May barumbadong lalaki ang nag aamok sa eskwelahang Likelyhood national highschool. Ultimo lahat ng lalaki sa loob ng LHNHS ay takot na takot sakanya. Ang pangalan niya ay Marky Sebastian. Si marky na yata ang pinaka masama at loko lokong estudyante sa LHNHS. Wala siyang sinasanto halos karamihan ay ayaw sa ugali na taglay ni marky. Kahit principal ng school ay sumusuko na sa ugali niya.
July 1, 2030
At Likelyhood National HighschoolUy legazpi ang sarap ng baon mo ah baka naman pwede makahingi ako?
Hindi sebastian. Sayo nato oh para sayo talaga to e. Hinihintay lang kita mag approach sakin. Oh eto na oh marky.
Salamat legazpi! *pahampas na umakbay* ang bait bait mo talagang kaklase maasahan talaga kita.
Walang ano man marky ikaw pa malakas ka sakin e.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang recess at nabusog si marky ng hindi gumagastos ng kahit isang barya.
Ayos to! May pang laro ako ng dota 2. Ansaya saya maging badboy lahat pwede mong makuha meron nakong lahat lovelife nalang kulang.
*Nagring na ang bell senyales na tapos na ang recess*
Pumasok na ng kani kanilang room ang mga estudyante para magpatuloy sa susunod nilang subject.
"Uy may assignment na kayo sa math? Yung geometric sequence 1 to 20 yun." Pasigaw na sabi ng isa sa kaklase ni sebastian.
Wala pa nga e Briones. Alam mo na gagawin mo. Bigay mo na sakin assignment mo. Automatic na dapat bigay na agad sakin.
Oh eto oh sebastian basta bilisan mo baka maabutan tayo ni maam na nagbibigyan at nagkokopyaan ng sagot e.
Naman sa larangan ng kopya ako na yata ang pinaka mabilis. Magmumuka pang kopya yang sayo kase kahit napabilis ng sulat ko maganda padin. Hahahahaha.
Dumating na ang panghuli nilang teacher at matagumpay nilang natapos ang pag kopya ng hindi naabutan ng teacher nila sa math.
Ayos napaka bilis mo talaga sa pag kopya sebastian. Kaya idol na idol kita e.
Mas idol kita briones dahil sayo nag kaka grades ako sa math. Laki ng natutulong mo sakin. Kaya starting today isa kana sa mga tauhan ko sabihin mo lang pag may nag aagrabyado sayo. Tawagin mo lang ako lagot sakin yon.
Sige sige marky starting today tropa na tayo ah *sabay nag apir silang dalawa at nag handshake*
Natapos na ang usapan nila sebastian at briones dahil nagsimula na mag turo ang kanilang teacher.
Okay class, Get your notebooks. Che check-an ko na mga assignments nyo pass it right now! 5...4...3...2...1...
Humanda sakin ang mga nangongopya. Mahahalata ko naman sa mga sulat nyo e.
Nakuha na ng teacher nila ang kanilang mga notebooks at nagulat si briones ng siya ay tawagin.
Briones! Come here! Ikaw ba ay nangopya kay Sebastian. Halatang halata ko sa handwritting mo. Napaka dumi! Siguro kanina mo lang ito kinopya kaya nagmadali ka hanggang sa mag kanda guray guray mga sulat mo noh? Umamin ka briones!
*tinitigan ni sebastian si briones ng pagalit upang mapasabi si briones na siya ang nangopya kay sebastian*
Opo sir maldivo. Nangopya po ako kay sebastian kase hindi ko po alam ang geometric sequence.
Mr briones your in a big trouble! For cheating on your assignments. Pero bago yun. Mr sebastian can you go here also?
Bakit po sir maldivo? Bakit nyo po ako pinapatawag. *takot na sumagot*
Go! Answer 1 to 5. Now! Faster tumatakbo ang oras! *pasabing galit ng kanilang teacher*
Ok po sir maldivo, i will! *kabadong sabi ni sebastian*
Dumaan ang limang minuto ay wala pading nasasagutan si sebastian kahit isa sa bilang 1 to 5. Kaya nagalit ang kanilang teacher.
Mr sebastian! How come you cant answer 1 to 5! Kitang kita ko dito sa notebook mo. 1 to 20 tama lahat. This is your answer bakit hindi mo magawang sagutan sa blackboard?! *nagtataka at galit*
Kase po sir, ako po yung nangopya kay briones hindi po galing sa akin ang mga sagot na yan galing po talaga kay briones ang sagot ko po sir. *nangiyak ngiyak na nagsalita*
Sabi na e! Nag kopyaan kayong dalawa ni briones! Dahil dyan both of you is going to have a 0 points for this assignment and please call your parents i need to talk with them tomorrow!
Hindi na nakatanggi ang dalawa. Wala na silang nagawa kundi pumayag sa sinabi ng kanilang teacher.
Sorry briones. Matatawag pa tuloy mga magulang mo dahil sa kagaguhan ko. Im sorry talaga pre. Bayaan mo sa susunod pre hindi ko na gagandahan handwritting ko. Tapos dapat handwritting mo maganda rin para sipot tayo kay sir maldivo ha! Walang samaan ng loob ah briones wag ka mag alala hindi naman ako galit. Ako na nga nangopya e. Ako paba magagalit sayo.
*masayang nagka ayos ang dalawa at nag handshake ulit bilang tanda ng pagkakaisa nila bilang mag kaibigan.*
Dumaan ang oras at natapos na ang kanilang math subject.
Okay class, class dismiss! Mr sebastian and mr briones maiwan kayo. Kayo ang cleaners for today bilang parusa sa nagawa nyong pag che cheat sa subject ko. *galit na sabi ng kanilang teacher*
Sorry po sir maldivo pangako po di na po namin uulitin. *sabi ng dalawang magkaibigan*
Natapos na ang paglilinis ng dalawa at nakauwi naren sila bago sila lumabas ng room ay may ginawa muna silang kalokohan.
Tara briones lagyan natin ng bubblegum ang mga upuan randomly HAHAHAHA sa mga kaklase natin ibuhos sama ng loob natin sa teacher natin! *patawang at saya na sinabi ni marky.
Sige sige pre hahahahaha! Gusto ko yan tara bilisan natin. Baka may makakita pa satin sa gagawin naten.
Natapos na ng dalawa na gawin ang kanilang kalokohan. At sila ay mabilis na umuwi.
BINABASA MO ANG
The badgirl meets the badboy
Teen Fictionkwento tungkol sa dalawang na mayroong magkaparehas na katangian. katangian na kinaka ayawan ng iba. parehas silang mayroong di magandang pag uugali, mag kakasundo ba kaya sila sa bagay bagay o magiging malala lang kapag sila ay nagsama.