Chapter 1
JASEN'S POINT OF VIEW
"And they live happily ever after." Hinampas hampas nya ang balikat ko habang pigil ang tili nya.
"Are you sure they live happily ever after? Paano naman nalaman nung third person point of view na namuhay sila ng masaya hanggang dulo? Isa ba sya sa witness?" May halong pang-inis 'yong boses ko.
Not all stories have a happy ending. PERIOD.
"Teh, ang bitter mo! Jasen, that was just a fantasy story. Don't give too much attention on the ending. Dahil ang gustong iparating ng author ay kung gaano katibay ang pagsasamahan ng couple." Iniripan ako ni Jyne at isinara na nya ang libro na hawak nya.
"So, why some writer or author always using 'they live happily ever after' at the end of the story? Kung ang gusto lang nila iparating ang pagsasamahan ng couple? Diba?" Inayos ko na ang gamit ko. Si Jyne naman wagas maka-irap sa akin, tss.
"Bes! Bakit ganyan ka mag-isip? Ikaw ba talaga yan? Teh, teh? Sa tingin mo ba, bakit?" Pagbalik ng tanong nya sa akin.
Naglakad na kami palabas ng cafeteria. Napa-isip naman tuloy ako. Bakit nga ba?
"Still wondering, why?" Pambasag nya ng katahimikan.
"Yea. Hindi ko alam kung bakit nila ginagamit 'yon. Siguro, para ma-satisfied ang mga readers na masaya na sila." Napaka-big deal para sa akin ng bawat kwento. Masyado akong naco-confuse sa mga endings and plot ng story. The same.
"Nope. Because every words and sentences, they have a remarkable meaning."
"What a big word! Remarkable!" I said sarcastically. Grabe maka-define, tss.
"Jaseeennn!!" Look who's shouting. Hindi man lang nahiya. Sa hallway pa talaga?
"Pagsabihan mo nga 'yang boybest friend mo na wag sumigaw sa hallway. Nakakahiya. Pinagtitinginan na tayo dito oh." Bulong sa akin ni Jyne. "Una na ako." Iba nga pala ang track na kinuha nya. Pero still, mag-bestfriend pa din kami.
"Bye, Teh!" Sigaw ko. Sinamaan nya lang ako ng tingin. Oo nga pala, nakikkigaya pa ako kay Qio. "Oy, ikaw! Bakit ka sigaw ng sigaw? At pangalan ko pa talaga?"
Nilapitan nya ako at hinila kung saan. "Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya habang tumatakbo.
"Basta!" Aba, beastmode ang mokong! Ano ang problema nito?
"Saan nga?" Naiirita kong tanong. Kanina pa ako hinihila tapos hindi pa sabihin kung saan kami pupunta. Muntikan na nga akong matapilok kanina, eh!
Tumigil kami sa harap ng canteen. "Samahan mo ako kumain."
"What? May last subject pa ako! Kailangan ko ng umalis." Binitawan nya ako at tumingin sa akin. Ang lungkot ng mukha nya.
"Sige na, please. Busy kasi ako kanina sa SC office kaya hindi ako nakasabay sa inyo kumain. Pero kung ayaw mo akong samahan, okay lang." Ako naman itong nakonsensya, sinamahan ko na lang sya kumain.
At ang loko, grabe ang ngiti at nakakaloko pa talaga! "Ngiti-ngiti mo dyan? Baka gusto mong makatikim ng suntok?" Pagbabanta ko.
"Masaya lang ako dahil first time ng kaibigan ko mag-skip ng class." Ngumisi na naman sya. "Thank you."
"Don't thanks me. May kapalit to no!" Naman. Mahilig akong humingi ng kapalit kapag may kapalit din ang hinihingi nyang pabor. Magulo ba? Bahala kayo mag-intindi.
"Ano naman?" Ewww. Nagsasalita habang kumakain. Where's the manners?
"Ubusin mo muna 'yang laman ng bibig mo. Nakakadiri ka. Ewwww." Tumawa pa sya. Kaderder talaga.
Pagkatapos nyang malinisan ang madungis nyang mukha, nagsalita na sya. "Ano 'yong kapalit?"
"'Yong dapat na gagawin ngayong araw sa subject na tinakasan ko, ikaw ang gumawa." Ang loko, nagpanggap na may tumatawag.
"Hello, May(Secretary nya). Oh? Ngayon na?" Bwisit! Ako maloloko nya.
"Tigilan mo na ang paggawa ng fake calls! 'Yong pinapagawa ko sayo!"
"Sige, papunta na ako dyan." Aba't?! Bingi lang? Hindi pa nya ako tinitignan.
Tumakbo agad sya palabas ng canteen. Wah! Paano na ako ngayon? Kainis talaga!
-----
"Oy, Kay. Anong ginawa sa GenBio?" Tanong ko sa classmate ko. Sya lang kasi 'yong kilala ko. No choice rin naman ako kung hindi ang magtanong.
"A-ano.. n-ng may binigay sa amin si Sir na homeworks. Y-yong wala daw kanina, s-sabihan na kumuha na l-lang daw sa o-office nya."
Aba't?! Bakit walang nagsabi sa akin? Kung hindi pa ako magtatanong, hindi ko malalaman! "Ah. Ganon ba? Salamat."
Napatingin naman ako sa mga classmate ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay. Tanggalin ko 'yang mga maninipis nyong kilay eh!
Pumunta na lang ako sa office ng mga teacher. Kung malas ka nga naman, guidance councilor pa ang GenBio teacher namin! Kainis!
Bago ako pumasok sa office, huminga muna ako ng malalim. Buhay pa rin naman ako pagkalabas ko dito no?
Pinihit ko na ang doorknob at nakayukong pumasok sa office ni Sir.
"Ms. Sy? Bakit ka napapunta dito?" Tanong ni Sir.
Napatingin naman ako sa likod ng lalakeng nakatalikod sa akin. Ito pala 'yong kausap ni Sir kani-kanina lang. Akala ko nagsasalita si Sir ng mag-isa. Goosebumps.
"Kukuha lang po sana ako ng copy ng homeworks na binigay nyo kanina." Geez. Sana hindi magtanong kung nasaan ako kanina!
"Ah, ganon ba? Kumuha ka na lang doon sa isang table. Nandoon 'yong copies." Tinungo ko na lang 'yong table na tinutukoy nya.
"Bukas ang start ng class mo. And as our rules for those transferee, bawal ang malate sa first day ng class nila. Just like a students here, okay?"
Rules ba yon? Halos parehas lang din pala ng sa amin. Hindi ako chismosa ha, naririnig ko lang. Alin ba kasi dito sa papers 'yong homework?
"Sir, pwede humingi ng favor?"
Saan ba 'yon? Ito ba?
"Ano 'yon?"
Tinignan ko ang laman nito pero malayo naman sa topics namin.
"Gusto ko po sana malibot itong buong campus. Wala po akong tour guide."
Nakakainis na talaga! Maka-tanong na nga lang!
"Sir, alin po dito 'yong homework?" Tanong ko. Napatingin naman sila sa akin.
"Lahat ng papel dyan."
What?! Ang dami? Forever homeworks ba to?
"Ms. Sy, pagkatapos mo dyan, paki-tour naman itong transferee sa buong campus." What?! Maaga akong uuwi ngayon pero ano?! Ano?!
Ang dami kong gagawin!!!
"Goodbye, Sir." Bwisit na guidance coucilor, tss. At isa pa itong kasama ko. Ang sarap iligaw para makatakas ako.
Bright Idea, Jasen! Ang talino mo talaga!
#BetweenOurLines
How's chapter 1?
You can vote and comments!
YOU ARE READING
Between Our Lines
Teen FictionPaano kung bigla na lang may dumating na isang tao na magbibigay kahulugan sayo ng mga bagay na dati ay iba ang iyong paniniwala? Makikinig ka ba?