JEZIE
Kakauwi lang namin galing dun sa Vikings. Si Ethan umuwi ng malinis ako umuwi ng dugyot. Kasi nga diba natapunan ako ng Ice Cream?
Napaka Sama talaga nung Allyton nayon. Simula pa talaga nung High School kami ay maiinit na talaga ang dugo nya sakin. Kahit nung di nya pa alam na may gusto sakin si Leander ay galit na sya sakin pero di nya lang pinapahalata.
Naging kaibigan ko sya non pero ang lahat ng yon ay kasinungalingan lang pala. Pinaplastik nya lang pala ako non. Simula kasi nung magka gusto sya kay Leander ay lumalapit sya sakin pero nung nalaman nyang may gusto sakin si Leander ay dun na lumabas ang tunay nyang ugali.
Lagi nya akong sinisiraan sa buong Campus. Kahit walang maniwala sa kanya ay patuloy padin sya sa paninira sakin. Di sya nag sasawa hanggang sa dumating yung araw na muntik na syang mapatalsik sa Campus namin dahil sa pinang gagawa at sinasabi nya.
Isa kasi akong SSG Officer noon pero di na ngayon. *malamang college nako eh* Kaya kung sino man ang may balak na kumalaban sakin ay mapapatalsik. Di sa pinag mamalaki ko na isa akong SSG Officer. Di ko naman talaga gusto yun ehh. Si Ethan ang may gusto non.
Sila ang may ari ng School nayon. Pero pansin ko. Sa bawat School na papasukan ko ay naroroon sya. Sya ang may ari. Kahit iba ang pangalan ay sinasabi nyang kanyang paaralan yon.
At yun na nga. Umakyat nako pagkatapos kong uminom ng tubig. Aakyat na sana ako ng makita ko si Ethan sa labas ng pinto. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.
"Uhh, Ethan?" Sabi ko at kinalbit sya. Napalingon naman sya at kinunotan ako ng noo.
"Go to bed and sleep." Maawturidad nyang sabi pero umiling ako. Aakyat lang kasi ako sa twing aakyat sya at kung nasa taas na sya. Kasi natatakot ako pag walang tao ehh.
"Sabay na tayong umakyat. Takot ako ehh." Sabi ko sa kanya at nag puppy eyes. Hehe ganon dapat kapag mag makaawa. HAHAHA
Hinila nya ang kamay ko at sabay kaming umakyat sa taas. Medyo naiilang parin ako kasi sobrang dikit nya sakin kaya lumalayo-layo ako sa kanya.
"Go to your room and slee---" di ko sya pinatapos mag salita ng sumabat ako.
"Tabi tayo. Natatakot ako ihhh *puppy eyes*" sabi ko at nag puppy eyes. Nakita kong napairap sya sa hangin at hinila ako papuntang kwarto nya.
Ng makapasok kami ay agad syang humiga at pumikit. Ako naman ay dumeretso sa banyo at nag halfbath.
Ng matapos ako ay agad kong sinuot yung damit ko dito na nakasampay. Pero bago sinuot ay inamoy ko muna.
Ang bango mga bessy! Nilabhan nya siguro to? Kasi ganito yung amoy ng Fabric Conditioner nya na nandito sa loob ng CR nya ehh.
Ng maisuot ko na iyon ay lumabas na ako. Nag suklay muna ako ng buhok para di sya bumuhaghag pagka gising ko. Mahirap na baka maasar nanaman ako netong ugok nato.
Ng matapos nakong mag suklay ay tumabi na ako sa kanyang humiga at niyakap sya. Nakita kong napadilat sya ng mata kaya't nginitian ko nalang sya.
Niyakap nya naman ako pabalik at pumikit.
Nakakaantok amoy nya. Nakakahilo kasi sa sobrang tapang. Pero inaantok na talaga ako.
Unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata at sumarado na nga ito.
Good Night! 💤
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
Salamat sa pag babasa. ♡
Please Vote, Gomabda. ♡
Sorry for Typo's and Wrong Grammar. ^_^
BINABASA MO ANG
My Husband is a Secret Mafia/Vampire Boss
Mystery / ThrillerWhat if may Asawa kana sa edad mong 13? At ang lalaking asawa mo ay isang, bampira?! Kung sa tingin nyo ay sa isang Fantasy Book lang nangyayari ito, doon kayo nagkakamali dahil sa buhay ko, nangyayari iyon! Ako si Jezie, isang babaeng pinagkasund...