Yema

14 0 0
                                    

                                                                       -Jake-

First day of school nang makita kita. Sobrang dami ng iniisip ko that time. Una, Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sobrang init na temperatura ng room na pinasukan ko dagdag pa ang mainit na kulay dilaw na uniporme na kasingkulay ng yema na kinakain ko. Padalawa,wala akong dalang papel at ballpen kasi sabi ni Mama first day pa lang naman kaya mglilinis lang ng school so wala akong dalang gamit.

Tapos ikaw ang patatlo,paano mo nakuhang ngumiti sa akin ng ganyan. Putcha ka naman e, gulo na nga ang isipan ko ginulo mo pa ng sobra. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang kilig e. At talagang nakuha mo pang humingi ng yema. Naku!

Binigyan naman kita diba? Kaso anong sabi mo? Sabi mo baka matamis kaya huwag na lang. Maganda ka pero ang bobo mo.Pero crush pa din kita na hinayupak ka.

Tumagal ang unang taon natin sa highschool pero kaunti lang ang ating naging usapan. Minsan mag-uusap tayo kasi may kailangan ka minsan naman ay may kailangan ako. Minsan nga mema pa e. Nakaksama at nakakatabi kita kapag may groupings,kapag nasa unahan tayong lahat at pinatayo ng teacher. Ako naman ang pumipilit na sumiksik para makatabi ka lang. Naku kung hindi lang talaga kita kras!

Saglit. Ilang beses na ba akong nagtampo at nagalit sa'yo ng hindi mo sinusuyo? Putcha. Napagdaig ko pa ang babaeng hibang sa kanyang kras e. Yung tipong magagalit sa kras nya pero hindi pa nagtatapos ang gabi sya na din ang nanuyo. Kingina.

Aaminin ko na sana sayo ang nararamdaman ko pero putang ina maglalakad na sana ako noon papalapit sa'yo pero biglang bumulong sa akin ang katabi ko. "Alam mo bagay talaga si Jackielyn at Marvin,ang alam ko nga manliligaw si Marvin kay Jackielyn e"

So ako naman,tinago ko na lang. Wala e,kaibigan ko ang manliligaw sayo. Mag-away pa kami nun. Pero alam mo Jackielyn nakatago pa sa aking bag ang hinawakan mong yema.

Kwentong Pag-ibig ng Hindi Gwapong AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon