CHAPTER 1

40 2 0
                                    

Dalwa

Jennie's POV

[Alarm Clock Sound] insert

Nagising ako nga dahil sa alarm ng phone ko. Ito na ang patatlong araw ng aking pagiging 18. Hmmm....


Di ko pa din nagagamit yung regalo sakin ni Daddy. Birthday kahapon ni mommy kaya di ako makakagala tsaka walang nagyayayasakin ehh.

Di muna ako bumangon ang aga pa naman 4:30 pa lang. Maglalaro muna ako sa phone ko ng SSBTS bago ako magjojogging. 5 ako nagjojogging ehh.


4:55 am. Nagbihis na ako ng jogging pants at t-shirt. Dala ang phone ko na nakaconnect sa dibluetooth kong headset at syempre isang towel.

After 5 minutes, lumabas na ako ng kwarto ko. Tahimik pa ang buong bahay namin. Sigurado akong mga tulog pa sila Mommy. Napagod siguro kahapon sa party. Mga kasambahay pa lang ang nakikita kong gising. Naghahanda para sa amusal.



Nakita ako ng isang naming hardinero na papalapit ako sa may gate. Nginitian ko ito at binati ng "Magandang umaga ho". Alam naman nila na ako ang pinakamaagang gumising dahil lagi akong nagjojogging ng 5 am.


Nagpaalam na ako sa aming hardinero. Nilagay ko na ang headset ko sa mga tenga ko at pumili ng kanta bago magjogging. Napili ko ang Kiss and Make Up by Dualipa ft. by BlackPink.

Nagjogging na ako matapos kong ilagay ang phone ko sa bulsa na may zipper para di malaglag.


Dito lang naman ako sa Dolce La Sala Village nagjojogging ehh iniikot ko lang to. Tas diretcho uwi sa bahay. Ganun naman lagi ang gawa ko ehh.

🎧🎶"Touch me like you touch nobody, Put your hands all up on me. Tired of hearing sorry, Kiss and make, kiss, kiss and make up" 🎶🎧



Di pa ako ganung nakakalayo sa bahay namin ng biglang nag overtake sakin ang isang sasakyan na halatang mamahalin.




"ARAY!" napa aray ako sa sakit dahil natamaan ang parte ng braso ko nang makita kong dumudugo na yun.



Masama kong tiningnan ang sasakyang nakasugat sakin. Di pa naman ito ganung nakakalayo at kita ko pa ang plate no. nito: PDL2020.



Tatandaan kitang letche ka. Sibihin mo nang gasgas lang to. Pero masakit padin to.


"Shet!" nasabi ko na lang ng mahawakan ko ang dumudugo sa parte ng braso ko.


Kinuha ko agad ang dala kong towel at pinulupot dun sa sugat. Ang hapdi pa naman at mahaba din yung sugat. Shet lang talaga yun.



Matapos kong ilagay ay nag jogging ulit ako.



6:10 am na ako natapos pag jojogging. Pumasok na ako sa aming kabahayan at dumiretsyo sa kusina gutom na ako ehh.




Nakita ko si mommy at daddy na gising na at naka upo na sa dining table. Binati kaagad nila ako ng makita ako.



"Good morning baby girl" nakangiting bumati sakin si mommy at daddy na meyo sabay po.

"Good morning din po" balik kong bati sa kanila sabay ngiti.



Umupo na ako dahil nagugutom na din ako. Habang  kumukuha na ako ng fried rice ay nag tanong ako.



"Nasan po sina ate?" tanong ko sa kanila.
"Nako siguradong tulog pa yung dalwa at nag inuman pa kagabi. After party. " sagot sakin ni mommy.



Tumango na lang ako kay mommy bilang sagot at nilantakan ko na ang pagkain ko. Gutom na kasi talaga ako.






Matapos kong kumain ay sa salas muna ako at nanunuod ng tv.



BEEP [PHONE TONE]


May nagtext. Si Kim, isa sa mga kateam mate ko sa volleyball.



Kim: Guys tara laro sa may Dolce La Sala Village Volleyball Gym tayo. 7:00 ang laro. Pustahan daw.


7:00?. Hmm.. Ok lang palang di na ako magpalit tsaka malapit lang naman.



Me: Call. Mix volley ba daw?? 

Sent 

Maya maya pa'y

BEEP 

Kim: Oo daw Ace.

Me: Sige sabihan mo na din sina Dave. Nandyan na ako within 10 minutes.

Sent


Magpapaalam na ako kay mommy. Magdadala na lang akong extra tshirt at towel. And water pa pala 1liter.



Pumunta ako sa may garden at nakita kong kausap ang isang hardinero.

"Mommy" sambit ko.
Lumingon ito at sinabing "Yes baby girl?"


"Magpapaalam lang po akong lumabas maglalaro lang po ako. Sa may volleyball gym lang naman po ako. And dadalhin ko na rin po si Hershes'." sabi ko kay mommy.

Hershes'- the name of my new car.



"Ok baby. Just take of yourself and please ... Drive carefully"




"I will mommy" I said it to her and I give her a kiss on the cheek.



Tatakbo akong pumunta sa kwarto at nilagay sa bag ang kaylangan ko at dumiretsyo na sa sasakyan.




Mabilis ko tong pinaandar papuntang gym.




Pagkarating ko ay ako na lang ata ang iniintay ng mga kasama ko. Nadito na din kasi yung pinacontact ko kay Kim na si Dave. At iba pa naming kasama pag may pustahan.



Akala ko ba 7 ang simula?
Napatingin ako at 7:15 na pala.
Ang tagal ko pala. Bagal ko kasi.



"Hey Jen" sabi sakin ng papalapit na si Dave.

"Hey" I said and just smile at him.

"Akala ko ba 7 ang simula?" tanong ko kay Dave.

"Yeah. Akala ko din. Pero inintay ka nila ehh ayaw mag simula ng wala ka" natatawang sabi nito sakin.

"Wow naman parang di nyo kaya yan ahh?" natatawang sabi ko sakanya.

Ehh kasi naman kaya naman nilang tanunin yun ng di ako ang kasama sa simula ng game.

"Joke lang. May inaantay pa kasi silang isa." saad nito. "At Jen siguro sa mga dati nating nakakalaban yun. Iba tong makakabangga natin ngayon ehh malalakas at ehemm varsity sila ng kilalang University di ko lang tanda nung school nila." pagpapatuloy ni Dave

Kilalang University?!
Ehh madami kaya yun dito mga 5? 7?... Pft. Ewan!

"At mga lalaki ang makakalaban natin ngayon kaya siguradong malakas yun" dugtong pa ni Dave.

"Mga lalaki?! Akala ko ba MIX!?" Nalilito kong tanong sakanya.

"Mix nga. Ehh mga mukang lalaki ang babae nila ehh. Hahahaha!" At tumatawang tinuro nya ang court na pinagwawarm up ng mga maglalaro.

"Uto ka talaga Dave tsk!" singhal ko sakanya pero tumatawa lang sya.

Mayamaya pa ay may narinig kaming paparating na sasakyan. Nilingon namin yun at nakita KO! ang sasakyang muntikan ng makasabit sakin kanina.

Tiningnan ko ang plate no. kung tama nga ako.

PDL2020 

Yan ang plate no. nya at tama nga ako.

Lintik lang ang walang ganti.

...

Kung 'Di Rin Lang IkawWhere stories live. Discover now