HASHLY POV
Hinihingal ako na sumalampak sa isang bench sa clubhouse ng subdivision namin.Kinuha ko ang tubig na dala ni Atasha at nilagok ito.
"Hash masyado ka talagang seryoso sa pag sali sa Ms. Intramurals?" tanong ni Atasha sakin na naka tutok sa phone niya ngayon.
"Yes why not?May masama ba dun?" nagtataray ko na tanong sakanya.I know it hindi sila makapaniwala na ang isang Hashly Mikaela Hermosa ay sasali sa isang contest na kung saan puro pagandahan at bihira lang ang may utak.
"You're not in to beauty contest right?" Tanong niya at matama ako na tinignan.
"Or you're just want to....." sabi niya ngunit pinutol ko agad siya dun.
"Shut up,Gusto ko sumali dun dahil sa sarili ko.Hindi dahil kay Kyle fuck." Sabi ko at napairap sa kawalan.Alam ng mga tao na hindi ako para sa mga rampahan and more on acads ako.
"Okay I get it.Basta support ako sayo sa mga plano mo sa buhay." Sabi ni Atasha at tumayo na siya para tumakbo paikot sa club house namin.
Every Saturday Morning basta may time kami nagjojogging kami sa subdivision namin.Madali naman nakakapunta dito sa subdivision namin si Atasha dahil 2 subdivisions away lang siya samin.
Halos mayanig ako habang pinapanuod tumakbo si Atasha ng maramdaman ko ang phone ko na nagvivibrate.
"Hey Kyle!" Pag sisimula ko sa tumawag sakin.Napangiti ako sa kawalan at kinagat ang pang-ibabang labi ko.
"I miss you babe." Sabi niya sakin na medyo namamaos pa ang boses.
"I miss you too babe,kakagising lang?" Matamang tanong ko sakanya.Halos marinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.
"Yes babe,May lakad ka ngayon?" Tanong niya sakin.
"Wala naman,Why?" Matamang nagtataka na tanong ko sakanya.
"I just want to Invite you here dito sa bahay." Sabi niya,napakagat labi ko sa narinig ko kay Kyle.
"Uhhh...Kyle?Are you sure pupunta ko diyan mamaya!?Baka maka istorbo ako?" Tanong ko kay Kyle sa kabilang linya.
"Is there ang problem?Look Hash lagi kita inaaya pumunta dito pero lagi ka naman tutol!" Sagot ni Kyle sakin na may halong pait na sa tono niya.
"Hindi sa ganun yun Kyle!" Mariin na sabi ko at napapikit na lang ako sa hindi ko malaman na dahilan.
"Kung ayaw mo edi w...." bago pa matapos ni Kyle ang sasabihin niya ay pumayag na lang ako sa gusto niya.Para wala na din pagtatalo na mangyari.I hate it kapag nag-aaway kami,Walang gusto mag patalo samin.
"Okay fine,5 oclock sunduin mo ko kela Atasha." Sabi ko at pinutol ko na agad ang usapan namin bago pa siya may masabing iba nanaman.
Hindi lang ito ang unang beses na pag-yaya ni kyle sakin.Sa lahat ng pag aya niya lahat yun ay tinanggihan ko maliban ngayon.Siguro kaya ako pumayag ngayon para na din hindi kami mag-talo
"Oh naka busangot ka diyan?" Tanong ni Atasha sakin ng nilapitan ako.
"Wala..." sagot ko sakanya at iniwasan ko na lang siya ng tingin.
"Sino kausap mo sa phone kanina?Si Kyle?" Tanong niya at hinanap ang mga mata para magkatinginan kami.Tumango lang ako at pekeng ngumiti.
"Ano nanaman isasama ka nanaman niya sa training niya?Fuck Hashly,Pwede ba makinig ka sa akin kahit isang beses lang paano pag nakita kayo ng kuya Justine at Austine mo sa training nila?" Naiiritang sabi ni Atasha sakin na parang nanay ko kung pangaralan ako.
YOU ARE READING
Heat and Love
RomanceHaving a bestfriend is a big blessing.Bukod sa may bestfriend ka na may kapatid ka pa.May kasama ka na sinusuportahan niyo ang isa't isa.Kapag malungkot ka may tinatakbuhan ka.Kapag masaya ka may tinatawagan ka at kapag nasaktan ka may magtatanggol...