PARANOIA STORY

588 10 0
                                    

BABALA: Ang babasaing ito ay rated SPG! READ AT YOUR OWN RISK :D

People with paranoia have a decreased ability to function in normal life, when paranoia gets extremely bad it turns into a delusion of persecution and pretty much eliminates the ability to function in normal life.

Quezon City, ika 13 ng Nobyembre Taong 1999. Ang naaalala ko noo y nakasakay ako sa bus na ordinary papuntang Fairview at pauwi na ako sa gabing iyon. Hindi ko pa naranasan ang matulog ng ganun sa bus pera lang sa pagkakataong iyon na pagod na pagod na ako galing sa trabaho. Bukas ang bintana sa aking gilid. Lalong nadaragdagan ang aking antok gawa ng malamig na hanging may halimuyak pa na galing sa naglalakihang puno at damuhan sa gilid ng malawak na daan ng Commonwealth.

Kalahating tulog at kalahating gising ako sa mga panahong iyon. Alam kong nagraragasang tumakbo sa bilis ang sasakyan at malakas ang hanging nanggagaling sa labas sa kabila ng aking pagka-idlip. Nawala na ng kaunti ang polusyon sapagkat madilim na t kakaunti na lamang ang mga sasakyan sa daan. Tinapik ako ng konduktor para gisingin.

Bababa ka na di ba? ang sabi ng konduktor sa akin. Nabigla naman ako kaya t tumayo agad at tumingin sa labas. Walang tao sa bus maliban sa dalawang magasawang nakasakay, ang driver ng bus at ang konduktor. Malamig na ang hangin at pawang napakalungkot ng paligid. Tuwing nakakarating ako sa babaan, natutuwa ako sa galak dahil makakapagpahinga na ako pero sa pagkakataong ito, nakapagpahinga ako ng lubos kahit na napaidlip lang ako sa bus. Papasok na ako sa subdivision namin. As usual, tulog na rin ang mga gwardyang nagbabant ay sa Gate.

Dito ako nakatira sa isang cheap na subdivision. Nakakadepress dito sa ganitong oras dahil halos wala kang makikitang tao sa daan. Madaling araw na kasi sa mga oras na yun. Ginagawang parking space ang daan sa loob ng subdivision kaya t halos wala ka na ring madaanan kung ikaw man ay may sasakyan. Karamihan sa mga gustong tumira dito ay mga Koreano na naninirahan sa Quezon City.

Iba t ibang klaseng tao ang nakatira dito, karamihan sa kanila y mayayaman at mga nagpapanggap na mayaman. Wala silang pakialam sa isa t isa. Napadaan na rin ako sa wakas sa compound namin. May malaking parking space dito kung saan nagpupulong na naman ang mga asong abandonado para

mag-orgy. Nakakainis minsan dahil sila y nag-iingay tuwing lumulubog ang araw at nagkakalat sa daan. Para silang nau-ulol kapag dumadating ang panahong ito.

Papunta sa amin ay may makitid na iskinita na kung saan ay matatanaw mo agad habang ikaw ay naglalakad dito ang gate ng bahay sa tabi namin. Diretsuhin mo ito y bahay ng aming kapitbahay, sa kanan

naman ay ang gate ng maliit na townhouse na aming inuupahan. Hindi kami nakikipag kaibigan sa mga nagiging kapitbahay naming pero kilala namin sila sa dahilang madalas silang mag-away at rinig hanggang sa dulo ng aming bahay ang pinagaawayan nila. Sa unang tingin ay parang sapat na iyon para makilala ang iyong kapitbahay. Kasama ko ang dalawa sa mga kaibigan ko sa kolehiyo at inuupa lang naming ang townhouse sa tabi nila. Mag ta-tatlong buwan pa lang kami dito at ilang buwan lang ay lilipat na naman kami.

.

Mababa lang ang pader sa gate namin at mababa rin ang pader na humahati sa lote ng townhouse at ang bahay ng kapitbahay namin, ngunit ang gate nila y mas mataas pa sa akin. Pumasok ako ng dahan dahan sa gate namin para di ko na magising pa ang mga natutulog kahit na pansin kong bukas ang mga ilaw sa aming kapitbahay. Nakapasok na ako matapos buksan ang lock ng pinto namin.

Inabutan ko si Rocco sa sala na pinapatay ang computer ko. Si Rocco ang isa sa dalawang kasama ko sa

townhouse. Kaibigan ko siya simula pa noong high school kaya naisipan naming magkakaibigang magshare na lamang ng tinitirhang bahay at hati hati na lang sa bayad. Kasama ko na sila simula pa noong nagaaral pa ako. Ilang beses na rin kaming lumipat lipat ng tirahan. Tumira na kami sa apartment, condo at ngayon namay townhouse.

PARANOIA STORYWhere stories live. Discover now