Ramdam ko ang hangin na bumabalot sa aking katawan habang tirik na tirik ang araw.
Nasa kalahati palang kami ng biyahe patungo sa aming bagong bahay nang biglang bumuhos ang ulan. Agad kong tinawagan ang aking tatay na nasa kabilang sasakyan.
"Pa, ayos ka lang ba?" Marahan kong sambit. "Masaya lang ako. Hindi ko inakalang dadating tayo sa ganitong estado, Amara." Hikbi ng tatay sa kabilang linya.
Bata pa lang ang aking ama nang madiskubre niya na sa bawat patak ng kanyang luha ay siyang pagpatak ng ulan. Walang makapagpaliwanag kung paano ito nangyari. Marahil nagkakataon lang, ngunit madalas itong nangyayari kaya't hindi namin masabi.
Nang makarating na kami sa aming paroroonan ay natanaw ko sa bintana ang mala-mansyon naming bahay. "Miss Amara, tumulong daw po kayo sa pagaayos ng mga gamit." Ani Lily na aming kasambahay. "Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa?" Inis kong bulong sa aking sarili bago ako bumaba ng sasakyan.
Sa pagod ko ay dumiretso ako sa aking silid, ngunit bago ako tuluyang makatulog ay may nakapukaw sa aking atensyon.
Larawan namin ng aking nanay, kuha ito noong pitong taong gulang pa lamang ako at litrato iyon bago niya kami iwan ni tatay. Kuwento sa akin ng aking ama ay hindi nakayanan ng aking nanay ang hirap noon dahil sa maagang pagaasawa na nagresulta sa pagiging salat namin sa pera, kaya't pinili niyang lumisan na lamang. Naalala ko pa mismo ang araw na iniwan kami ng aking ina.
"Mama! Bumalik ka maglalaro pa po tayo, wag mo kalimutan parang awa mo na." Naiiyak kong bilin.
"Oo anak, babalik ang nanay! Maglalaro pa tayo." Pero bakit hindi na ito nangyari pa?
Marahan kong pinunsan ang naglandas na luha sa aking mata.
Walang magaakala na ang tatay ko na ngayon ang pinakamayamang gobernador sa aming bayan.
Hindi ko ipagkakaila na dahil sa pangyayari noon ay naging makasarili ako ngayon at gusto kong nakukuha lahat ng aking ninanais o gustuhin.
Naniniwala ako na wala ng ibang mas mahalaga sa mundong aking kinatatayuan bukod sa pera, dahil ang tanging nagpapasaya sakin ay ang mga materyal na bagay na aking nabibili at natatanggap matapos kaming iwan ng inay.
Nagising ako na may bakas ng pagod mula sa kahapon. Habang pababa ako sa hapag kainan ay napansin kong wala ang prisensya ng aking tatay. "Amara, maagang umalis si sir Jake at paalala ho ng inyong ama ay iniwan niya sa inyong kwarto ang bago niyong cellphone at laptop na hiniling mo sa kanya." Singit ng kasambahay. Dali dali akong umakyat sa aking silid upang kuhanin iyon.
Matapos akong kumain ay inabala ko muna ang aking sarili sa pakikipaglaro sa aso kong si Sky. Plano kong matulog agad, sapagkat gusto kong maagang mamili ng mga damit bukas na aking susuotin para sa aking kaarawan sa susunod na araw.
Ganoon nga ang nangyari. Ala singko palang ng umaga ay nagising ako dahil sa malakas na ulan. Imposibleng umulan sa ganitong sandali, dahil ngayon ay Abril at panahon ng tag-init. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan nang mapansin ko ang aking tatay na may hawak na papeles at tila problemado. Batid ko ang pagpunas niya sa kanyang pisngi.
"Papa, anong problema?" Nagaalala kong sambit. "Anong problema? Wala! Inaayos ko lang ang papeles ng hiniling mo sa aking sasakyan." Banayad ang lungkot sa kanyang pagkasabi, ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
"Tay, ayaw ko na pala nung cellphone na ibinili ninyo sa akin. May mas sikat pa pala doon, iyon ang gusto ko!" Bilin ko sa kanya.
"Sige anak bukas na bukas luluwas ako upang makabili." Anito.
Ala siyete na ng gabi nang matapos akong mamili.
Habang naglalakad ako sa daan ay may nakasalubong akong matanda. "Ija magiingat ka. Makuntento hangga't maaga, hindi mo alam ang mangyayari bukas." Lingid sa aking kaalaman ang kanyang sinabi. Takot akong umuwi sa aming mansyon.
YOU ARE READING
Patak ng Sandali
Short StorySi Amara ay anak ng isang mayamang gobernador. Kanyang nakukuha ang lahat ng kahilingan at ninanais niya sa buhay, bukod pa dito ay sanay siyang may kaagapay sa lahat ng bagay. Paano pag dumating na ang sandali na maglaho ang lahat ng ito, may makat...