Part 1

15 0 0
                                    

ito na guys! HAHAHAHA!

Bakit nga ba nasa huli lagi ang pagsisisi? Hindi ba pwedeng magsisi na agad habang maaga pa, hindi yung kung kailan meron nang iba, tska mo pa lang marerealize ng lahat ng hindi mo nagawa na sana nagawa mo nalang?


----

now playing: Bakit ngayon ka lang? (SAWI BA? HAHAHAHAHAHA) ☺☺

"Bakit ngayon ka lang

Bakit ngayon kung kelan ang aking puso'y meron nang laman

Sana'y nalaman ko na darating ka sa buhay ko
Di sana'y naghintay ako

Ikaw sana ang aking yakap-yakap
Ang iyong kamay ang aking laging hawak
At hindi kanya
Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko

Bakit ngayon lang dumating sa buhay ko
Pilit binubuksan ang sarado ko nang puso

Ikaw ba ay nararapat sa akin
At siya ba'y dapat ko nang limutin
Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating"


Nasa bahay ako ngayon at yan ang favorite song ko na lagi kong pinplplay tuwing pag nag-iisa ako sa bahay. "Ano ba yan? Bakit ang drama ko nanaman ngayon? Kailan ba akong hindi magiging madrama muli sa buhay ko?" Mga tanong ko sa sarili.  

Ako ay si Adrian Gonzales, ang lalaking adik sa volleyball ever since 10 years old dahil sa impluwensiya ng kanyang kuya na varsity player ng UST Men's Volleyball team at kahit hindi ako naglalaro nito, inaabangan ko lagi ang UST team lalo na pag UAAP na. HAHAHAHA hoy hindi ako fantard ah! GO USTE ang isa sa mga favorite icheer mga fans ng team na ito. 

Ako ay isang mag-aaral ng isang "online education" at ang kinkukuha kong course ay BS in Computer Science. Graduating na ako this year at gagawin ko ang lahat para matulungan ko ang akin pamilya. Yan ang aking pinaka goals ko sa buhay ko, dahil gustong gusto ko makabawi sa kanila lalo na yung pagod nila at tinatanggap pa rin nila ako kahit sabihin natin may Cerebral Palsy ako.  

Mahina man ang loob ko pero hindi ako sumsusuko sa mga laban sa buhay, dapat positive lang ako lagi at gagawin ko ang lahat. Ngunit nagbago ang lahat nung nakilala ko ang mga tao nang hindi ko aakalain magbabago sa akin nang ganito. 

Si Mark Anthony De La Cruz ay isang kaibigan na sobrang kilalang kilala yung buong pagkakatao ko kung baga parang mag Best Friend at mag kapatid na rin kami sa turingan at nakilala ko siya sa school namin. Simula grade 5 pa lang, magkakilala na kami. siya lang yung bukod tangi taong naging kaibigan ko dahil sobrang takot ako makipagkaibigan sa mga tao since may Cerebral Palsy nga ako at akala ko hadlang ang aking condition para magkaroon ng kaibigan at maging forever loner ako, pero si Mark, pinatunayan niya sa akin na kaya niya ako tanggapin ng buong buo at nagkasundo kami dahil sa Volleyball HAHAHAHA! Mas adik pa toh sa akin eh at we really support each other's back. 

Si Moira Leah Sander naman ay nagbago sa aking buhay dahil minamahal niya ako ng sobrang sobra pa sa inaakala naming lahat  oo, pinaka maganda siya, mayaman dahil anak siya ng may-ari ng isang PSL team ay Petron Blaze Spiker. Mataray sa tingin ng iba ng schoolmates namin ni Mark pero mabait siya at ang kalog niya. Naging kami for a year at sobrang grateful ako kasi sinasalo siya ng best friend ko na si Mark na alam kong hindi niya deserve na masaktan.

Nagbreak kami ni Moira dahil nararamdaman ko kasi na habang tumatatagal, hindi ito magwowork ang relationship kahit sabihin natin. Ewan ko bakit bigla nagiba ang ihip ng hangin sa aming dalawa, siguro natatakot lang ako na hindi niya ako deserve na may mas bagay pa sa kanya at may taong mas may kaya pa ibigay ng mga deserve niya na hindi ko maibibigay. Syempre ayaw niya pumayag nung una pero she understands me  where all these coming from.

"Moira! sorry talaga ah at alam kong hindi sapat ang salitang SORRY.  Alam ko mahal mo ako ng higit pa sa inaakala natin pero hindi mo ako deserve dahil hindi ko maibibigay ang lahat kasi may limitations ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Long Way to GoWhere stories live. Discover now