Jessa
"K-ken! please tama na! d-di ko na kaya" humahagulgol kong pagmamakaawa sa asawa ko
" Anong tama na?! Tangina Jessa! nalingat lang ako sandali may nilalandi ka na agad!" sigaw nya at muli akong sinipa...namamanhid na ang katawan ko.... hindi ko na kaya.
" S-sabi ko naman sayo diba, nagtanong lang ng daan sakin yung lalaki" pagpapaliwanag ko, pero tila isa siyang bingi at patuloy sa pagsampal sakin.
Ramdam na ramdam ko ang paghapdi ng mga pisngi ko sa bawat pag hataw ng mga matitipuno niyang kamay.
"At sinong niloko mo, ha?! ganyan ka na ba kakati?" napayuko na lamang ako sa mga pinagsasabi niya sakin na alam ko sa sarili kong hindi totoo.
Nahihirapan na akong huminga ngunit nagulat ako ng hatakin nya ako papasok sa kwarto namin.... halo halo ang nararamdaman ko ngayon...takot, kaba, lungkot, ang higpit na pagkakahawak nya sakin at ang mga mata nya....parang nagliliyab sa sobrang galit.
" A-anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong nang bigla nya akong kubabawan.
" Don't play like a victim Jessa...alam kong ito ang gusto mo" naka ngising parang isang demonyo si Ken ngayon.... di ko na sya makilala, hindi sya ang Ken na nakilala ko noon...
" Ken please parang awa mo na... patayin mo nalang ako kung ganito lang din ang gagawin mo sakin" kahit nanginginig sa takot ay lakas loob kong sinabi yun sakanya. Ngunit di parin sya tumigil, sa halip ay pinunit nya ang mga saplot ko
" Tama na!!!" sigaw ko pero wala siyang pakialam. Pilit kong tinatakpan ang hubad kong katawan pero sinampal nya lang ako, kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang babuyin ako, pagsawaan ng paulit ulit hanggang sa sya na ang kusang sumuko...
Alas kwatro na ng madaling araw at masakit ang katawan ,ko, pero pinilit kong bumangon at dahan dahang hinagilap ang mga damit ko. Kailangan ko pa siyang lutuan ng almusal.
Ang martir ko ba? Mahal ko eh, lahat naman tayo nagiging tanga at martir pagdating sa pag ibig...
BINABASA MO ANG
The Battered Wife
RomanceMahal na mahal kita Ken, to the point na kaya kong ibigay lahat...kahit buhay ko pa ang kapalit....