Chapter 8

1.2K 52 0
                                    

9 am ng umalis na ang sinasakyan naming bus sa Mon Cher Resort. Imma miss that resort, babalik ako dun. Maganda kasi talaga dun, you'll feel relax and enjoy.

Habang nasa byahe kami ay wala namang tigil ang kwento ni khalid ng kung ano ano.

"Tapos alam mo ba My pig nahulog siya tapos hahahaha" Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya, pero seriously naiirita na ako sa kanya.

"Shut up! Kanina kapa daldal ng daldal diyan." Inis na sabi ko at inirapan siya.

"Whooo, meron ka?" Ngising tanong nito kaya binatukan ko nalang. Agad siyang tumawa at tinaas ang kamay hudyat na tatahimik na siya.

"Anyway, my grandma will be back today and she want to throw a party for welcoming her."

"What time?"

"6 pm. And you need to be there."

"Of course."

Agad kong hinilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi na bago si khalid sa kanila, they know that khalid is my bestfriend kaya lahat ng occasions ay hindi talaga nawawala si khalid.

Napakunot ang noo ko ng biglang tumigil ang bus na sinasakyan namin. As a president, agad akong tumayo at lumapit sa driver.

"Manong what happened?" I asked

"Ma'am nasiraan po tayo."

"WHAT?!" Sigaw ko, agad din pumunta si khalid sa kinaruruonan ko.

"Anong nangyari?" Khalid asked

"Nasiraan po sir." Driver answered.

"Anong gagawin natin khalid? Halos lahat ng bus ay nauna na sa atin."

"Manong kaya mo bang ayusin ang aberya?" Khalid asked.

"Opo sir, pero mukhang matatagalan pa."

Oh damn! Hindi pwede to! I need to prepare for my grandma's party!

"Miss president! Mukhang may isa pang nahuhuli sa atin na bus!" Agad akong napatingin kay May. At tama nga ang sinabi niya, may isa pang bus na paparating.

Inutusan ko si may na parahin ang bus. Agad din naman akong lumabas. Huminto ang bus at bumaba ang kasama ng driver.

"Ma'am ano pong nangyari?"

"Manong may extra seats pa po ba? Nasiraan po kasi ang bus na sinasakyan namin e."

"Opo ma'am."

"Sige po, kukunin lang po namin ang mga gamit namin." Sabi ko at pumasok na sa bus na nasiraan.

"Guys, lumipat nalang kayo sa kabilang bus." Tumango sila at lumabas na para lumipat sa panibagong bus. 'Yong alam mo namang maganda at iba sa lahat 'yong sinasakyan na bus 'yon pala nauna pang masira, funny isn't? Agad kong kinuha ang mga gamit ko at gamit ni khalid.

"Khalid your things." Tumingin si khalid sa akin at nagmadaling kinuha ang mga gamit niya, kukunin niya din sana yung akin ng inilayo ko iyon.

"I can handle this khalid. By the way, lilipat na tayo ng bus."

"Okay, manong will be fine here dahil tumawag na ako sa admin ng school at may dadating nadin ng tulong sa kanya."

"Okay let's go." Nang makaakyat ako sa panibagong bus ay agad akong naestatwa.

I smiled. Basketball bus, kung sweniswerte ka nga naman oh.

"My pig?" I snapped when khalid called me.

"H-Ha?"

"Bakit huminto ka? Is there something wrong?"

"Wala naman." Sabi ko at humanap ng mauupuan.

A Girl Named Fatty (Sebastian Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon