Gatorade

17 0 0
                                    

Araw ng lunes.

Malaki ang ngiti ko kasi alam kong may practice ka ngayon. Maaabot ko na sa'yo ang simpleng regalo na inihanda ko kahapon,araw ng linggo.
Naalala ko kasi ang isa sa mga kaibigan ko na nag-post ng picture sa ig nya ng isang gatorade na may notes sa taklob ng bote.
Ginaya ko yun pakner para sayo kasi alam kong pagod ka na. Pagod ka na sa bahay kasi sabi mo ang dami mong inaasikaso.Pagod ka na sa school kasi sa sobrang daming schoolworks at dumagdag pa ang practice mo para sa Cluster Meet.
Pakner, alam mo ba na nakahanda na sa bag ko ang gatorade na binili ko pa sa tindahan na may layong 500 metro.
Nahihiya akong ibigay sa'yo kaya inusap ko ang trusted friend ko na iabot sayo,kaso lumiban naman si trusted friend. So natapos ang araw na nakatengga lang sa bag ko ang gatorade na para sa'yo.

Araw ng Martes.

Wala kang practice habang ako naman ay tinawag para sa isang meeting. Nalaman ko na isa ako sa mga ilalaban ng school sa isang interpretative dance. Pakner,makikita na kita tuwing nagpapractice ka.
Ngayong araw na ito ang simula ng practice namin. Pakner,napapagod ako bigyan mo naman ako ng towel at tubig. hehe. Wala ka palang pakialam sa'kin Pakner.
Natapos ang araw na hindi ko pa din naaabot ang gatorade na para sa'yo.

Pagkadating ko sa bahay,inilabas ko ang gatorade na para sa'yo at kinausap.
"Kailan kaya kita maibibigay kay Pakner? Nahihiya ako e. Baka bukas tutal may practice naman sya"

Araw ng Miyerkules.

Parehas tayong may practice kaso nalaman ko na sa field kayo maglalaro habang kami naman ay sa loob ng social hall magpa-practice. Pakner,yung gatorade mo inaantay ka na sa loob ng bag ko. Pasok ka na sa bag ko para iuwi na din kita. Hmmm
Sinabihan ko ang trusted friend ko na kuhanin na ang gatorade na para sa'yo kaso bigla namang sumakit ang tiyan nya kaya sinabihan ko na 'wag na lang muna.
So natapos na ulit ang araw na hindi ko pa din naibibigay.

Araw ng Huwebes.

Pakner may practice ulit kami. Manuod ka naman para alam mo na ang galing ko. Hehe.
Sinabihan ko ang sarili ko na laksan ang aking loob para maibigay ang gatorade sa'yo na nakatengga sa loob ng bag ko.
Kaso hindi pa din ako nagkaroon ng lakas  ng loob sa halip ay natapos ang araw na nakatigil lang sa loob ng bag ang gatorade na para sa'yo.

Araw ng biyernes,araw ng laban mo. This is it Pancit! Pinagplanuhan namin ni trusted friend ng ayos ang lahat para maibigay ang gatorade para sa'yo.
Kaso gaya nung lunes lumiban din si trusted friend. Nakaalis na kayo pakner at naiwan ang gatorade sa bag ko.
So naisipan ko na inumin ko na lang ang gatorade na para sayo.
Patago kong ininom ang gatorade kasabay ang pagpatak ng mga luha ko. Nakakapagsisi.
Pakner kung mababasa mo man 'to.
I LOVE YOU PAKNER!

-Your love.

Kwentong Pag-ibig ng Hindi Gwapong AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon