January 15, 2017
Malamig parin ang simoy ng hangin sa Las Piñas. Ikalawang linggo ng panibagong taon, at ako'y nasa isang party muli.
Nakatayo ako sa isang gilid, may hawak na isang boteng San Mig Apple, na nangangalahati na. Parang kani-kanina lang kakabukas ko palang neto ah.
Muli kong inilapit sa aking labi ang bote at tinungga ito. Ang maingay na paligid ang unti unting nagbibigay inis at mas lalong nagpapalala sa sakit ng ulo ko.
'Kelangan ko nang umalis rito' sabi ko sa sarili ko.
Kanina pa ako rito sa party na to. Nakalimutan ko na nga kung san ko huling nakita si Kate eh. Andito lang naman ako para kumanta.
Oo, singer ako. Singer, pero, palasak na career. Cliché ba? Sorry, reyalidad lang.
Naubos ko na ang pang apat kong bote ng San Mig. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan si Kate.
"Kate, nasaan ka? Kanina pa kita di mahagilap ah?"
"Ayyy beeeeh! Sorry! Kasama ko si Benson, lumabas kami"
"Ha? Sino si Benson? Nasaan ka ba?"
"Basta mamaya na behhh, babuuuush"-end of call-
Nakakainis. Alam naman niyang siya lang means of transportation ko, di pa ko magawang ihatid. Ibinulsa ko muli ang cellphone ko at tinahak ang daan palabas ng resort. Kinuha ko ang gitara ko mula sa concierge dahil doon ko ito pinaiwan after ng set ko.
Nag aantay ako ng jeep na pwedeng masakyan. Wala naman kasing ibang transpo dito kundi jeep at kotse, e wala naman akong kotse. Maya-maya lang ay may isang jeep na parating. Agad ko itong ipinara at sumakay.
Nakauwi pa naman ako ng bahay ng buhay. Kahit naman na medyo nanlalabo na ang paningin ko, nagawa ko pa namang umakyat ng hagdan. Inihagis ko sa sopa ang gitara ko, at sumalampak na sa kama.
Itutulog ko nalang to bago pa tuluyang sumakit ulo ko.
Kinabukasan
Pagkagising ko, iisa lang ang nasa isip ko.
Tubig. Kelangan ko uminom ng tubig.
Pagkatapos kong uminom, kelangan ko uminom ng tubig bago ko pa maisuka ang lahat ng pagkain at inuming naipasok ko sa katawan ko nung gabi. Mahirap na, baka mamaya intestine ko na maisuka ko.
Nananakit ang tagiliran ko pero pinilit ko paring tumayo. Isinaksak ko ang thermos at nagpunta na ako ng banyo.
Gising, hilamos, kain, raket, tulog repeat.
Ayan lang ang natatanging ganap sa buhay ko.
Pait ba? Boring ba? Ewan. Nasanay na nga lang ako na ganto eh.
Kinuha ko yung mug ko at nagtimpla na ng kape. Ano kaya pwede kong kainin? Tinignan ko mga cabinet ko pero wala na akong instant noodles o ramen na galing korea. Sinilip ko ang maliit kong ref at wala ring laman maliban sa isang pirasong patatas.
Napabuntonghininga nalang ako.
Kinuha ko wallet at cellphone ko, at lumabas ng building.Naglakad ako papunta sa malapit sa plaza.
Bibili ba ako ng stock o kakain nalang ako rito?
Pumasok ako sa isang Alfamart at nagsimula nang mamili.
Tinapay, itlog, giniling, noodles at chocolate.
Okay na siguro to
Nagpunta na ako sa cashier para bayaran ang mga kinuha ko. Ibinigay ko kay Ate Cashier ang credit card ko
"Mam, void po yung card niyo"
"Ha? Pano nangyari yon"
"Nacancel po yung subscription niyo mam"What. The. Fuck.
May aawayin ako mamaya eh.
"Wait wait, magkano ba total?"
"PhP 175.75 po mam"Ibinigay ko ang last money ko na 200 pesos at umalis. Kinuha ko cellphone ko at tinawagan si Matthew.
"Yes sister ano kelangan mo sa napakapogi mong kapatid?"
"Tangina Matthew tantanan mo ko, umagang umaga."
"Ayy may pag mura, ano ba problema mo ha?"
"Ano nanaman sinabi mo kay Dad at pinutol niya credit card ko?"
"Ha, ako? Wala kaya akong sinasabi..."
"Kung gusto mo pang mabuhay sasabihin mo sakin yung totoo. Kialala moko Matthew. Wag mo akong gagalitin."
"Nakita ka namin ni Dad, akay akay ni Kate nung isang linggo. He didnt say anything pero he looked dissapointed. He didnt want to drive you home kasi alam niyang ikaiinis mo yon."
"Galing akong gig nun,bat kelangan niya ako tanggalan ng card? Diba sabi ko, kelangan ko yun? Ibabalik ko naman sakanya kapag umangat na buhay ko eh."
"Ate, wala naman sa akin yung desisyon na lumayas ka rito. Umuwi ka na kasi. "
"Uuwi ako dyan? Para ano? Alipinin niyo nanaman? Kokontrolin niyo nanaman? Tigilan niyo nga. "
"Bahala ka. Nagpasok ako ng 15k sa bank account mo. Di ko sinabi kay Dad yan. Ayusin mo buhay mo ate. Andito lang ako lagi."
"Salamat, Matthew. Maayos naman, wag ka mag alala. Babawi si ate sayo."
Nagtapos ang phone call namen don.
Eh kung umuwi na nga lang kaya ako don? Pfft, wag na. Babalik nanaman ako sa pagiging ibon na nakakulong.
Muli kong ibinulsa ang cellphone ko at tinahak ang daan pauwi ng building.