"Sige langSandal ka lang
At wag mong pipigilan
Iiyak mo na ang lahat sa langit
Iiyak mo lang ang lahat sa akin"
-6cyclemind, Sandalan
Unang Kabanata
Kasabay ng paghampas ng hangin, nahulog ang mga tuyong dahon sa taas ng punong kinaroroonan namin ngayon. Nandito kami sa maliit na burol dito sa aming probinsiya, kasama ang aking mga kababata dito.
Sa ilalim ng puno, merong nakalatag na tela at doon, kami ay nakaupo. Tuwing bakasyon lang kami nagkikita kita kaya't nilulubos lubos na namin ang pagkakataong ito dahil ilang buwan nanaman kaming hindi magkikita. Malapit ang loob namin sa isat isa na kahut meron kaming ibang mga kaibigan sa mga lugar na tinitirahan namin ngayon ay mas gugustuhin parin naming umuwi dito sa probinsiyang kinalakihan namin at magkita kita.
Lima kaming lahat na nandito ngayon. Dalawang lalaki at tatlo kaming babae. Si Weng, isa sa mga babaeng kasama namin si Yong, isa naman sa mga lalaki at ako, si Keng, ay magpipindan.. Noong una ay kami kami lang ang magkakasama nang unang nakarating dito. Kalaunan ay nakasama namin sila Pips at Cas dahil naki sama na sila sa amin hanggang sa nakasanayan na at kahit umuuwi kami sa kaniyakaniya naming lugar ay nagkikitakita parin kami tuwing bakasyon.
"Mas masaya sana no? Kapag nandito pa siya" napatigil kami sa pagtawa sa sinabi ni Yong na may hawak na gitara. Napangiti na lamang kami at nag asaran nalang ulit upang makaiwas sa sensitibong paguusap. "Miss na kasi siya ni Yong kaya hinahanap hanap!" Asar ni Pips sa kaniya at timabol ang beatbox na inuupuan niya ngayon. Nagkakantahan kami sa tuwing pupuntabkami sa burol na ito. Nakasanayan na namin dahil lahat naman kami ay mahilig sa music. Si Yong ang nagpausong magdala ng instrumento kaya heto kami ngayon.
Ako at si Yong ay may hawak na gitara. Si Yong naman ay beatbox dahil hindi namin madadala yung drumset. Si Weng ay may dalang keyboard na maliit na parang laruan ng nakababatang kapatid niya at si Cas naman ang kumakanta. Para kaming isang banda. "Sandali Sali kaya tayo sa piyesta no? Tugtog tayo tapos may bayad tayo para may pang gas tayo sa sasakyan ni Pips at mag roadtrip tayo?" Bigla kong sabi.
Nagulat ako nang pumalakpak sila. "May matino pa palang lalabas diyan sa bunganga mo,Keng! Galing, galing!" Sabi ni Weng at tinapik tapik naman ako Ni Cas sabay pakita ng thumbs up.
"Gutom na ako" sabi ni Cas. Binuksan namin ang dala naming mga pagkain at kumain na. "Pustahan tayo, pagbalik natin mag aaway nanaman sila aling Beta at manong Pedro." Sabi ni Weng sabay kagat ng tinapay na dala namin. Si aling Beta at manong Pedro ay ang mga kapit bahay namin na may tindahan. "Sige matalo manlilibre at bibili ng hopia at softdrinks sa tinahan nila" sabi ni Pips sabay ngisi.
"GAME!" sabi naming lahat. Minadali naming bumaba sa burol at pumunta kila aling Beta. At totoo nga. Nag aaway sila. Tawang tawa kami ng tignan namin si Yong na nandidiri na agad. Sabi niya kasi hindi daw dahil noong kinuha niya yung mga pagkain sa bahay ay nakita na niya itong nag aaaway.
Binigyan namin siya ng daan at naglakad na siya ng dahan dahan. Pagtapak niya sa harap ng tindahan ay nagbilang kami hanggang tatlo. Kasabay ng tatlo ay may tumama sa kanyang mukha ang arinola ni aling beta sa may laman pang ihi niya mula kahapon. Halos magpa gulong gulong na kami sa kakatawa nung makita namin ang mukha niya!