Keep Calm & MOVE ON!

357 13 3
                                    

“How can I move on when I’m still in love with you? T____T”

[ Linya mo nung nakipag-break sya sayo. Tss ]

Eto ha! Hindi dahil sa kinakarir ko na ang pagiging bitter kaya ko to ngayon sasabihin. Syempre, magsasabe nanaman ako ng reaksyon, opinyon at payo kaya nasasayo na kung papakinggan mo..

For the first place, bat ka nga ba umiiyak at nagmumukmok? Anong dahilan nyan kaya hindi ka makakaen at makatulog? And worst, eh sa school hindi ka na makapasok. Sige nga, isipin mong mabuti.

Ngayon, anong sagot? Diba dahil INIWAN ka nya? Yung katotohanan na nagawa nyang IWANAN ka maliban sa dahilan na meron sya. Di ko na isasama dito kung sino nagloko, bumitaw o nagka-third party. Iba iba naman talaga kase ng pinagmumulan..

~ There are some situations that even after hearing the right answer, we still look in other direction. Hoping that what we have in mind will actually work. We’ll ask and seek for answers to the problem we currently have but we won’t be able to apply them because we’re stuck thinking that taking unsafe moves will save us from the situation. :-/

Gustong gusto mo magmove on pero lagi kang nakikinig sa mga malulungkot na kanta. Tapos ngayon iiyak iyak ka!

Baket ba sa sad songs ka tumatakbo? Nakaka-relate, nakaka-iyak o nakaka-engganyong mag-emote habang ito’y pinapakinggan? Dapat wala dun eh! Dahil habang naririnig mo ito ng marami pang beses, pakiramdam mo bumabalik ang lahat ng nanyare. At iyon na nga, ngangawa ka nanaman. +_____+

16 Tips on how to MOVE ON [ The faster, the better! (: ]

1. Learn new skills – Kung magaling kang umiyak, try mo naman yung iba! Yung hindi mamamaga ang mata na magiging dahilan para pumanget ka.

2. Adjust perception – Naniniwala kang niloko/iniwan ka diba? Isipin mo naman na blessing in disguise yun. Mas okay pa.

3. Cry it out – Mas malakas, mas maganda. Iiyak mo lang hanggang sa mapagod ka. Kahet papano makakabawas yan sa mga dala-dala mo.

4. Express feelings – Pwedeng mag-blog ka o kaya naman pagpe-paint ang maging daan para mailabas mo yung feeling na nakakulong dyan sa puso mo. Mura lang yun ay!

5. Feel it fully – Ramdam kita eh. Mahirrrrap, tama? Pero anong gusto mo, maapektuhan na din nasa paligid mo? Kelangan mong maramdaman yan kaya hindi dapat iwasan. Wag shunga!

6. Inhale, exhale – Huminga ka ng malalim hanggat kaya mo, tapos ilabas mo ng buong buo. Wag ka magtitira! Pag-nalabas mo lahat yan mababawasan ang bigat ng damdamin mo.

7. Take responsibility – Wala ka sa sitwasyon na yan kung hindi mo ginusto. Wag mong isipin na sya lang ang dapat akusahan dahil tandaan mo, kayong dalawa ang may pinagsamahan.

8. Remove, Change or Accept – Tatlong options na maganda sa kalusugan: Alisin ang sarili sa kalungkutan na meron ka ngayon, palitan ang emosyon at tanggapin ang sitwasyon. Tapos maging happy ka na. :D

9. Through experience – Isipin mo ang mga nanyare, lahat lahat at wag kang magtitira. Bawat naranasan mo eh kelangang ma-recognize para sa huli magkakaron ka ng “sense of closure” na dapat mong makuha.

10. Good & Bad – Hindi nga naging perfect ang ‘past’ na meron kayo pero isipin ang maganda’t hindi na pangyayari ay makakabawas sa panghihinayang na nararamdaman mo.

11. Un-romanticize love – Ibahin ang tingin tungkol sa pag-ibig. Bawasan ang masyadong pagka-romantic. Madali yun kesa umasang muli.

12. Empowered single – Wala namang masama kung single ka ngayon! Wag maging matamlay, sarili’y bigyang buhay. Malay mo, kaya nagkahiwalay kayo dahil may mas magandang mangyayare sa buhay mo. Hinay hinay lang kase!

14. Face reality – Hanggat maaari itapon, sunugin, dikdikin, gupit-gupitin o kaya naman ay punitin mo na ang lahat ng alaala na iniwan nya. Mula sa pictures, videos o mga regalo na pwedeng makapagpaalala sa mga hayop na katulad nya eh dispatchahin mo na.

15. Reward therapy – Halimbawa nagawa mong i-delete ang number nya sa fone mo, bigyan mo ng gantimpala ang sarili mo. Pa-facial ka or magpunta sa salon. Oh diba, gumanda ka pa lalo.

16. Laugh it out – Mas matunog, mas maganda! Hindi lang to pwedeng ipang-asar sa iba, makakaganda pa ng kalusugan. Isang paraan para malabas ang tensyon na nararamdaman.

Kung seryoso mo talagang binasa yung kadaldalan ko at binabalak na sundin ito, dapat mo munang malaman na hindi talaga 16  yun. 15 lang kaya teh! Check mo pa. XD

Sinadya ko yun para ma-assess mo ang sarili mo. Dahil kung napansin mo agad na kulang ang numero eh nasa tamang pag-iisip ka pa. It means, kayang kaya at sisiw lang sayo ang mag-moveon lalo na sa hinayupak na kagaya nya.

~ YOUR RELATIONSHIP ENDED. NOT YOUR LIFE. -_-

Hindi yon sapat na dahilan para mawalan ng pag-asa sa buhay. Hanggat maaari lumayo ka sa mga tukso o tao na mag-iimbita ng masasamang alaala na kasama mo sya.  Wag magpasulsol at basta makinig sa sabi-sabi ng iba na alam mo namang makakasama sa pag-iisip mo. Ikaw pa rin ang mahalaga at magsisilbing bida. At nga pala, di rin dahil namimiss mo sya eh kelangan mo sya para makahinga.. Missing is just part of moving on. =__=

~ IF YOU CAN’T FLY THEN RUN. IF YOU CAN’T RUN THEN WALK. IF YOU CAN’T WALK THEN CRAWL. BUT WHATEVER YOU DO, YOU HAVE TO KEEP MOVING FORWARD.

Walang isyu dito ang oras. Araw, linggo, buwan o taon man ang aabutin bago mo tuluyang bitawan ang lahat ng pinagsamahan nyo, ang importante hindi ka tumigil at sumuko. It’s up to you to find beauty in the ugliest days. Hindi man naging madali bago mo marating ang inaasam atlis nagpatuloy ka at mas pinatatag pa.

~ IF HE CAN MOVE ON.. SO CAN YOU!

Una-una lang yan eh! Kung ikaw ang nauna, masama agad ang tingin sayo. Kapag naman sya, masasaktan ka. Pero isipin mo na lang kung panung kadali at kabilis nyang nalimutan ang pinagsamahan nyo.. Pwede kayang dahil tinanggap nya na lang basta o hindi ka naman talaga nya minahal ng totoo? Isip isip. :-/

~ DON’T LET THE PAST STEAL YOUR PRESENT.

Past is past! Literal. Aanhin mo yung luma kung may bago naman? Minsan aminin mo nagiging patapon ang buhay kapag iniisip mo pa lang na wala sya. Eh ang hindi mo alam okay din pala na wala sa tabi mo dahil mas gumagaang ang buhay. Sayang lang kase yung bawat pagkakataon na sinasayang at masasayang. Pag-isipan mo!

~ SOMETIMES ALL YOU HAVE TO DO IS FORGET WHAT YOU FEEL AND REMEMBER WHAT YOU DESERVE.

Yung tipong maging manhid na lang kesa umiyak. Nakakainis diba? Kagaya nga ng sinabe ko, lingon ka lang at baka nasa harap mo na yung MAS deserve mo. Makakalimot ka din, TIWALA LANG (:

~ ONCE THEY SEE YOU DOING BETTER WITHOUT THEM, THAT’S WHEN THEY WANT YOU BACK.

Ironically, that’s true! Ikaw ang iniwan pero mas maganda ka pa sa artista at successful sa mga ginagawa. Bandang huli kinaiinggitan ka pa, taray! At pag napansin nila yun, isa lang ang gusto nilang gawin.. Yun ay muli kang makapiling. Paalala ko lang ha? Kung mangyayare man yun pwede bang pag-isipan mo muna ang magiging desisyon mo at pakaisipin pa ng mas maraming beses dahil maaaring magbago nanaman ang buhay na ginusto mo. In short wag mo ng balikan. Lol

Loving yourself means letting go. So, ano? Mamahalin mo pa ba ang bwiset kesa sa sarili mo? Hindi ka lang maganda, matalino ka pa kaya alam mo ang kaibahan ng TAMA sa pagiging TANGA.

Hindi mo ko nanay na magbubunganga at magsesermon sa dapat mong gawin. Hindi rin ako galit sa nangyayare at pinili mong asikasuhin. Isa lang naman akong Bertang Tablado na may pagpapahalaga sayo. Concern citizen baga! Hahaha. Pero sigurado naman akong malalampasan mo yan ng walang kahirap hirap. Naisip mo syang mahalin noon, maiisip mo ding kalimutan na sya ngayon. 

Kaya pag tinanong ka kung paano ka agad nakamove-on,

Simple lang ang isagot mo sa mga magtatanong..

“Iwanan ang KATANGAHAN at irampa ang KAGANDAHAN!”

Pamilyar ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon