magka amnesia ako at makalimutan ko sya....para kahit papano....wala nang masakit dito sa puso ko.

Sya.....sino ba siya..... Marahil nagtataka na kayo kung sino ang iniiyakan ko rito.

Ganito kasi yun....

Nagsimula ang lahat sa isang yakap.

JUNE 13, 2012

'Hoy, Joan! Ano ba?! Anong oras na?! Alas kwatro ang pasok mo sa Science diba?! Wag mong sabihing bibihisan pa kita?!" 

Ayan na naman ang lola ko. Ang ingay na naman. 

Tumayo na ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Nilalaro-laro ko kasi ang aso naming si Aldrin. Hanep ng pangalan niya no? Sinunod yan sa pangalan ng class valedictorian namin nung highschool na crush na crush ko.

Pumasok na ako sa kuwarto at naghanda na para maligo.

First year college na ako ngayon at first day of school ko. 

Sa wakas! Mai experience ko na rin ang college life matapos ang maraming taon sa highschool at elementary. Sabi nila, sa college life mo raw malalaman ang tunay na kahulugan ng salitang "pag aaral".

Matapos maligo ay nagbihis na ako. Nag uniform, nagsuklay at nagpaikot-ikot sa harapan ng salamin habang ina appreciate ang bagong bili at plantsa kong uniform.

"Ano?! Sasayaw ka pa dyan? Aba'y wag ka nalang kayang mag aral?" si ever mainitin ang ulong lola ko.

Di na ako sumagot kasi lalo lang siyang magagalit. Umalis nalang ako sa harap ng salamin at kinuha ang bag ko pati ang baon ko sa lamesa bago lumabas ng pinto.

"Dito na po," paalam ko sa kanya.

'O, sya sige. Maligaya Daan ang sasakyan mo ha? Hindi Almar Zabarte. Maligaw ka na naman." paalala niya sa akin.

"Opo." sagot ko bago tuluyan nang lumabas ng gate.

*School*

"Oy, Jo! Ba't naka uniform ka na?! Excited?" bungad sa akin ni Johna. Bestfriend ko since First year high school.

"Bakit? Hindi pa ba magyu uniform?" tanong ko.

"OO kaya. Ikaw palang ang nagiisang nakauniform." sabi niya sa akin. 

Nahiya tuloy ako. Tumingin ako sa loob ng classroom at nakita kong wala pa ngang ibang nakauniform maliban sa akin.

'Hayystt...hayaan mo na nga yan." pagwawalang bahala ko.

Yakap ( One Shot Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon