Okay-15

272 10 4
                                    

Patchot's POV.

Dahil graduate na kami, napag-isipan naming magkakaibigan na magbakasyon na para naman mag celebrate. Pupunta kaming boracay!! Nag ambag ambag kami syempre para naman sulit yung bakasyon namin.

"Oh, kumpleto na ba tayo?" Patrick asked.

Nilibot ko yung tingin ko at kumpleto naman na kami. "Yup! Kumpleto na." I said.

"Hindi tayo kumpleto, Patchot! Ano ba naman yan," Gino.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Okay naman na ah!"

"Wala si Ivan." Bigla akong natahimik. Oo, alam kong wala si Ivan. Pero dahil isa na siyang ama ngayon, hindi na niya pwedeng iwanan yung anak niya. Bakit tuwing naiisip kong may anak siya sa iba parang ang sakit sakit pa rin? Hindi kasi saakin yung anak e—kay sandy.

Oo, naging okay ako nung graduation namin. I told him that I still love him and of course, I miss him! But I already told myself, kung kami, kami talaga.

"Patricia, are you okay?" Kathy asked while tapping my shoulder. "Hey."

I nodded and gave them a smile. "Yeah. Yeah. I'm fine. Tara na," I said saka pumasok sa van. Si Patrick yung mag dadrive tutal sa kanya naman na tong van. Dito ako umupo sa pinaka likod at tanaw na tanaw ko sila na masaya dahil sa mga jowa nila.

Tumingin ako sa may bintana at nakikita ko yung kagandahan ng lugar. Kaso lang talaga may namimiss talaga ako e. Ivan, kamusta ka na? Bakit parang nasasaktan pa rin talaga ako?

Pinikit ko yung mata ko kasi alam kong matagal pa kaming makakrating. Pero pagkapikit ng mata ko at may luhang tumulo na agad. Bakit? Bakit naiiyak ako? Patchot, ang tagal na nun! Mag move on ka na. I sniffed and bit my lip pero tumutulo pa rin talaga ang mga luha ko! Bakit naman!

"Patchot—" agad kong tinakpan ang mukha ko. "Patch, you okay? Are you crying—" Billy uttered.

"No! No I'm not. I'm okay." Diretcho kong sabi kaya naman wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Patchot, magbabakasyon kayo para magsaya! Hindi para umiyak!

Nang makarating kami dito, tahimik akong bumaba ng van at sinundan silang pumunta sa isang bahay na nireserved namin dahil dun sa ambag.

"Oh ganito yung arrangement natin ah, kasi tatlong kwarto lang yung nireserved ko dahil yun lang yung kasya dun sa ambag natin so ganito, dahil siyam naman tayo, tig tatlo nalang sa isang kwarto. Billy, Gino, Angelo and me. Kami na yung magkasama sa kwarto. Apat naman yung kama sa isang kwarto e so bahala na kayo." Pangunguna ni Patrick. Naks naman talaga nitong si Patrick e.

"Sige. Si Ella, Mikay, at Patchot nalang yung magkakasama. Ako tsaka si Jane nalang yung magkasama." Kathy uttered. Tumango kami. Binigay na saamin yung mga susi ng kwarto at nagsipuntahan na kami doon. Pagbukas namin, na amaze kami sa ganda ng kwarto. Ang laki nga!

"Pat, san mo gusto?"

"Dun nalang sa gilid malapit sa window,"

"Okay!"

Umupo ako sa kama at nagulat ako nung tumingin saakin sina ella at mikay. Alam ko talaga may gusto silang tanungin e.

"Patchot, can we ask?" Sabi ko na e. Feeling ko talaga pinlano ng mga babaeng ito na kami magkasama para may maitanong sila saakin. Ngumiti ako sa kanila then tumango.

"Did you cry?" Inumpisahan ni Mikay ang pagtatanong.

Ngumuso ako. "Is it obvious?" Tumango silang dalawa. "I'm sorry."

"No. It's okay. Pero bakit?"

"Hmm. Siguro namiss ko lang si Ivan."

"Alam namin yon. Pero akala ko ba okay ka na? Kagabi nung nag vc tayo, ang saya mo kasi sabi mo okay ka na. Pero bakit naiyak ka kanina?"

IN A RELATIONSHIP WITH MY BEST FRIEND (ILYBF 2) |HIATUS|Where stories live. Discover now