Simula

1 2 0
                                    

Simula

"Lisa, pagpasensyahan mo sana ako. Hinahangad ko na sana patawarin mo ako sapagkat ito lang ang kaya kung ialay para sayo. Pasensya na kung hanggang dito nalang ako, mahal. Hinahangad ko sa maykapal na sana tayo'y muling magkita. Paalam,"

—√—

"Mabuti naman at nakarating na rin tayo dito sa probinsya niyo, Ara!" Sigaw ni Justin kaya sabay sabay kaming napatingin sakanya tsaka natawa.

Kung tutuusin naman talaga, nakakapagod dahil ilang oras din ang byahe mula Manila hanggang sa probinsya namin kaya gano'n nalang siguro ang pagod ni Justin.

"Tara na?"

"Tara!" Sabay sabay na sigaw nilang walo.

Pagkapasok na pagkapasok namin mansyon nila lolo, ang unang unang ginawa nila Justin ay umupo sa sofa. Si Beverly naman ay naghahanap siguro ng signal. Si Angelica naman ay dumiretso agad sa Cr dahil kanina pa raw siya naiihi sa byahe.

Pinagmasdan ko ang paligid. Pinakiramdaman ang simoy ng hangin. Pinapakinggan ang mga huni ng ibon at masasabi ko na marami na talagang nagbago sa bayan ng San Miguel.

"Sobrang laki naman mansyon niyo Ara, ang kaso lang masyadong maalikabok at parang hindi nalinisan ng ilang taon. Agree ba kayo, guys?" Grace.

Oo nga no? Nasaan kaya si Kuya Roel? Siya lang naman ang natatandaan ko na caretaker ng mansyon nila lolo.

"I agree! Tsaka mahina rin ang signal dito sainyo kaya hindi ko rin masyadong mahahawakan itong cellphone ko." Sagot ni Angelica sa tanong ni Grace.

"Anong oras na ba? Para naman makapag-ayos pa tayo rito." Kenneth.

12:42pm. May oras pa pala e.

Nagplano si Justin na ang maiiwan rito sa mansyon para mag-ayos ay sila Gabriel, Angelica, Ian, Ann, at Kenneth. Sa bibili naman ng pagkain ay silang dalawa ni Beverly. Ako at si Grace naman ang bibili ng mga kakailanganin namin rito sa mansyon.

Habang naglalakad kami ni Grace may kapansin-pansin kaming nakita sa may bandang bench at nakakapagtaka lang dahil sa dinami-dami ng tao dito, wala manlang ni isa ang nakapansin sa isang lumang notebook.

"Alam kong magno-november na pero may something talaga yang lumang notebook, Ara. Ano sa tingin mo? Kukunin mo ba o hindi? Kasi kung ako lang ang tatanungin mo, hindi ko kukunin 'yan dahil hindi ko gusto 'yong nararamdaman ko d'yan sa lumang notebook." Grace.

Oo nga 'no?

"Bahala na. Kukunin ko nalang 'tong lumang notebook para may mapagsulatan tayo, 'di ba?"

"Pwede din."

Tapos na kami mamili ng mga kakailanganin namin sa bahay ng may tumawag sa aking pangalan. Nakakatakot sapagkat hindi ko siya kilala subalit masasabi kung hindi naman siya tulad ng ibang tao na makikita mo kung may gagawin bang matino o hindi. Pero kailangan pa rin naming mag-ingat ni Grace sakanya.

"A-ara Pineda! Oo ikaw si Ara Pineda. Ang kaisa-isang apo ni Lisa Macatangay!"

—√—

xoxo, grece.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ara PinedaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon