Chapter Two

102 2 2
                                    

" Oh? Tinititigan mo na naman yang wallpaper ng cellphone mong hindi mo sinauli sa may-ari? " kanchaw ni Tao sakin.

" Tch! Eh sa nagagandahan lang ako eh. " sagot ko naman

Tumayo ako at nagpunta sa balcony. Makapagpahangin na nga lang.

Nakita ko si D.O na may kausap sa cellphone. Umupo lang ako sa tabi niya at hindi umimik.

" Alagaan mo nalang kasi muna yang bestfriend mo Marisa, mas kailangan ka niyan ngayon, lalo na't broken hearted pa siya. " sabi niya sa kausap niya.

Napalingon ako. Nuks! Pa-advice advice na tong si malaki mata ah.

" Kasi nga po di ba, ikaw po ang pinunta ni Sydney dito sa Korea. " sabi niya.

HA? SYDNEY?

" Ganyan din naman katigas ulo mo ah. As if nakikinig ka sa kin kapag pinagsasabihan kita. Karma mo na yan sakin Clarise. " dugtong pa niya.

HA? CLARISE?

" Pakausap ako! " sabi ko at inagaw phone kay Kyungsoo.

" Hello? Clarise? Ikaw ba yung Clarise na kaibigan ni Kyungsoo na bestfriend nung baliw-baliwan na si Sydney? Si Lu Han 'to! Ano eh-- " hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi inagaw ulit ni Kyungsoo yung cellphone.

" Humanap ka ng Clarise mo! Tch. " sabi niya at nagflash ng death glare sakin.

" Makikishare lang naman eh. Damot mo! " sabi ko at nagpout. Ang cute ko. ^^

" Hindi siya for sharing! Tadtarin kita ng Kitchen knife ko eh. " Narinig ko namang tumawa si Clarise sa kabilang linya.

Makatulog na nga lang, busy tsaka ang susungit ng mga tao ngayon eh.

Tumayo ako at papasok na sana ako nang may sinabi si D.O. " Okay lang naman daw si Sydney, wag ka magalala. Hindi na siya magpapasagasa ng sasakyan. Salamat nga daw pala sa pagligtas mo sakanya. "

Ngumiti lang ako sa narinig ko. Mabuti naman. Kasi wala ako sa tabi niya para iprotect siya eh.

CLARISA'S POV

" Hay! Wala talagang pag-asa 'tong si Syd. Mahal pa daw niya ex niya? Pakasirang ulo talaga ng babaeng yun. Asan nga ulit yun? " sabi ko sa sarili ko. Baliw-baliwan din ako eh, kaya nga naging bestfriend ko si Syd eh, diba? Ay basta.

BUBBLEGUM COMPANY calling....

" Eh? Ba't naman napatawag 'to? Masagot na nga. "

" Hello? Ba't napatawag you? " sabi ko.

" Gusto ko lang kamustahin ang pinakabaliw na babae sa balat ng lupa. " sabi naman ng tumawag sakin. Si Kyungsoo. Oo, si Kyungsoo. D.O ng EXO. Oo nga! Tss. Bakit kami close? Malalaman niyo yan sa takdang panahon. Hahaha

" Okay lang naman ako, I guess. Ay wait! May bagong flavors ba ng-- "

" Bubblegum o Ice cream? Wala pa nga! Pakakulit mo talaga nerd! " pagtuloy niya sa sinasabi ko.

" Aish! Bakit wala pa? Argh! " inis kong tanong.

" Hoy! Easy ka lang, punta ka nalang dito sa dorm, gawa tayo ng-- " naputol yung sinasabi niya.

" Hello? Clarise? Ikaw ba yung Clarise na kaibigan ni Kyungsoo na bestfriend nung baliw-baliwan na si Sydney? Si Lu Han 'to! Ano eh-- "

" Humanap ka ng Clarise mo! " rinig kong sabi ni Kyungsoo.

" Makikishare lang naman eh. Damot mo! " sabi naman ni Lu Han.

" Ay grabe. Anong gagawin namin? Ano daw? Bakit kilala ni Lulu si Syd? Ay, oo nga pala. Naalala ko na. " Kinakausap ko nalang yung sarili ko. Busy kasi yung kausap ko eh.

Inend ko yung call, gulo nila eh.

Kailangan ko pa palang hanapin yung babaitang yun. Pero maghahanap muna alo ng malalamon, ay este, makakain. Gutom na kasi ang dragon eh.

Naghanap ako sa ref. Foodaaah! Come to meeee! Pasta, fruit salad, left over fish, nilaga. Hmmm, ayun! Munggo, favorite!

Nagulat ako nang pagharap ko, nakita ko si Syd, gulung-gulo ang buhok, mugto ang mata at hawak ang phone ko.

" Oh!? Anyare?? Inaway ka ng phone ko?? " sabi ko.

" Tumawag si Matt sa phone mo. Sinagot ko. " sabi niya.

" Tapos? "

" Uwi daw ako ng Pilipinas, mageexplain daw siya. Bigyan ko man lang daw siya ng chance magexplain. " sagot niya naman. Naiiyak na naman siya.

" Ano? Uuwi ka? Hindi din naman kasi maganda yung ginawa mo eh. Bigla ka nalang umalis. Wala man lang kayong official break up. " sabi ko. Seryoso ako ngayon ah.

" Ano ba gagawin ko? " tanong niya. Umiiyak na naman siya.

" Ikaw? Ano sa tingin mo ang gagawin mo? " sabi ko.

She paused for a while. And then took a deep breath.

" Uwi ako. Maguusap kami. Come what may. Ayusin ko buhay ko. Ayako na ng ganto. " sabi niya.

" Samahan kita? " sabi ko.

" Hindi na, kakayanin ko 'tong magisa. " sagot niya naman.

Nagsmile nalang ako. " Sige, andito lang ako palagi. "

DISTANT STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon