A Bet.
- - -"OF "OF course I'm always ready, Tita. We'll wait for you here. Bye!"
I removed the bluetooth earbud in my ear. Pinatay ko muna ang aircon sa loob ng sasakyan saka binaba ang bintana. Bumusina ako nang ihinto ko ang sasakyan sa tapat ng hotel. Mabilis akong nilapitan ni Silas na saktong kalalabas lang ng hotel.
"Magandang umaga, Ma'am Clari," masiglang bati niya nang huminto siya sa gilid ng sasakyan ko.
"Good morning too," tipid kong ngiti sa kanya bago ako lumabas, sukbit ang pulang sports bag na laman ng mga personal kong gamit. Inabot ko ang susi ng sasakyan kay Silas pagbaba ko. "Nandyan na ba sila Manang?"
"Opo, Ms. Clari. Nasa kusina po si Manang ngayon, naghahanda ng almusal para sa mga bisita n'yo."
Tumango-tango ako. "Pakidala na lang 'yang sasakyan sa parking lot. Mamayang 9:00 am, pakisundo si Raki sa mansyon."
"Sige po, Ms. Clari."
Sabado ngayon kaya walang klase si Raki. Kampante rin akong hindi gagala ang isang 'yon dahil ngayon ang dating nila Tita Roma at Tito Gavin sa resort. I knew Raki, she doesn't want to miss this kind of chance.
Naiwan ako sa tapat ng hotel nang paandarin na ni Silas ang sasakyan para igarahe. Naglakad na ako papasok ng hotel.
Sumulyap ako sa relo ko at nakitang 6:15 pa lang ng umaga pero marami-rami na ang nakikita kong guest na labas-masok sa hotel.
"Buongiorno signorina." (good morning, miss) anang Italyanong guest na sumabay sa'king pumasok nang bumukas ang automatic sliding door.
"Good morning, too," ganting bati ko.
"Che bella signora!" (what a beautiful lady!") pahayag nito bago ito lumiko patungong ground elevator.
Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon. Dumiretso ako sa front desk kung saan naroon si Dean at dalawang receptionist.
"How's the room reservation, Dean?" bungad ko nang makalapit ako sa front desk.
"As of 3:00 pm yesterday, fully-booked na po ang 230 rooms natin, including the presidential suites."
"That's nice to hear. We're expecting guests to arrive next week. Make sure na nai-brief mo silang mabuti sa mga dapat nilang gawin. I hope to get positive feedback from our VIPs, special guests, and even our regular guests. I want everyone to make our guests at Casa de Gallego feel happy and that their time and money spent here is worth it.
"Huwag kayong mag-alala, Ms. Clari, lagi po akong naka-monitor sa kanila. Sinisiguro po namin na maayos ang serbisyo namin sa mga guests from their arrival up to their personal requests. We are making sure to give them a best service."
I smiled warmly. "Well done, Dean. Keep up the great work with your team, and I'll make sure you all get bonuses from me at the end of the season."
Umakyat na ako sa opisina pagkatapos kong makipag-usap kay Dean. I checked the digital clock on my table. It's already 7:00 am.
Binuksan ko ang macbook na nasa ibabaw ng table ko. Nakatanggap ako ng message nang makapag-login ako sa Hangouts ko. Galing iyon kay Aina.
ania_Iamsexy: CC, wer r u?
I typed a response. "Here at resort. How about you? Anong meron at nag-message ka sa'kin?"
She's typing a message.
ania_Iamsexy: hir at Tita Maru's coffee shop. I jst want u to knw dat we've jst got 'd plants she ordered yesterday.
"Alright. Good to hear. Iyan lang ba sasabihin mo?"
BINABASA MO ANG
A Setback Beauty
Romance"Just one 'I love you', and I'll fight for you..." As CC slowly let her guard down, she just woke up one day that she starts chasing a stranger. She's not used of being the second best but she settled for it....for him, subalit kaya niya bang isakri...