ROOM 203

25 3 0
                                    

Lar Samuelo's POV

Sa Ika siyam ng aking tag isang buwang bakasyon sa pinas sa 27 years ng aking pagiging OFW (Overseas Filipino Worker) sa bansang Italy, ngayon ko lamang maisecelebrate and Araw ng mga puso kasama ang aking mahal na asawa.

February 14, 2018, lumapag ang aking sinasakyang eroplano sa airport.

Valentines day noon, nagkalat ang mga larawan ni kupido at ng mga puso sa paligid Habang nag lalakad ako palabas ng terminal. Ilang sandali pa, nagsi-sigawan ang mga tao sa kilig. "ayiiee" sabi ng ilan. Kasabay niyon nakita ko ang mga lobo sa paligid mga rose petals sa daan, at may mga taong may bitbit na letter "W" "I" "L" "L" "Y" "O" "U" "M" "A" "R" "R" "Y" "M" "E". Nagulantang ang lahat lalo na ang babaeng niluhuran ng lalaki at pinag buksan ng isang diamond ring,

Isang babaeng OFW na inalok ng kasal ng kaniyang kasintahan sa araw ng mga puso sa punto ng kaniyang pag uwi. Napakagandang salubong hindi ba? Ngunit Ang dating inaasahan kong mahal na sasalubong sa akin sa terminal ay wala sa daratnan ko, nakalulungkot man, mag isa kong hihilahin ang mga bitbit kong maleta at pasalubong paparoon sa Taxi at hindi deretso sa bahay, kundi sa ospital kung saan siya naka confine.

"manong bayad po!" sabi ko sa taxi driver bago ako bumaba.

"salamat po," sabi ko pa matapos niya akong tulungang ibaba ang aking mga maleta mula sa compartment ng kaniyang taxi.

Sa paligid nakikita ko ang mga mag-kakasintahan mag kasamang naglalakad, magkaakbay at tila masaya. Ang iba nga'y nag bibigayan pa ng mga regalo, chocolate, mga bulaklak katulad ng sunflower at roses, samantala ako'y naglalakad mag-isa papasok sa Ospital.

"Happy Valentines beh!" sabi ng isang doctor sa isang nurse sa may counter pag kaabot nito ng bulaklak,

"uhmmm, Excuse me po..." mawalang galang na pasintabi ko sa kanila.

"yes po sir!?" sagot ng nurse.

"saan po yung room ni Hernina Sariento?" tanong ko sa nurse,

nalimutan ko kasi ang sinabi ng kaniyang kapatid na si ate Lucy na nag babantay sa kaniya ngunit wala ngayon ang kaniyang nakatatandang kapatid pagkat anibersaryo nila ng kaniyang asawa.

"asawa po kayo?" tanong ng nurse sa akin. "ahh opo ako nga po" sagot ko pa.

"ah ikaw po si sir Lar Samuelo Sariento!" sabi ng nurse.

"a-ah ako nga iyon!," sabi ko pa.

"dito po tayo sir," sabi ng nurse habang nalakad kami at tinuturo ang daan papunta sa kuwarto ng aking asawa.

"nasa room 203 po si ma'am nina, kalalabas lang po niya kahapon sa operating room, ibinilin po siya ni ma'am lucy sa amin kanina,"

sabi pa ng nurse habang tumigil kami sa room 203.

"Dito po siya sir," sabi ng nurse habang dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto.

at naroon ang aking asawang si nina, mahimbing na natutulog, lubhang mapayat at maputla na ang mga labi, at may benda sa ulo.

Mahigit kalahating milyon na ang aking nauubos sa kaniyang operation, halos lahat ng aking naipupundar ay sa kaniya lamang napupunta.

Mayroon kasi siyang brain tumor, lubha nang naapektuhan ang kaniyang pag-iisip kaya't salamat kay lord dahil nakayanan kong ipa-opera ito.

Wala kaming mga anak na maaring tumulong sa amin o mag papasaya, dalawang beses na siyang nakukunan, isang lalaki at babae...

Dalawa na sana ang aming anak, ngunit mahirap bumuo pagkat minsan lamang ako nasa pinas.

ROOM 203Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon