My Fairytale

1.1K 17 3
                                    

 “hello po!sana po maging bida ako sa mga stories niyo,please :-)gusto ko kasing maranasan ung love kahit sa story man lang.haha salamat!hehe”

When I received this.. I was like..

Woah. Hindi pa naman ako sikat na otor pero.. Wow lang talaga. May nagpapagawa sa akin ng story? :””””””””””>

Sorry pala kung hindi ko nasundan lahat ng wish mo. Sarreh talaga! Nang sinabi mo kasing boyish, eto agad pumasok sa isip ko. Ayan, kahit hindi sakto sa love story mo, sana magustuhan mo pa rin! Don’t worry, mas maganda ung magiging love story in reality mo. Emm sure. :>

Okok, Ladies and Gentlemen, I am ChaChing_97 and I’m about to present my very first tagalog one-shot… MY FAIRYTALE.

My Fairytale 


 “Ayaa!”

“Ms.Nadine!”

“Sinong tumawag saakin ng ganun, ha? Sino?! Sinabing Andi e!” sabi ko sa mga barkada ko sabay patunog sa mga kamay ko at akmang susuntukin sila. Bakasyon kasi ngayon, nakakatakas kami sa kahirapan ng college kaya eto kami, gala. Magdodota tapos magbabasketball, Haha.

At Oo, ganyan ang pagkakakilala sa akin ng mga tao. Boyish. I usually wear black. Hindi ako girly. Barkada ko puro lalaki. Boyish nga kung titingnan.

Pero ang totoo..

Nagmamahal lang ako..

At syempre, kapag nagmahal ka, gusto mong makasama lagi yung mahal mo, diba?

Kaya ayun. Hindi naman talaga ako girly kaya tinuloy-tuloy ko na at nagpakaboyish ako. Naging barkada ko siya. Hindi kasi siya namamansin ng babae basta-basta kaya ayan. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig noh?

Just like many girls out there, I also dream for my prince charming to ride me in his white horse, for my knight-in shining armor to protect me from dragons.. I want a fairytale-like-love story.

Kahit alam kong hindi mangyayari yun..

Sino ba ako para sa kaniya? Isang hamak lang na barkada.

“Bakit? Aya Nadine naman talaga pangalan mo e. Maganda naman a”

Ayan na naman. Bakit ba kapag siya na yung nagsasalita, natatahimik na ako? Porket ba mahal ko siya, ganun na?

Ah.. Ako nga pala si Aya Nadine Forteza. 17 years old.

And, mas gusto kong tawaging, Andi. Nakasanayan ko na rin kasi. Nakakapagtaka nga lang kasi siya, tinatawag niya ako sa sa tunay kong pangalan, at hindi ako nagagalit.. syempre, mahal ko e.

Compiled Tagalog One-shots. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon