Kung Di Rin Lang Ikaw

82 7 14
                                    


I recommend you to play the song for better reading experience. *winks*

If ever you don't have any downloaded song of kung di rin lang ikaw, you can play the music video above. ^-^ ☝

Kung di rin lang ikaw
By December Avenue feat. Moira Dela Torre
A one-shot story written by HermionAlena

◽◽◽


Misha


Tinignan at nagtanong-tanong ako sa mga staff kung naayos na ba nila ang lights and sounds ng event.

Naglakad-lakad pa ako rito sa event venue. Natawa ako nang makita ko ang litrato naming dalawa na punong-puno kami ng ice cream dahil ito yung araw na nag-break kami nung ex-boyfriend ko at niyaya niya ako sa ice cream parlor para i-comfort.

Sunod naman na nakita ko ay nung graduation. Picture ng buong barkada namin. Nakakatawa lang dahil matagal na kaming magkakaibigan at sana ay wala nang makakatibag roon.

Pero bukod doon ay hindi ko rin naman maiwasang malungkot dahil sa mga pagsubok na nangyari dati. Lahat kami ay nag-mature na kaya dapat hindi ko na isipin iyon.

Ako ang naging hands-on para sa batch reunion namin. It has been five years after we graduated at marami na kaming kanya-kanyang buhay. Isa pa, hindi lang ito basta-bastang reunion. Pina-cancel ko ang lahat ng schedule ko ngayong araw para rito.

Isa-isa nang nagsidatingan ang mga ka-batch mate ko at dumiretso na sila sa assigned seats nila. Unti-unti nang dumami at naririto na rin ang kalahati ng barkada namin.

"Misha! Namiss kita!" Narinig kong sigaw at pagkalingon ko ay may yumakap sa akin, si Venice. Nagulat ako na nasa likod pala niya si Vien.

"Namiss rin kita Venice!" Niyakap ko siya pabalik at ngumiti kay Vien.

"Venicee!!" Agad namang napalingon si Venice sa kanila. "Misha, Vien maiwan ko muna kayo ah?" Wika niya at umalis na muna siya papunta sa iba niya pang mga kaibigan.

Naging awkward sa pagitan namin ni Vien at hindi ko alam kung anong gagawin para masira at katahimikan.

"K-kumusta naman kayo ni Venice?" Pagbasag ko sa katahimikan.

"Masaya." Tipid niyang tugon. Napatango nalang ako.

Yung lalaking kasama kong kumain ng ice cream kanina ay si Vien-bestfriend ko siya. May nangyaring isang bagay kaya mahirap ibalik sa dati ang lahat. Pero tinatrato ko pa rin naman siyang bestfriend, hindi naman mababago ng kahit anong bagay iyon.

"M-misha, pwede ba akong humingi ng pabor?" Tanong niya at napatango naman ako.

◽◽◽

Ang isa pang importanteng magaganap ngayon ay ang kaarawan ni Vien.


Agad kong hinanap si Venice. "Venice!" Tawag ko sa kanya.

"Samahan mo ako saglit sa bakeshop bilhan natin ng cake si Vien dahil birthday naman niya." Pag-aya ko sa kanya. Agad naman siyang napatango at pumunta na kami sa bakeshop.

Akmang bibilhin ko na yung chocolate cake nang sabihin niyang, "Misha, nakalimutan mo na bang bawal si Vien ng too much sweets?"

Bigla kong napalo ang noo ko sapagkat nakalimutan ko. Oo nga pala, bawal nga pala sa kanya ito.

Nanghingi si Vien ng pabor sa akin. Siyempre, hindi ko naman siya matatanggihan dahil bestfriend ko pa rin siya kahit papaano at may past kami. Pero hindi alam ni Venice na baka siya ang masurprise.

"Venice, ako na ang magdadrive ah?" Um-oo naman siya.

Pagkarating namin doon sa venue ay naka-patay ang buong ilaw. Ang alam ni Vien ay si Venice ang isusurprise namin at ang alam ni Venice ay si Vien ang isusurprise namin.

Ang gulo diba? HAHAHA.

Sinindihan namin ang cake at nagsimula nang kumanta ang buong barkada namin nakisabay naman ang mga ka-batchmate namin.

"Happy Birthday to you.."

Pagkatapos namin siyang batiin ay lumapit si Vien kay Venice at niyakap niya ito.

Puro 'ayieee' naman ang narinig ko at nakisabay lang ako sa kanila.

"Wag ka sa akin magpasalamat, kay Misha dapat." Sabi ni Venice kay Vien.

Tumingin sa akin si Vien and he mouthed the words 'thank you'

"Muling ibalik na ba 'to?" Kantsyaw ni Paul at agad namang tinakpan ni Aria ang bibig nito. Kahit kailan talaga ang cute nilang dalawa.

Agad namang pumunta si Vien sa may microphone. Umupo naman kaming magbabarkada pati na rin ang iba naming mga ka-batch.

"Ummm..thank you sa surprise niyo at sana nag-eenjoy kayo ngayong reunion natin. Gusto ko rin sanang kunin ang time na 'to bilang opportunity." Ngumiti siya sa akin.

Bumaba si Vien sa stage at naglakad papunta sa pwesto ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko na alam ang aking gagawin.

Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod.

"Mishailynn Vivianice Chavez, alam kong maraming nagdaang pagsubok sa atin. But, will you still give me another chance?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.


"Mishailynn Vivianice Chavez, alam kong maraming nagdaang pagsubok sa atin. But, will you still give me another chance and marry me in the right time?"

"Will you still give me another chance and marry me in the right time?"

"Will you still give me another chance and marry me in the right time?"

Napatingin ako kay Venice. Napangiti naman siya sa akin. Akala ko sila lang ang masusurprise. Ako rin pala.. Akala ko hindi na ako masasaktan.

"Yes." Tugon niya at agad naman niyang isinuot ang singsing kay Venice. Niyakap rin niya ito.

Tumingin sa akin si Vien at agad ko naman siyang nginitian. Ngumiti rin siya pabalik and he mouthed the words, 'thank you' again.

Kahit papaano ay masaya na rin ako para sa bestfriend ko at sa tinuring kong kapatid mula noon. Ako si Misha Ellaine Cortez, at ito ang kwento nang kung papaano ko sinuportahan ang bestfriend ko.

◽◽◽

"Papayagan ba ng puso kong ibigin ka?"
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"

Narito ako ngayon sa isang café, bigla akong nakarelate nang marinig ko ang kantang yan na para bang nakalaan ito sa sa akin.

Siguro hahayaan ko nalang ang puso ko na ibigin ka.
Kahit na alam kong wala na akong pag-asa.
Pero napagtanto kong mali to.
Ang umasa sayo.

Napagtanto kong mali ang umasang may tayo pa sa huli,
Kaya di na ako aasa pang muli.

◽◽◽


Kung di rin lang ikaw
December Avenue feat. Moira Dela Torre
A one-shot story written by HermionAlena

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kung 'Di Rin Lang Ikaw Where stories live. Discover now