Kabanata 1

9 0 0
                                    

"Ano ba yan, kailangan mong magsanay!" sabi ng aking ama habang sinasanay niya ako sa pakikipaglaban.

"Opo ama."  tugon ko.

Ang aking ama ay isang hari noon pero nagwasak ito dahil sa kasakiman ng aming kalaban. Lahat ng tao, aming alipin at mga mamayan ay nadamay at pinaslang kasama don ang aking ina. Ang aking ama ay isang hari ng tubig, masaya ang buhay namin pero nawasak, kaya pinagsasanay kong maige ang aking kapangyarihan.

"Mahal na hari" dumating ang isa sa tagapagsilbi ng aking ama at nagbigay galang.

"Anong gusto mong sabihin? "

" Gusto kayong makausap ng hari ng kidlat " sabi ng tagapagsilbi.

"Oh sige, anak sumama ka sa akin" tugon nito.

"Opo ama" Sumama ako papuntang bulwagan ng hari.

Nung nandoon na kami sa tapat ng bulwagan nakita ko si Minhyuk, prinsipe ng kidlat.

"Princesa-- " natigil si Minhyuk at nagbigay ng galang nung nakita ang aking ama.

"Pasensya na po mahal na hari sa aking ginawa."

"Ayos lang iho alam ko naman na gusto mong makita ang aking anak." sabi ng aking ama

Agad umalis ang aking ama papuntang bulwagan habang kami'y nasa labas.

" Tara princesa sa pabilyon. " sabi niya sa akin. tumugon ako at hinila niya ako sa pabilyon.

Nung makarating na kami, tinawag ko ang isa sa mga tagapagsilbi at inutusan ko siyang dalhan ng pagkain ang prinsipe, Ikasiya namin na nagkita ulit kami. Naglaro at sinanay niya ako sa aking kapangyarihan.

" Humusay ang iyong sanay sa kapangyarihan Princesa Kaeun. "

"Walang anuman Prinsipe Minhyuk."

Agad niya akong binigyan ng isang singsing.

"Itong sing sing ay isa sa mga mamahaling alahas ng aking ina ngunit kinuha ko ito para maibigay sayo mahal na prinsesa."

Gumuhit sa aking labi ang ngiti nung binigay niya sa akin ang singsing, sinuot niya ito sa akin at binigyan ko siya ng yakap.

"Salamat sa iyong binigay prinsipe."

"Walang anuman prinsesa."

"Ehem" biglang umingay at inalis ko ang yakap ko sa prinsipe nung nakita ko ang aking ama at ang hari ng kidlat.

"Mukhang masyado na kayo nagkabutihan." Gumuhit sa aming mukha ang hiya, nung napansin ito ng hari ng kidlat, napatawa na lang ito.

"Sige magsaya na lang kayo dahil minsan nang makapunta itong prinsipe."

Umalis ang aming mga ama at dumating ang pagkain na inutos ko sa tagapagsilbi. Kumain kami ng kumain at biglang dumating ang limang maskarang itim sa apat na sulok ng pabilyon, inatake ang mga tagapagsilbi at dinipensa ko ito. Umalis ang mga tagapagsilbi upang ibalita ang nangyari sa pabilyon. Inatake ko ang mga nakamaskara ngunit malakas ang isa sa kanila. Inatake ng prinsipe ang mga nakamaskara ngunit tumama ang isa kanya ang binigay na opensa, tinalian ako ng mga nakamaskara at hindi ako nakapalag pa, tinakpan nila ang aking bibig at duon ko na lang nalaman nakatulog na ako sa amoy ng panyo.

Tinatakbo ko na yung pagsugod sa akin ng mga kawal ng apoy. Gusto kong makaalis pero wala... nakita kong patay na ang ama ko, yung mga tagasilbi at mga kawal. Umiiyak na lang ako habang tinatakas ko ang hari ng apoy ngunit hindi ako nakatakas pa.

"Maawa kayo!"

....Jonghyun....

"Awa?" Tinutukan niya ako ng espada. pababa ng paba Tinatakbo ko na yung pagsugod sa akin ng mga kawal ng apoy. Gusto kong makaalis pero wala... nakita kong patay na ang ama ko, yung mga tagasilbi at mga kawal. Umiiyak na lang ako habang tinatakas ko ang hari ng apoy ngunit hindi ako nakatakas pa.

"Maawa kayo!"

....Jonghyun....

" Awa? " Tinutukan niya ako ng espada. pababa ng pababa ang espada hanggang puso. hanggang sa..

Magising na ako sa isang kuwarto, nilibot ko ito at nakita kong nakalibot ito ng harang. Kahit anong gawin ko kay wala parin.

" Ilabas niyo ako!! " umupo ako sa gilid at duon humiling.

"Ama.." biglang bumukas ang pinto at nakita ang isang matandang lalaki na may ibon sa kanyang balikat kasama ang isang binata.

"Oh? gising na pala ang princesa ng tubig?" tumawa ang matanda. " Magaling anak, natupad mo ang hiling kong dakpin ang princesa. "

" Salamat ama "  nagbigay galang ang binata. Tumalikod ang matanda at sinipa ko ngunit hinarangan ako ng binata at nagdepensa ako. Nakakita ako ng plorera, binasag ko ito at kinuha ito gamit ang aking kapangyarihan at tinutok sa kanya.

" Magaling ka na pala sa maharlika Princesa Kaeun.." at dinipensahan niya ito. umilag ako at tumama ang basag na parte ng plorera sa kama. Naramdaman ko na tinali niya ako habang nakatingin sa plorera. Mahigpit at mainit ang tinali sa akin.

" Hindi ka na makakatakas ulit " umusog ako habang siya ay nalapit sa akin biglang nahulog ako at sinalo niya ako at aksidebteng nagkalapit ang aming mga labi.

DivineWhere stories live. Discover now