Chapter VI - Getting to know each other

130 3 2
                                    

    Chapter VI - Getting to know each other

Ay! natapos din ang parade, grabe ang init at kapagod maglakad.

San na kaya nagpunta si Jello, First day kasi ng intrams ngayon kaya may parade.

Nakakatamad nga ehh, kung hindi lang mag aattendance hindi na ko papasok.

Lage kasing Attendance is a must, sa bagay baka pag hindi nila ni required ang attendance wala ng umatend ng Intrams hehehe.

Papunta ako ngayon sa Canteen, nauhaw ako eh saka gutom na din ako nakakapagod kaya maglakad no tapos ang init init pa.

" Isa nga pong Zesto at Chiffon Cake " sabi ko sa tindera sa canteen inabot ko na rin yung bayad ko at kinuha yung pagkain

Hmm.. naghahanap ako ng upuan ngayon, medyo dami din kasi tao sa canteen wala kasing klase ehh kaya no space.

Napatingin ako dun sa gawing dulo, andun si Jello at kasama si Ken wow ayos ahh .. close na sila.

At syempre dahil sa wala na kong maupuan lumapit na ko sa kanilang dalawa.

" Hi, Oy Jello andyan ka pala kanina pa kita hinahanap yun pala andito ka lang " Sabi ko kay Jello sabay upo sa isang upuan dun

" Hehehe, pasensya na Ley hinila kase ako nitong si Ken eh, kasi di ba yung sa activity natin " sagot naman nya sakin.

" Di ba partner kayo ni Cee gee bakit hindi kayo magkasama? pano nyo matatapos yung activity natin? " Tanong naman ni Ken

" Ahh oo nga, hindi ko kasi alam kung nasan sya, saka ang sungit at suplado naman nun eh " sagot ko naman

" Hahahaha mabait naman yun, ganon lang talaga yun, makikilala mo rin sya andun sya sa may rooftop dun lang yun tumatambay puntahan mo na " Sabi naman ni Ken

" aahh, ehh .. sige salamat " yun na lang ang nasabi ko at umalis na

Bago ako pumunta sa rooftop bumili muna ko ng isa pang pagkain, baka kasi di pa rin kumakain yun eh. Syempre mabait pa rin naman ako kahit hindi kami close.

** SA ROOFTOP **

Pagod na pagod siguro 'tong lalake na to, natutulog na naman eh dito pa dayo.

Umupo ako malapit sa kanya, mukha namang hindi ako ramdam nito kasi ganon pa rin position nya.

Kinain ko na lang yung pagkain ko, tapos napatingin ako sa kanya.

Hmm.. mukhang mabait naman pala to pag tulog hehehe..

Alam nyo ba yung feeling na ang gaan ng loob nyo sa isang tao kahit di nyo naman sya gaanong kakilala.

Kasi parang ganon yung pakiramdam ko sa kanya ngayon.

ewan ko kung bakit, eh ang suplado at sungit naman nya.

" Baka matunaw ako nyan " Biglang sabi nya

" ha? ahmm .. sorry " nahihiya kong sabi, nakakhiya naman yun nakita nya kong pinagmamasdan ko sya!

" ok lang, Kanina ka pa ba? " Tanong naman nya. Himala biglang bait ata nito.

" ah, di naman masyado, o eto o " inabot ko yung binili kong pagkain, para naman talaga sa kanya yun.

" Talagang bumili ka pa talaga ng pagkain, anway thanks " sabi naman nya at kinuha yung pagkain, gutom nga siguro to

" Sorry nga pala last time " sabi nya ulit

" Ah, ayos lang yun, si Jello kasi eh tinulak tulak pa ko. Wala na yun sakin " sabi ko naman

" ahmm, so about dun sa activity, so dapat pala magkasama tayo palagi para magawa natin yun, ayos lang ba sa'yo yun? " Tanong nya

Online Boyfriend <3 (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon