Kahit di mo alam(Best if spoken)

11 1 0
                                    

Ikaw, Oo ikaw, Ikaw nga ba?,
Yung taong kumikinang na parang tala,
Yung taong hinayaan kung makawala,
Yung taong nambaliwala,
At yung taong bigla nalang nawala.

Ni minsan ba hindi naging sapat ang aking mga tula?,
Ni minsan ba hindi mo napansin ang lahat ng aking mga nagawa?,
At Ni minsan ba hindi mo napagtanto kung tama ba o mali ang iwan mo akong lumuluha?.

Alam kung hindi mo alintana,
Hindi mo alam na para sayo lahat ng aking mga ginagawa,
At lalong hindi mo alam ang sakit na mawalan ng bigla.

Aking pagtingin hindi mo man lang napansin,
O kay bigat ng naidudulot neto saakin,
Pero hahayaan nalang,
hahayaang maging panaginip nalamang ang pagtingin ko sayo higit ninoman.

Imaginary Me & You (Poem)Where stories live. Discover now