Hi, ako nga pala si Freya Cruz o mas kilala bilang sa palayaw kong si Eya. Simple lang pamumuhay namin, kasama ko sa bahay ang papa ko tsaka si lola. Si papa bilang tricyle driver habang yung lola ko naman nag titinda ng gulay sa palengke. Yung mama ko? Hindi ko alam kung nasan, hindi kasi sila mag kwento eh, pero sabi daw nang lola ko bata palang ako, iniwan na nya ako. Saklap diba? Hay naku, itigil na muna natin tong ka dramahan sa buhay ko, first day of school ngayon at maaga akong gumising dahil sino ba naman ang hindi excited? nga pala, 4th year na ako ngayung pasukan..
Tatay: Anak, magandang umaga.
Eya: Magandang umaga rin ho tay, aga nyo gumising ah, nong meron po?
Tatay: Anong anong meron ka jan, unang araw ngayon ng pasukan mo, syempre ako maghahatid sa iyo sa school nyo.
Eya: Asuuuus, sweet naman. Kaya ko naman ho maglakad eh, lapit lang kaya ng school.
Tatay: Basta ihahatid kita, sge na kumain kana baka ma late ka pa.
Eya: Si lola po tay?
Tatay: Ayun, agang umalis din. Alam mo naman lola mo, daming suki. Sge na bilisan mo na.
Eya: Alam mo tay, parang ikaw pa yata ang mas excited sakin eh. Relax lang.
Tatay: Eh pano ako di ma eexcite, 4th year kana tapos ga graduate ka na ng highschool tapos mag ka college kana...
Eya: Tay, huwag ko kayong mag alala, kapag nakatapos napo ako sa pag aaral, sisiguraduhin ko nga bibilhin ko kayo ni lola ng malaking malaking bahay, at libo libong tricyle. Hahahaha
Tatay: Ikaw talaga, kahit anong mangyari, lagi mong tatandaan na nandito lang ako, laging sumuporta sa iyo.
Eya: Salamat po.
Tatay: Oh sge bilisan mo na sa pag kain, dito lang ako sa labas ha aayusin ko muna tong tricyle ko.
Eya: Okay po.
BINABASA MO ANG
Tadhana
RandomLumaking walang ina si Eya, ano naman ang mangyayari kapag malaman nya ang katotohanan tungkol sa kanyang ina? At sino2 ang mga makaka away nya rito? Oh di kaya, makahanap siya ng pag ibig?