"Baby, gising na. Papasok ka pa sa school" sabi ni mommy saken..
"Wait lang po ma!" Sabi ko naman sa kanya..
Agad akong bumangon para mag ayos.. After 30 minutes, isinuot ko na yung uniform ko at nagsapatos na. Bumaba na ako para kumain..
Pagkarating ko sa kusina, agad kong nakita si mommy at daddy... I gave them a kiss on their cheeks."Oh anak, excited kana ba sa first day mo ngayon?"tanong saken ni dad
"Opo!" Sagot ko naman... Actually, merong side na hindi ako masaya.. May makikita na naman kasi akong impakta ngayon..
"Oh, that's good.. Just finish your breakfast sweetie.." sabi naman ni mommy. Tumango nalang ako..Oh wait! I'm Maxine Miranda,17 years of age..Ang swerte ko sa magulang ko no? But, I'm just adopted. Yes, I'm adopted..
Nakita lang nila ako sa harap ng bahay nato.. Then may nakita silang blanket na may nakasulat na MAXINE, kaya ayun na ang pinangalan nila saken. At meron pa silang nakitang necklace.. May pendant sya na rose at ang kulay ay rose goldPero sabi nila, huwag ko daw yan ipapakita sa iba... Kaya, itinatago ko nalang. Pero isinusuot ko. Hindi ko lang pinapakita..
"Ma, alis napo ako"paalam ko kina mommy..
"Okay, agad kang uuwi" sabi nila..
"I will!" Sabi ko at lumabas na sa bahay..
Pagkalabas ko, nakita ko kaagad si Corrine.. She's my bestfriend.. Adopted din sya katulad ko.. Nakita din sya sa labas ng bahay nila at may necklace na may star pendant..."Corrine!"tawag ko sakanya
"Uy Max!"bati rin nya saken "Ano? Ready ka na?" Tanong nya saken
"Oo naman" sabi ko sabay smirk
"Ooohh... Alam ko iniisip mo" sabi nya at agad syang ngumiti. "Tara na nga"pag aaya nya.. Tumango nalang ako at kinuha na ang bike namin.. Oo, nag bbike lang kami papuntang school.. Malapit lang kasi eh..Pagkarating namin sa school, agad namin pinark yung bike namin at agad ng naglakad papuntang room..
Pagkarating namin sa room, parang nagkaroon na ng WORLD WAR III dahil sa sobrang kalat... First day palang ganyan na agad yung bungad... Wengyaaaaa!Nakakita naman ako ng dalawang bakanteng upuan sa likod.. Doon ako sa may bandang bintana ako umupo. Si Corrine naman sa tabi ko..
Pagkaupo ko, agad kong kinuha ang earphone ko at nilagay sa tenga ko at pumikit.. Wala pa namang teacher kaya pa chill muna ako.
Naimulat ko ang mata ko ng may maramdaman akong bagay na tumama sa ulo ko. Hah, papel lang pala.. Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko ang isang impakta na nakangiti saken...Agad akong tumayo at pumunta sa kanya..
"Ohhh.. Hi darling, what can I do for you?"tanong ni Cheska sabay smirk..
Imbis na sumagot, ibinato ko nalang sakanya yung papel na ibinato nya saken..
"Ouch!"rinig kong daing nya.. Nyeta! Papel lang yon! PAPEL!!!!Tumalikod na ako para umalis pero may humablot sa buhok ko..
Pagkaharap ko, si impakta pala.
"Hoy bruha! Tanggalin mo nga yang kamay mo sa buhok ko!" Sigaw ko sakanya
"Paano kung ayaw ko?" Tanong nya saken. Pake ko sayo?!
"Gago!" Sigaw ko sakanya. Hinablot ko rin yung buhok nya at ipinalupot sa leeg nya. "Faith! Help!!!!!" Paghingi nya ng tulong sa bestfriend nya...Agad namang naglabas ng gunting si Faith at inihagis papunta saken. Buti at nasalo agad ni Corrine yung gunting...
Naglabas pa ng gunting si Faith at agad agad inihagis sa amin... Nasasalo at naiilagan naman namin yon..
Aba, andami atang gunting neto.. May inilibas pa syang bagay na ikinagulat namen... Punyeta KUTSILYO! Pagkabato naman nya ay naka ilag kaming dalawa ni Corrine.. Pero gago lang, meron pang isa! At saken lang yon papunta! At nagulat nalang kami na biglang huminto yung kutsilyo sa harapan ko at unti unting nadurog.. WHAT WAS THAT?!!!
Pagkatingin namin sa harapan, nakatayo doon ang teacher namin..Agad agad kaming nagpunta sa mga upuan namin..
"Buti naman at naisipan nyong umupo...
Osge, I'm Karyl Ochoa, your adviser and Science teacher for the whole grading period" pagpapakilala naman ni Mam Ochoa. Diniscuss nya ang ibang matters for this school year.*Bell rings*
"That's for today.. See you tomorrow.
Oh wait! Maxine and Corrine, come to my office.."sabi samen ni Mam Ochoa"Oiii! Anong meron?"tanong ni Corrine
"Punta daw tayo sa office ni mam"sabi ko
Agad agad kaming lumabas ng room at pumunta sa office ni Mam Ochoa.
Agad kumatok si Corrine. "Oh.. Please come in"sabi ni Mam Ochoa
"Uhmm, bakit nyo po kami pinatawag? May nagawa po ba kaming masama? Kung yung kanina po, si Cheska po yung nagsimula.. Hindi kami.." sunod sunod na sabi ni Corrine
"Hindi iyon ang dahilan kung bakit ko kayo pinapapunta dito. Pero merong kinalaman sa nangyari kanina" sabi nya na nagpangilabot samen.
"Ano po iyon?"tanong ko. "I saw everything. Pati yung huminto yung kutsilyo at nadurog? I saw that too."sabi nya samen..
"Mam, hindi po namin alam kung paano or bakit nangyare yon" sabi ni Corrine kay Mam Ochoa "Pero ako alam ko" sabi ni Mam Ochoa na nakapagpa gulat saming dalawa ni Corrine
"Ano pong alam nyo?"tanong ko
"Isa kayong elementalist" sabi nya. Elementalist? Parang may powers ganon?
"Pero imposible! Walang taong elementalist! Walang taong may kapangyarihan! Its just a fairytale.." sabi ni Corrine.. "Its true my dear. Isa ako sa mga elementalist. I'm a plant manipulator" sabi nya.
"We don't believe you!" Sabay na sabi namin ni Corrine..
"Then I'll prove it" at pagkatapos, pinagalaw nya ang mga halaman nya sa loob ng office.. The heck?!
"Naniniwala na kayo?"tanong nya at tumango nalang kami ni Corrine... "Pero, paano nyo po nalaman na isa kaming elementalist?"tanong ni Corrine
"Nararamdaman ko na malakas ang aura nyo.. Lalo ka na Maxine.. Sobrang lakas ng aura mo. At black na may halong pink pa ang kulay ng aura mo.. At bibihira lang yon.."sabi ni Mam Ochoa saken na ikinagulat ko.."Sayo naman Corrine, magkahalong black at violet ang aura mo.. At ang alam ko, isang Starlock lang ang merong ganyang aura"sabi nya na ikinagulat din ni Corrine.."Bukas, lilipat na kayo ng school. Hindi sa lugar na ito, pero sa lugar na magugustuhan nyo.. Sasamahan ko kayo bukas ng madaling araw."sabi nya samen
"Pero, kailangan papo naming magpaalam sa mga magulang namin"sabi ko
"Don't worry, tinawagan ko na sila kanina at pumayag naman sila.. Sila na ang magkkwento sa inyo"sabi nya saamin sabay ngiti. Ngumiti din kami sakanya..
"Sige po! Thank you!"sabay na pagpapasalamat namin ni Corrine..
"Osige!" Sabi naman ni Mam..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛💛Chapter 01 is out! Yieeeeeee sana magustuhan nyo!
Enjoy reading readers! Xie xie!💛
YOU ARE READING
GALAXY ACADEMY: THE LONG LOST PRINCESS (ON-GOING)
ФэнтезиThis is my first fantasy story.. Just enjoy reading readers! Xie xie!💛