Chapter 18

9.5K 172 8
                                    

Gael Po'v

"Tama ba yung narinig ko kanina? magpapakasal ka kay violet?" Pa ulit ulit na tanong ni kuya pumunta pa talaga sa kwarto para lang dun

"Tsk nakakainis! Kuya tulungan mo naman ako,ayaw kong makasal..akala koba hindi na mangyayari yung nangyari nung nakaraan?" Ganito din kasi yung nangyari pilit akong ipinapakasal ni dad sa mga anak ng ka business partners nya

"Sorry kapatid maski ako ayaw kitang makasal dyan sa taong nanakit sayo,pero anong magagawa natin?" Lalo akong nanlumo dahil sa sinabi ni kuya na hindi nya ako matutulungan

"Mukhang wala na akong ibang choice kundi ang--" binatukan naman ako ni kuya xander

"At ano maglalayas ka nanaman? Palagi na lang ba yan ang solusyon mo?" Hindi ko sya sinagot at humiga na lang sa kama tsaka nagtakip ng katawan

"As if namang may iba pang solusyon sa problema ko diba?" Rinig kona lang na napa buntong hininga na lang si kuya

"Kapatid tanggapin mona lang,baka mahal ka na nya" may hinding paninigurado nyang saad

"Mahal? Hahaha pwes ako HINDI na huli na ang lahat kuya lalo na marami syang ginawa sa'king kasalanan" hindi na sumagot si kuya tsaka lumabas ng kwarto ko

Nagising ako nang may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya kahit nakapikit ang kabila kong mata binuksan ko ang pinto

"Pinapatawag na po kayo ng daddy nyo kailangan po kasing sabaysabay daw pong kumain" tiningnan ko yung bago naming katulong hmm.hindi na masama maganda din 'to para ngang inaakit ako sa taglay nyang kagandahan

"Ahm pakisabi susunod na lang ako magbibihis lang ako" tumango sya tsaka tumalikod ng naglakad na sya palayo pinagmasdan ko yung babaeng katulong namin siguro ka edad ko lang sya

Matalbog na pwet,sexy body tsaka yung dibdib parang buko-- yay manyak na pala ako ngayon?

Pagbaba ko rinig kong nag-uusap sila mom at dad pero si kuya tahimik lang habang ngumunguya

"Hi mom dad" tumabi ako kay kuya tsaka kumuha ng inihaw na baboy? Hmm..

"Oh hello gail bakit mukhang pagod ka ata? May nangyari ba sayo?" Tinapunan ko nang tingin saglit si mom

"Wala naman mom inaantok lang siguro" nag umpisa na akong kumain naging tahimik naman ang hapag tanging mga kutsara at pinggan lang ang maririnig

"Usap tayo" bigla'y sabi ni kuya ng makalapit na ako sa pinto ng kwarto ko tumango lang ako tsaka sya pinapasok sa kwarto

"Anong pag uusapan natin kuya? May naisip kana bang paraan para matakasan ko yung letseng kasal?" Ngumiti si kuya at nabuhayan ako ng loob buti na lang may kuya ako hehe

"Kilala mo ba si Anne?" Tanong nya kunot noo naman akong tumingin dito anong kinalaman dito ni anne curtis? Haha sya lang naman ang kilala kong anne

"Ahh oo si anne curtis bakit anong--" again nakatikim ulit ako ng kaltok sa sadista kong kapatid

"Hindi sya ang sinasabi ko,yung bago nating katulong si anne yun" ngayon ko lang nalaman na anne pala ang name nun eh ano naman ngayon?

"Ganito ang naisip ko"

"Anak pakitawag nga si anne,may importante lang akong sasabihin" biglaang sabi ni mommy kaya pinuntahan ko ang kwarto para sa mga katulong namin

Nang makarating na ako dun pinihit ko yung doorknob tamang tama hindi naka lock kaya pumasok ako ng dahan dahan

"Ahh Ano pong ginagawa nyo dito?" Tiningnan ko ang taong nagsalita na kakalabas lang ng banyo

Banyo queen..^__-

"Pin--hmm pinapatawag ka ni mom may sasabihin daw sya sayo" halos hirap akong banggitin yun sa kanya dahil nakaka tuyo ng lalamunan

"Sige po ahm magbibihis ho ako" buhat sa sinabi nya tsaka lang ako natauhan na minamanyak kona pala sya

"Sige sige" nagmamadali akong lumabas tsaka napabuga ng hangin

"Kapatid? Bakit pawis na pawis ka ata? Haha pag kaka alam ko hindi ka nag gy-gym" aniya ni kuya habang may hawak na kape

"Chismoso" dumiretso na ako sa kwarto para matulog na lang

"Anne? Bakit namamanyak ako dun? Anong meron sa kanya? Shit baka ginayuma ako? Pero imposible naman" mukha na akong tanga na kinakausap yung sarili ko makatulog na nga lang

KINABUKASAN nagising ako na para bang sisirain na yung pintuan ng kwarto kaya inis akong tumayo tsaka pinagbuksan kung sino man 'tong bwisit ng araw ko

"Hi babe" isang nakangiting babae ang humalik sa pisnge ko pagkatingin ko si violet pala

"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na tulog pa ako? Kung maka bulabog ka dyan!" sasaraduhan kona sana sya pero bigla nyang hinarang yung legs nya sa pintuan kaya ang ending na ipit ang legs ng ate mo girl

"Ouch! Shit!" mahina nyang sabi malapit na atang umiyak

"Kasalanan mo,sino ba namang tanga ang maghaharang ng legs nya sa papasaradong pinto?" Taas kilay kong tanong pero kahit na ganun naawa ako sa nangyari sa kanya

"Ok ok kasalanan ko talaga sorry" mahina pero parang may sakit akong naramdaman sa pagkakasabi nya

"Excuse me? Sir ay pasensya na may kausap pala kayo" nabaling ang tingin ko kay anne

"Hindi ok lang anne nga pala sabay na tayong bumaba" sabi ko

Pero mukhang hindi ata magandang ideya yun dahil kita kong nakatingin si violet kay anne yung para bang sasabunutan na nya si anne kaya lumapit na agad ako kay anne tsaka hinawakan yung kamay nya nagulat pa sya sa ginawa ko diba le kasama naman 'to sa plano

Masayang tawanan ang naabutan naming tatlo.nandito din pala ang mga magulang ni violet kaya pala

"S-sir yung ano kopo" nahihiyang sabi ni anne kaya naman lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay nya,wala akong pakealam kung makita man nilang magka holding hands kami ni anne

"Ahem,ahemm" may tumikhim naman at dun natuon ang atensyon namin

"Anak? Nasaan si violet? Bakit iba ata ang kahawak kamay mo?" Matalim akong tiningnan ni dad tsaka sa magkahawak naming kamay ni anne

Lalo tuloy nahiya si anne ramdam ko yun dahil pinipilit nyang alising ang kamay ko sa kamay nya

"I'm here tito nag cr lang ako" pilit na ngiti lang ang ginawad ni dad kay violet kita ko na tiningnan nya sila tito'tita na para bang sinasabi nya na 'sorry-look-'

Natapos ang nakakainis na salo-salo dahil wala silang ibang pinag-usapan kundi tungkol lang sa sakal sakal na yan at ngayon nandito ang katawan ko sa kwarto nila mom at dad

"Ano bang ginagawa mo gael!" Bulyaw ng ama ko kaya lihim kong tinakpan ang mga tenga ko

"Kausap kayo malamang,kita nyo po bang may iba pa akong ginagawa?" Pamimilosopo ko sa kanya walang para mainis din sya

"Wag kang pilosopo gael sagutin mo ng maayos ang tanong ko!" Para namang bingi ang kausap nya

"Tsk oo na! Gusto mong malaman? Ginawa ko yun dahil ayaw kong magpakasal sa babaeng yun! Akala koba hindi na mauulit 'to?" Pilit kong pinapakalma ang sarili

"Wala kang alam kaya mas mabuti pang wag na wag kang gumawa ng ikakagalit ko naiintindihan mo ba" sasagot pa sana ako kaya lang dumating na si mom na may pag-aalala








Itutuloy➡....

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon