Pinagmasdan ni Yeri ang mga taong nasa loob ng coffee shop kung saan niya hinihintay ang kaniyang kaibigang si —Jane
Magkakaroon sila ng short meeting para sa nalalapit na kasal ni JanePinagmasdan niya muli ang paligid pero hindi niya hinahayaang matitigan niya ang iba sa mata ng matagal,mahirap na
"Nasaan na ba yung babaeng yun",mahinang sambit niya kasabay ang malalim na paghinga.Kung Hindi ko lang yun kaibigan kanina pa ako umalis ,sa loob loob niya
Inip na inip siya sa paghihintay halos lumamig na ang inorder niyang brewed coffee at ubos niya na ang isang slice ng red velvet cake,duh mag dadalwang Oras na siya dun
Isang matinis na boses ang narinig niya malapit sa glass door at ang mahinang tunog ng bell ay naghuhudyat na may bagong dating
"Yeri!Im so sorry for being late traffic kasi eh"pagdadahilan ni Jane
"Ayos lang ,so start na tayo "wika ni Yeri na may pilit na ngiti dahil timping timpi na siya kanina pa at iniiwasan din nitong mapatitig sa mata nito
"Okay so ganito sana yung wedding you know kasi dream wedding ko yung sa beach so motif natin is sky blue sak-"-nabitin ang pagsasalita ng kaibigan niya dahil naging malikot ang mata ni Yeri
Pilit na iniiwas nitong mapatingin dahil malaking problema ito para sakanya ,sobrang laki
"Uy Yeri nakikinig ka ba?Galit ka pa yata eh?"-wika ni Jane na may halong pagtatampo sa boses nito
Tumango si Yeri kasabay ng pag ngiti habang nakatingin sa noo,kung saan mejo malayo sa mata nito
"Sige lang ipagpatuloy mo ,I'm listening"saad nito na may halong pagkukumbinsi
Lumukot ang munting mukha ni Jane ,Hindi siya kumbinsido
Inilapit ni Jane ang kaniyang mukha at dahang dahan na inilapat niya ang kaniyang dalawang palad sa mala porselanang pisngi ni Yeri
"No,hindi to pwede ",mahinang bulong ni Yeri hindi maaring tumingin Ito ng direkta sa mata
Pilit man nitong umiwas ngunit Hindi niya Ito nagawa ,huli na ang lahat nakita niya ang bagay na ayaw niyang makita
Nagsalita muli Si Jane at ipinagpatuloy nito ang naudlot na sasabihin niya walang naririnig na boses si Yeri tila naging pipe lahat ,tumigil ang oras at parang nawala lahat ng tao sa paligid
Patuloy nagsasalita si Jane ngunit iba ang tinitignan ni Yeri
Maitim na usok ang unti unting lumabas sa katawan ng kaniyang kaibigan
Eto na mag sisimula na ang ikinakatakot niyaIsang scenario ang unti unting nagpapagalaw sa usok
Si Jane.Nasa isang boutique shop at nakangiti habang kausap ang designer nang kaniyang wedding gown ilang minuto pa ang dumaan at natapos ang kanilang pag uusap.Nag paalam na Sila sa isat isa at biglang tumunog ang kaniyang cellphone ,tumatawag ang kaniyang fiancee . Sinagot niya Ito at tumawid ngunit isang mabilis na Ten wheeler truck ang papalapit sa nakangiting Jane ,Hindi niya Ito napansin .Isang malakas na busina ang gumaluntang sakanya,ngunit huli na ang lahat
"Hindi ,matutuloy ang kasal"sa isip ni Yeri hindi Ito maari muli niyang sinulyapan ang eksena ,wala na talaga at ang petsa nito ay March 13,2018
March 13,2018 petsa ngayon,napabuntong hininga na lamang siya
Hindi maari kailangan niyang iligtas ang kaibigan
Isang mahinang tapik sa kaniyang balikat ang gumising sa kaniya,Si Jane .Unti unting umingay muli ang paligid at nagiging normal ang lahat
"Yeri mukhang Hindi ka okay ngayon dibale kailangan ko na din pumunta sa designer ko .Kung okay lang magkita ulit tayo bukas at syempre heto ang invitation I'll expect you on my wedding see you",bakas ang tuwa nito habang inilagay ang engrandeng papel ,ang invitation nito
"Jane,hindi matutuloy ang kasal niyo ",nais man niyang Sabihin ngunit Hindi niya na Ito magagawa tuluyan na itong umalis
Napahilamos nalang siya sa kaniyang mukha dahil isang kaibigan muli ang mawawala at kasabay nito ang mahina niyang paghikbi
Wala .Wala siyang magagawa makikita niya lang ang pagkasawi ng isang tao kung nagkakaroon nang direktang pagtitig ngunit Hindi niya Ito mapipigilan
Yan ang bagay na ikinakatakot niya
Seeing someone's death
Knowing the exact date,time ,and viewing the exact scenarioIt's a living nightmare for her
She really hate it.Sa huling beses sinulyapan niyang muli ang itim na usok na unti unting nawawala naroon ang oras 4:37 p.m
Mapait siyang napangiti at tinitigan ang orasan sakto 4:37
Isang butil ng luha ang kumawala sa kanang mata nito
Nawalan nanaman siya ng kaibigan.Wala na siyang kaibigan
"Kung may magagawa lang sana ako"Puno ng pagsisi niyang iwinika at tumayo
Nilisan niya na ang shop at iniwan ang invitation,wala nang saysay ito dahil walang kasalang magaganap
Paalam,Jane
"Ilan pa kayang Mahal ko sa buhay ang masasaksihan ko ang pagkamatay?"Puno ng hinanakit niyang TanongSana wala na.