Sketchpad(one shot)

248 9 6
                                    

Hi! ako po si Jeshel Monreal,17 years old. Fine Arts po ang kinuha kong course kasi mahilig po akong mag drawing.Ako po ay maganda pero maliit haha hindi po kasi ako ganun katangkad at yun lang po ang info na maibibigay ko sa ngayon.

“oh ano na naman ba yang iniisip mo Jesh?”tanong ni marsh sakin.

“iniisip ko lang kung kailan nya kaya ako mapapansin,masyado naman kasi siyang emo e” sagot kay Marsh.

Si Marsh po ay ang aking nag iisang classmate/bestfriend.At ang lagi ko pong iniisip ay ang aking crush nasi Kris Cruz napaka gwapo niya, misteryoso siya kasi emo po siya.Most of my classmate crush talaga siya pero kahit isa naman sa amin wala siyang pinapansin kasi nga emo siya.May sarili siyang mundo.Sana ako nalang ang maging mundo niya hehe… e kasi naman crush na crush ko talaga siya!.

Pumunta na kami ni Marsh sa soccer field para tumambay doon.Masarap kasi ang simoy ng hangin dun at isa pa sa pinaka dahilan ay dun naglalagi si Kris.Nakarating na kami sa soccer field, naupo na kami sa tambayan at mula dito kitang kita ko si future boyfie ko.Ayiee ang gwapo niya talaga yung tipong tinititigan ko palang siya pero sobra na ang kilig ko what more kung magka usap kami? Heaven na siguro yun para sakin.

“Jesh kumurap ka naman paminsan minsan, baka maduling ka niyan!” tsk istorbo talaga tong si Marsh.

“Marsh ok lang maduling kung siya naman ang dahilan” sagot ko sa kanya.

Hindi ko siya nililingon habang nag- uusap kami dahil kay Boyfie lang naman ako nakatingin ang ganda nya kayang view.

“Iwan ko sayo Jesh! umaasa ka jan sa emo na yan,kahit kailan hindi ka naman mapapansin niyan e,kasi nga po emo siya,may sariling mundo”nakakainis talaga to.Bakit hindi niya nalang ako suportahan?.Yung totoo bestfriend ko ba talaga to?tsk parang hindi naman e.

“Darating din ang panahon na ako na ang magiging mundo niya,kaya pwede ba marsh suportahan mo naman ako?” reklamo ko sa kanya.

Natigil kami sa bangayan namin ni Marsh ng nakita kong natamaan ng bola ng soccer si Kris kaya dahil mahal na mahal na mahal ko siya kaya to the rescue agad ako.OMG! baka masira ang mukha niya!.

“Marsh akin na ang bato dahil ililigtas ko ang taong mahal ko!” sabi ko aktong tatakbo na papunta kay boyfie.

Hinagis na ng bestfriend ko ang imaginary stone haha kaya dahil nasalo ko na ang bato nilunok ko na agad.

“ Darna!! hintayin mo ako boyfie paparating na ako” tumakbo na ako papunta sa kanya.

Marami na ang mga lalaking nakapalibot sa kanya dahil sila naman ang may kasalanan ng lahat damn! gusto ko nga silang sigawan dahil baka masira ang mukha ng pinakamamahal ko.Pinalibutan nila si boyfie kaya agad akong pumunta sa gitna at umiksina na.Artista ako e.

“hoy!umalis na kayo! Sho…sho! ako ng bahala sa kanya,tuloy nyo lang yung laro ninyu” sabi ko at tinaboy na sila.

“pero-“magsasalita na sana yung may sala pero hindi ko na siya hinayaan.

“wag kang magsalita dahil baka mahilo siya lalo sa hininga mo kaya shoo..na kayo!” taboy ko sa kanila ulit.

Umalis na sila buti naman at ako nalang ang naiwan dito ahaha yes time ko na’to para magpasikat.Lumapit na ako sa kanya agad at hinawakan ko ang noo niya na natamaan ng bola.Wow ang lambot naman ng skin niya alagang silka haha.

 “are you ok?boyfie? ah..i mean are you ok Kris?” Tsk muntik na ako dun ah.Mabuti nalang at nakabawi ako.

“ah…ye.. yes,don’t mind me,I can manage myself”sabi niya at inalis ang kamay ko sa noo niya tsk sungit naman.

SketchpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon