Wish you were here

13 0 0
                                    

A/N:

Hello everyone :)
So, this one shot story is originally written by no other than me. I just decided to rewrite it, simply because 2013 pa 'to noong una kong na-published sa old wattpad account ko. If makikita nyo lang yung unang sulat ko nito, nakakaloka yung composition ko and sentence construction ko, hahahaha! Well. Bata pa ako noon, so ngayong 19 years old na ako, I decided na muli syang i-publish para mabasa ng iba in a proper manner of writing na. Though, I've made some little changes sa story line, pero itong ito pa din yung concept ng story. Sobrang ikli lang nito, as in isang upuan lang.
So, I will not make this note go longer anymore. Have fun! :)

-smsb. / aveemariella

May 21, 2013 - Original day published
7:50 pm - 10: 40
pm
- Time written

© All rights reserved 2018





----------

Until now, I'm still waiting for him.

Nag babakasakali lang naman ako na babalik sya. He's everything I know. He's my everything. Importante sya sakin kahit kaibigan lang ang tingin nya sakin.

Tapos ayon. Iniwan nya ako ng ganon ganon nalang.


*Throwback to my 12 years old memories*

"Liliit! Tara't mag laro ng dama!" pagyayaya ni Anthony habang patakbong lumalapit sakin, dala ang isang malaking dama board.

That's Anthony. Mark Anthony. He's my childhood friend. And I consider him as my best friend. Oo nga pala, Liliit tawag nya sakin. Sobrang mapang asar 'yan. Ang liit liit ko daw kasi.

"Oo na, ayan na Mamarkahan!" Mamarkahan naman ang pang asar ko sa kanya. Ang sabi ko kasi, kapag sobra na akong nainis sa katatawag nya sakin ng Liliit, hindi na ako mag dadalawang isip na markahan ng sampal yung pag mumukha nya. Yung tipong babakat yung palad ko sa pisngi nya?

Inilatag nya na yung dama board na dala nya at inayos na para sa una naming laro. Mahilig kaming dalawa na maglaro ng dama. Favorite indoor game namin 'yon. Pero ewan ko ba, ang dali dali na nga lang noong game na 'yon pero lagi pa din akong talo sa kanya.

"Hahahaha! Oh, paano ba yan Liliit?! Talo ka na naman! Haha! Ililibre mo na naman ako!" Ayan ganyan sya. Mukha syang libre. Ang deal kasi, kung sinong matalo sa game, sya ang manglilibre. Eh syempre 'matic na! Alam nyo na kung sinong luge sa matakaw na 'to.


Noong gabing 'yon, after ko maligo at patulog na din sana ako, bigla akong napasilip sa bintana ng kwarto ko. May nadinig kasi akong tunog ng sasakyan at mga asong takin ng takin. Nakita kong naglalagay ng malalaking bagahe ang papa ni Anthony sa isang white van.
"Mag geget away ba sila? Walang nasabi si Anthony sakin ah." bulong ko sa sarili ko.

Mag katabi lang yung bahay namin ni Anthony noon. Kaya kami lang talaga magkalaro since childhood. Nasa private residential area kasi kami dito sa New York at nagkataong kami ang magkababata at kami na din ang naging sobrang close.

Muli akong sumilip sa bintana at sa pagkakataong 'yon, nakita ko naman si Anthony. Mukhang malungkot sya. Nagkataon din na habang tinitignan ko sya noon, bigla naman syang tumingin din sa bintana kung saan andoon ako at nakatingin nga din sa kanya. "Ooooy! Anthony saan kayo pupunta?!" sigaw ko sa kanya. Ngunit hindi man lang sya sumagot at madali syang umiwas ng tingin sa akin. Medyo na-bothered ako kaya dali dali akong tumakbo pababa at lumabas para puntahan sya.

Wish you were hereWhere stories live. Discover now