PINAGTAGPO PERO HINDI ITINADHANA

121 21 106
                                    


[ Pinagtagpo pero hindi Itinadhana (may matatawag kayang tayo?) - lukyunghanxxx ]


• Plagiarism is Crime! •

" Bakit ganito? Ang tagal kong hinintay 'to.. may matatawag kayang tayo? " - Hailey Grayson

×××××

Hailey Grayson

"We love you Andrew!! "

"Mary me labs!!! "

"Anakan mo ako Andrew ko! "

"Baby, I'm here na!! "

Aish! Ang i-ingay nila, ano kayang nangyayari? Sumilip ako sa kumpulan ng mga tao, nakita kong may isang lalaki sa harap ng gate at pinapalibutan s'ya ng maraming babae. Tss, sino ba 'yan?

Akala mo naman artista yung tao kung pagkaguluhan nila.

Hindi ko na lang pinansin yung kaguluhan at dire-diretsong pumasok sa school, nakaharang sila sa daan, ka-bwiset! Nakipagsiksikan pa ako para lang makapasok.

"Excuse me po, " pilit akong sumiksik sa grupo ng mga kababaihan na nagtata-talon at nagtitilian.

"Ano ba?! Umalis ka nga d'yan!" Rinig kong sigaw ng isang babae galing sa likudan ko, at naramdaman ko na may malakas na pwersa ang tumulak sa akin.

Awww.. nyeta.

"Aray! " napasubsob ako sa semento dahil sa lakas ng impact. "'Di naman inaano sana, nanunulak. " bulong ko bago umirap.

Mas lalo akong namilipit sa sakit ng maramdaman ko ang pag-apak nila sa likod ko. Aray! WAAHHH! Stampid!

"Buti nga sa 'yo " rinig ko ang pagtawa ng isang babae bago inapakan pa ang likod ko. "Paharang-harang kasi! " Aray ko po!

"Aahhh! " daing ko, nang hindi ko na maramdaman ang paa n'ya sa likod ko agad akong gumapang paalis doon hanggang sa makalabas na ako sa kumpulan ng mga basurang babae.

Pero mali pala ako ng daan.. sa gitna lang ako napunta kung saan nandoon ang pinagkakaguluhan nila.

Oh Lord! Help me!

"Wan'na have some help?" Napa-angat ako ng tingin dahil may boses lalaking nagsalita. Nakita ko ang isang kamay na nasa harapan ko.

"Hey?" Napakurap ako ng mata ng magsalita ulit s'ya, shocks! Na-star struck ata ako dahil sa itsura n'ya.

Only God knows kung gaano s'ya ka-gwapo!

"A-ah.. eh... of course - I mean yes, ah este, uhm.. " napakagat labi na lang ako dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. WAAHHH!

Hailey ang tanga mo!

"Hahaha, it's alright. Don't be shy, " grabe ang manly ng tawa n'ya. Nakaka-inlove. Tinulungan n'ya akong makatayo at napansin ko ding nakatingin na ang lahat sa amin.

Pinagtagpo pero hindi Itinadhana (may matatawag kayang Tayo?) [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon