Ginawa ko ang tulang ito nung Buwan Ng Wika dahil sumali ako sa contest ng spoken poetry. Sadly hindi ko siya na memorize ng bonggang bongga kaya ayun Second place lamang ang mama niyo.
Pero .8 lang yung lamang sak'en nung nanalo ah! Kung kinembotan ko pa ng todo yun, nanalo na ako. So ayun. Hope you like it guys! Muah!
- Miss D
....................................................
Ang ABaKaDa Naming ng Kaibigan Ko
Bago ang lahat.
Gusto ko lang malaman niyo.
Na ang tulang ito
Ay para sa kaibigan ko.
Isang kaibigang malapit sa akin.
Na kahit ang puwang sa pagitan namin
Ay sing layo ng distansya ng mundo sa mga bituin.
Matalik ko siyang kaibigan;
Na kahit minsan ko siyang makalimutan
Hindi niya pa rin ako iniwan.
Nanatili pa rin siya dito sa puso't isipan ko.
Ang bawat letra ng pangalan niya
Ay preskong nakaukit pa rin sa bawat dimensyon ng diwa ko.
Andyan pa rin sya,
Kahit minsa'y nandidiri na ako.
Kinamuhian ko na siya't
Pinagpalit sa iba
Pero tiwala niya ay di parin nabawasan kahit isa.
Kaya't hayaan niyo akong ibahagi sa inyo
Ang liham ko sa likod ng ABaKaDa namin
Ng kaibigan ko.
A
Andyan ka para sa akin
Noong panahong kinailangan kita.
Hindi mo ako iniwan
Kahit pa inaapi na tayong dalawa
Hindi ka nagpatinag sa panlalait ng iba.
Dahil alam mong walang puwang ang sinasabi nila
Sa tagtag ng relasyon nating dalawa.
Ba
Bawat haplos ng pagmamahal mo
Ay ramdam na ramdam ko.
Tagos dito sa puso ko.
Hindi maipagkakailang malaking bahagi ka na
Ng buhay ko
Dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kung wala
Dito sa tabi ko.
Pagkat nasanay na akong karamay kita
Sa mga panahong muntik ka nang mabura
Nung sinubukan akong sakupin
Ng mga dayuhang hindi ko kilala.
Ngunit andyan ka
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry (Tagalog)
PoetryAng mga tulang isusulat ko rito ay totoong mga likha. Ngunit akoy nagbibigay ng aking permiso kung ito'y inyong hihiramin basta't nakapangalan sa akin. (Ang echos ko diba! HAHA!)