Let Her Go (Ray's POV)
"We’ve already started our descent procedure into Ninoy Aquino International Airport. We expect to land at 1:00 in the afternoon as scheduled. If you want to adjust your watch, it is 12:30 in the afternoon in the Philippines now. The weather in the Philippines is a bit overcast, temperature is 27 degrees Celsius.We wish you a pleasant stay in the Philippines and we hope to see you again very soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today."
Matapos ang halos ilang oras na prosesong ginawa matapos ang land-off ng sinasakyan kong eroplano ay nakalabas na rin ako sa NAIA. Habang naglalakad ako, maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko...
20 years na rin ang lumipas noong huli akong nandito sa Pilipinas. Marami na kayang nagbago? Marami na kayang napalitan? Marami na rin kayang nangyari? Bakit pa nga ba ako nagtataka? Eh sigurado naman akong, OO. Sa loob nga lang ng isang araw marami ng pwedeng magbago at mangyari eh? Sa tatlongpung taon pa kaya?
Ngayon, naglalakad na ako palabas ng airport matapos ang ilang proseso, papunta na ako sa terminal ng mga taxi para sumakay.
“Sir pasaan po tayo?” - tanong sa akin ng taxi driver.
Iisang lugar lang naman ang tangi kong gustong puntahan matapos ang ilang taon eh? At yun ang lugar na matagal ko ng gustong makita at mapuntahan.
“Sir?” - tanong uli sa akin ng driver upang sagutin ko ang una nyang naitanong sa akin.
“Dun po tayo sa .........” - ang sagot ko naman sakanya.
Habang bumabyahe, nakatitig lamang ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga dinadaanan namin, ang dami na talagang nagbago dito. Buong oras ng byahe ang tanging ginagawa ko lamang ay nakamasid sa mga lugar na dinaanan namin.
“Sir nandito na po tayo” - sabi sa akin ni manong driver.
“Ah sige po, ito po ang bayad, salamat po” - tugon ko naman sakanya.
Paglabas ko ng taxi na sinakyan ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hiya, takot, lungkot, awa o saya? Hindi ko alam? Halo-halo ang nararamdaman ko. Parang bumabalik lahat ng alaala ko noon, lahat-lahat, at parang may mga paru-paro na umiikot sa tiyan ko, kinakabahan ako.
Naalala ko na wala man lang pala akong dalang kahit ano para sakanya, sa sobrang sabik ko na makita syang muli, nalimutan ko ng magdala o bumili man lamang ng pasalubong para sakanya. Buti na lamang ay may nakita akong malapit na bentahan ng mga bulaklak at bumili ako ng isang boquet ng mga puting rosas, yun kasi ang paborito nya.