Chapter Sixteen

83.8K 2.2K 419
                                    

"M-Maxie, c-can we go home na? It's getting late na kasi, m-may klase pa tayo later. Zoey is almost drunk na kasi and Scarlet is already unconcious." Nababahalang tanong ni Hana sa akin. Alam ko na takot sa akin si Hana. Sino ba naman ang hindi matatakot sa isang katulad ko? Tanga lang ang hindi makaramdam ng takot sa tuwing makikita o maririnig ang pangalan ko. And it's not because I look horrible or I look like a terrifying monster but because of my impeccable superiority.

"No! I want to get drunk."

"But you are drunk." Napangiti ako sa kanya. Kahit na lumulutang ang utak ko ay alam ko kung gaano ako kabungisngis ngayon. If I wasn't drunk, siguro ay kanina ko pa siya nasungitan o di kaya ay nasigawan. Pasalamat na lang talaga siya at medyo clouded na ang pag-iisip ko and I couldn't say I trust my judgment at the moment.

"I'm not fucking drunk, I'm fucking Maxwell Allen Ynarez, you bitch."

"Maxie..." Hana sighed and I think her whine slightly cleared my mind. Siguro mga three percent.

"Hana, naalis lang sa inis sayo pagkalasing ko. If you want to leave, just go. Bring the girls with you. I don't care." Umirap ako dito at matapos ay inabot ang bote sa harapan ng lamesa. Isinalin ko ang alak sa shot glass at matapos ay ininom iyon ng walang chaser o kahit ano. Hindi natinag si Hana sa kinauupuan niya. Nanatili siyang nakatingin sa akin at walang imik pero nakikita ko ang alinlangan sa mga mata niya.

"But I can't just leave you here like this Maxie, baka may masamang mangyari sayo." I snorted.

"Shut up, Hana. Just leave before you really piss me off."

"But Maxie--"

"Do you want me to drag you out the club by pulling your hair? Umalis ka na kung ayaw mong gawin ko iyon sayo." Pinaningkitan ko siya nang mata kaya napatayo agad si Hana. Alam niya kasing hindi ako nagbibiro sa pagbabanta ko. Kapag may sinabi akong gagawin ko, gagawin ko talaga iyon. I don't do empty threats at lalong hindi ako tipo ng tao na puro salita lang.

Iniwan ako ni Hana. Hindi ko alam kung paano niya nagawang isama ang dalawa pero nagawa niya iyon ng hindi ko napapansin. Siguro ay dahil masyado akong lasing para mapansin ang pag-alis nila. Inubos ko ang kung anong alcoholic drinks ang nasa harapan ko bago tumayo at lumakad papunta sa dance floor. Umikot ang paningin ko at napakapit sa lamesa. Imbis na mainis ay natawa pa ako sa sarili ko. I love being tipsy. Kung ano kasi ang ugali ko, times two pa iyon sa tuwing nalalasing ako. Kung natural akong maldita, mas maldita ako pag lasing. Ang kinaibahan lang ay mas flirt ako kapag nakakainom ako.

I don't make a habit of flirting or oggling over guys when I'm sober since I know better and I know how much they don't deserve me. But since I'm drunk, I can blame the alcohol for my actions and not be held responsible for any stupidity that I will be doing.

Inilibot ko ang mga mata ko at sinubukan humanap ng puwedeng makasama sa pagsayaw. I can dance alone but I want to feel the heat with somebody. I love dancing with a partner kaya kahit sino ay hihilahin ko, basta pogi at papasa sa taste ko.

May natanaw akong isang lalaki na mukhang ibang breed. Ngumisi ako nang tumama rin ang tingin niya sa akin. I strut my way to the guy. Alam kong paliko-liko na ang hakbang ko pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. Alam ko naman na maganda pa rin ako kahit gaano pa ako kalasing. At hindi iyon nakabawas sa alindog ko.

Inangat ko ang kamay ko at marahan na hinimas ang pisngi niya. "You. Are. Going to dance. With. Me."

Hindi ko na siya bingiyan ng panahon para makapagsalita. Alam ko naman na hindi siya tatanggi sa akin. Kay Grant lang naman walang epekto ang karisma ko. Halos lahat ng kalalakihan ay natatamaan sa kamandag ko kaya hindi na nakakagulat ang bagay na iyon.

Mean for You (Mean #1) (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon