Nakaupo ako ngayon sa isang bench habang pinapanood si Edison at ang kanyang girlfriend na si Vanessa sa kabilang bench na sweet sa isa't isa. Parang kailan lang nung nagbreak sila dahil sa panloloko sa kanya ni Vanessa. Umiling ako. Hindi na nadala.
Ngumiwi ako ng halikan ni Vanessa si Edison sa pisngi. Parang may kumirot sa puso ko pero wala naman akong magagawa tsaka sanay naman na ako. Huminga ako ng malalim ng nagbell na. Nagpaalam na sila sa isa't isa at hinalikan uli ni Vanessa si Edison bago siya umalis. Kainis.
Lumingon na sakin si Edison at nakangiting naglakad palapit sakin. Tumayo na ako at inayos ang suot kong sumbrero. Napairap ako sa kawalan."Tara na parekoy! Baka malate pa tayo sa klase!" sabi niya sakin ng nakalapit na siya.
Nakasimangot akong tumango sa kanya.
"Oh bakit nakasimangot si Elieson?" natatawang tanong niya at inakbayan ako.
"Hindi mo ako nabilhan ng ice cream," inis ba sabi ko sa kanya.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom namin.
Nakita lang niya si Vanessa, nakalimutan na niya ako."Sorry. Huwag kang mag-alala bago tayo umuwi mamaya bibilhan kita ng ice cream. Kahit ilan pa ang gusto mo," sabi niya.
"Talaga? Kahit ilan?" nangingiting tanong ko sa kanya.
Tumango siya at ngumiti rin sakin. Naging ganado ako sa klase buong hapon. Excited na akong makasabay si Edison at kumain ng ice cream. Yun kasi ang bonding time namin simula nung bata pa kami.
Tinupad ni Edison ang sinabi niya. Dumaan kami sa isang ice cream parlor at bumili ng dalawang gallon. Sa bahay nila kami nagpasyang kumain ng ice cream.
Tawa kami ng tawa habang nanonood ng Phineas and Ferb.
Nakaupo kami sa carpet nila sa sala at magkatabing nakasandal sa sofa."Parekoy inaya ko si Van na magdate kami sa susunod na sabado.."
Napalingon ako kay Edison ng bigla siyang magsalita. Huminto ako sa pagkain at tinuon ang atensyon sa kanya.
"Oh eh ano naman ngayon?" tanong ko.
Bakit pa ba niya sinasabi sakin?
Anong gusto niyang sabihin ko sa kanya?
Congratulations?"Gusto ko sana na iba ngayon. Palagi na lang kasi kami nanonood ng sine at kumakain sa labas. Gusto ko sana ngayon isurprise siya. Yung tipong maiiyak siya sa sobrang saya. Alam mo yun..." nakangiting sabi na parang nag-iimagine pa ata.
Hindi ako nagsalita. Natulala lang ako sa nakangiti niyang mukha.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na natitingnan ko siya ng ganito ka lapit. Pero alam kong hanggang dun lang yun. Hindi na pwedeng lumagpas o humigit pa."Tutulungan mo naman ako diba parekoy?" nakangiting tanong niya sakin.
Napakurap ako at wala sa sariling tumango sa kanya.
Nagsimula siyang magkwento sa mga plano niya habang ako nanatiling nakatitig sa kanya.
Naiinggit ako kay Vanessa. Napakaswerte niya kay Edison.Mula bata pa kami may gusto na ako sa kanya. Lagi kaming magkasama at magkadamay sa lahat. Nandyan ako lagi sa tabi niya sa tuwing kailangan niya.
Bakit hindi niya ako napapansin?Pagkatapos namin kumain ng ice cream, nagpaalam na ako sa kanya at sa mommy niya. Hinatid ako ni Edison sa bahay kahit hindi na kailangan. Magkatabi lang naman ang bahay namin.
"Basta tutulungan mo ako parekoy ah?" sabi niya nung nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin.
"Oo basta ililibre mo ako," sagot ko.