Kabanata 2

1 0 0
                                    

Natulala ako nung hinalikan niya ako, nakaramdam ako ng mga paru-paro sa aking tyan. Tinulak niya ako at napahiga ako sa kama.

"A-anong ginagawa mo? " tanong ko sa kanya

" W-wala " at umalis na siya kung saan ako nakakulong.

Naghihintay ako ng ilang minuto at nakatali pa rin ako at kinulong sa kuwartong puno ng mahika. Bumalik ang ilang kawal at tinangal ang aking tali ngunit hindi pa rin ako makalabas,  habang naghihintay nakatulog ako sa pag-asang makabalik sa amin.

Nagising ako na may tao sa aking tabi na may taong nagbabantay, nakita ko ang binata na naghihintay na magising ako.

" Oh, kumain ka na, nandito na iyong pagkain. "

" Sino ba kayo?!?! kayo ba ang pumatay sa aking ina?!?! " sigaw ko sa kanya.

" Ako ang prinsipe ng apoy, at inuutos ng aking ama o hari ng apoy na bantayan kita dahil isa kang makapangyarihan. "

" Prinsipe?! bakit?! ano ba ang kailangan niyo sa akin?! "

" Wala ka nang alam don prinsesa ng tubig. "

Umiyak na lang ako. Naiiyak ako dahil sila ang pumatay sa aking ina. Naalala ko kung paano namatay ang aking ina sa digmaan. Lahat ng gamit sa loob ay nagkawatak at nagkagulo-gulo. Niyakap ako ng Prinsipe ng hindi ko alam. Lahat ng mga bagay, bumagsak at habang niyayakap niya ako.

" Shh... " Hindi ko kung bakit, bakit niya ako niyayakap, kilala niya ba ako? sino ba siya?

Pinainom niya ako at pinaupo sa silya.

" Kumain ka na at mamaya pupunta ka sa bulwagan para maayos kung anong parusang matatangap mo "

Umalis na siya at naiwan na naman ako ng magisa. Pero bakit dito ako kinulong ng mga apoy? bakit dito sa magandang kuwarto?

Makalipas ng ilang oras ay bumalik ang prinsipe kasama ang mga kawal. Dinala nila ako sa bulwagan. Lahat ng kasapi nanghari nandoon.

"Ngayon, lahat kayo ay nandito upang ipagdiwang ang ating tagumpay!"

Nagtayuan at kita ang ngiti sa kanilang mukha.

"Lahat kayo, makikita niyo ang kamatayan ng isa sa mga princesa ng ating kaaway!"

Tumawa ng malakas ang hari. Lumapit ito ang pinisil ang aking dalawang pisngi ng madiin.

"Mamatay ka at makakasama mo na ang iyong mahal na ina." saka binitawan ang aking pisngi. Kinuha niya ang espada sa kanyang kawal at tinapat sa akin.

"Ako'y hangang hanga na buhay pa kayo! Hindi niyo ba alam na pinapatay ng iyong itang ang aking ama pati na rin ang aking ina! Ngayon matutupad na ang kahilingan ko na mamatay ka sa harap ng aking mga kasapi! Ngayon may sasabihin ka pa?!"

"...."

"...patayin niyo na ako.." Natawa ang hari sa sinabi ko.

"Haha. talagang papatayin na kita."

...ama...patawad...

Pumikit ako at naramdaman ko na tumigil ang oras at minulat ko ang aking mata na nakita ko ang prinsipe na kinokontrol ang espada ng hawak ng kanyang ama.

DivineWhere stories live. Discover now