Scam

15 2 0
                                    

Minsan sa buhay mo, ikaw ay naniwala

Sa tamis ng kanyang dila

Sa mga pangakong kukunin niya ang tala

At gagawin ang lahat para ikaw ay mapasaya.


Aminin mo, minsan sa tanang ng buhay mo,

Ibinigay mo ang iyong buong puso

Sa isang taong nagparamdam sa iyo na ikaw ay mahalaga

Isang taong itinuring kang prinsesa.


Sabihin mong ikaw ay nabihag niya 

Ng mga matatamis niyang salita

Pagpaparamdam niyang mahalaga ka

Na ikaw ay mahal niyang talaga.


Bigkasin mo ang mga salita

Ang mga salitang binulag ka

Mga tamis na galing sa kaniyang dila

Dahil sa huli, na-scam ka.

TULAanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon